Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

SINING IV

Date: ___________
1. Mga Layunin:
Nasasabi ang kahuluganng linya.
Nakikilala ang iba't ibang uri ng linya.
II.

Paksang Aralin
Iba't Ibang uri ng Linya
Kagamitan:
Mga larawan ng iba't ibang uri ng linya
Umawit at Gumuhit 3

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang tungkol sa pandamang biswal.
2. Itanong:
a. Ano ang tawag sa pandama na nakatutulong upang kayo ay
makakita?
b. Mahalaga ba ang pandamang biswal? Sakit?
c. Paano mo ginagamit ang iyong pandamang biswal?
B. Panlinang na Gawain
1. Sabihin:
a. Sisimulan natin ngayon ang paggamit n gating pandamang
biswal sa pag-aaral ng sining.
b. Maglagay ng tuldok sa pisara.
2. Itanong:
Ano ito?
3. Subukan mo nga itong pahabain.
4. Tingnan mo nga kung makagagawa ka pa ng linya patungo sa
ibang direksyon.
5. Tumawag ng ilang bata upang magkaiba-iba ang magagawang
linya.
6. Ipasuri ang sa mga bata ang kanilang ginawa.
Sabihin:
a. Masdan ang mga linyang ginamit mo mula sa pinahabang
tuldok.
b. Anu-anong uri ng linya ang ginamit mo?
7. Iguhit sa pisara ang bawat uri ng linya na babanggitin ng mga
bata at lagyan ng pangalan.
8. Kung hindi nila maibigay lahat ng uri ng linya ay magbigay ng mga
pantulong na tanong.
C. Paglalahat
Itanong:
Ano ang masasabi mo tungkol
1

sa Iinya? Saan ita nanggaling?


Anu-ano ang iba't ibang uri ng linya?
D. Paglalapat
1. Magpakita ng isang larawan o gamitin ang lahat ng nakikita sa
loob ng silid-aralan at ipatukoy ang iba't ibang uri ng Iinya.
2. Sabihin:
Tukuyin ang iba't ibang uri ng linya sa mga bagay na nasa
paligid at sabihin kung paano ginamit ang mga ito.
IV. Pagtataya:
Ganyakin ang mga bata na makapag-ipon ng mga bagay na may
iba
V. Kasunduan:
Gumihit pa ng iba't ibang Linya

SINING IV
Date: ___________
I. Mga Layunin:
Naipapakita ang kamalayan at pag-unawa sa kulay
Nakikilala ang mga pangunahin at pangalawang kulay
Nasasabi kung bakit tinatawag na pangunahin at pangalawang kulay
ang mga ito
Nakabubuo ng mga pangalawang kulay mula sa pangunahing kulay
II. Paksang Aralin
Iba't Ibang uri ng Kulay
Kagamitan:
Mga larawan ng iba't ibang uri ng kulay
Umawit at Gumuhit 3
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang natutuhan ng mga bata tungkol sa pangunahing
kulay
Itanong:
a. Ilan ang pangunahing kulay? Anu ano ang mga ito?
b. Bakit sila tinawag na pangunahing kulay?
2. Pag-usapang ang tungkol sa mga pangalawang kulay.
Itanong:
a. Ilan ang mga pangalawang kulay?
b. Anu-ano ang mga pangalawang kulay?
c. Bakit sila tinawag na pangalawang kulay?
d. Paano nagagawa ang pangalawang kulay
B. Panlinang na Gawain
1. Linangin ang kaalaman tungkol sa pangunahing kulay at mga
pangalawang kulay.
2. Pag-usapang ang wastong pag-gamit ng krayon.
C. Paglalahat
1. Itanong
a. Anu-ano ang mga pangunahing kulay? Bakit tinatawag na
pangunahing kulay ang mga ito?
b. Anu-ano ang mga pangalawang kulay?
c. Bakit kaya sila tinawag na pangalawang kulay?
D. Pagpapahalaga
1. Tumawag ng ilang bata na magpapakita at magpapaliwag ng
kanilang ginawa.
2. Itanong:
a. Naipakita mo ba ang iyong kaalaman sa kulay
b. Nalapatan mo ba ng angkop na kulay ang mga larawang
iginuhit.
3

IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto
ang kanilang ginagawa.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng larawan at kulayan ito ng angkop na kulay. Paghaluin
ang mga magsindaming pangunahing kulay upang makagawa ng
pangalawang kulay na kailangan.

SINING IV
Date: ___________
I.

Mga Layunin:
Naipapakita ang kamalayan, kaalaman, at pag-unawa sa hugis
Nakikilala ang ibat-ibang uri ng hugis
Nakakaguhit ng ibat-ibang uri ng hugis

II. Paksang Aralin


Iba't Ibang uri ng Hugis
Kagamitan:
Mga larawan ng iba't ibang uri ng Hugis
Umawit at Gumuhit 3
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang tungkol sa mga hugis.
2. Ipagawa at ipasagot sa mga bata ang mga sumusunod:
a. Iguhit mo ang pisara? Ano ang hugis nito?
b. Gumihit ka ng bola? Ano ang hugis nito?
c. Iguhit mo ang hugis ng iyong panyo. Ano ang hugis nito?
d. Iguhit mo ang ilalim ng baso ano ang guhit nito?
e. Gumuhit ka ng bahay kubo? Ano ang hugis nito?
3. Pag-usapan ang malayang hugis at hingan ng halimbawa ang
mga bata.
B. Panlinang na Gawain
1. Hayaang magmasid sa paligid ang mga bata.
2. Itanong:
a. Anu-ano ang mga bagay na nakikita ninyo sa loob ng silidaralan?
b. Ano ang hugis ng mga ito?
c. Paano nabubuo ang hugis
3. Magpakita ng mga larawang binubuo ng ibat ibang mga hugis.
Pag-usapan ang mga ito.
4. Itanong:
a. Anu-anong hugis ang bumubuo sa mga larawan
b. Paano ginagamit ang bawat hugis.
C. Paglalahat
1. Iguhit sa pisara ang mga bagay na may malayang hugis
2. Itanong :
a. Anu-ano ang ibat ibang uri ng hugis?
b. Paano nabubuo ang hugis?
IV. Pagtataya:
5

Iguhit sa mga bata ang pinakagusto nilang laruan sa


pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang hugis at kulayan ang
bawat hugis ng isang pangunahing kulay.
V. Kasunduan:
Gumupit ng ibat ibang hugis at idikit ito ng permanente sa isang
papel. Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Anu-anong uri ng hugis ang ginamit mo sa inyong ginawa?
2. Anu-anog hugis ang may tuwid na linya?
3. Ano naman ang may pakurbang linya?
4. Anong hugis ang parang zigzag?
5. Nasiyahan ka ba sa iyong gawaing pansining? Bakit?

SINING IV
Date: ___________
I.

Mga Layunin:
Naipapakita ang kamalayan, kaalaman, at pag-unawa sa mga
tekstura
Nakikilala ang ibat-ibang uri ng tekstura
Nailalarawan ang uri ng tekstura sa pamamagitan ng paghipo at
pagdama
Naipapakita sa pamamagitan ng pagkilos o pagsayaw ang ibat
ibang katangian ng tekstura

II. Paksang Aralin


Tekstura
Kagamitan:
Mga bagay na may ibat ibang tekstura
Papel na puti o karton, gunting at pandikit
Umawit at Gumuhit 3
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Pag-usapan ang ibat ibang uri ng hugis.
b. Pag-usapan ang mga bagay na naipon nila.
c. Itanong:
1. Anu-ano ang mga bagay ang nakalap mo?
2. Ikaw ba ang naghanap ng mga bagay na nakalap mo?
3. Mapagbubuklodbuklod mo ba ang mga bagay ayon sa
kanilang tekstura?
B. Panlinang na Gawain
1. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na mahipo ang mga
bagay-bagay sa paligid.
2. Maghanda ng mga bagay na ipapadama sa mga bata.
C. Paglalahat
1. Itanong:
a. Ano ang tekstura?
b. Anu-ano ang ibat ibang uri ng tekstura?
IV. Pagtataya:
Ganyakin ang mga bata na makapag-ipon ng mga bagay na
may ibat ibang tekstura.
V. Kasunduan:

Gumupit ng mga bagay na may ibat ibang tekstura ayon sa hugis


na iyong nais at idikit sa isang papel. Lagyan ng pamagat ang iyong
larawan.

SINING IV
Date: ___________
I.

Mga Layunin:
Naipakikita ang kaalaman at pag-unawa sa sa mga prinsipyo ng
sining.
Naipakikita ang kaalaman at pag-unawa sa ritmo sa pamamagitan
ng mga gawaing pansining.
Nasasabi ang kahulugan ng ritmo

II. Paksang Aralin


Ritmo sa Sining
Kagamitan:
Mga bagay gamit sa pagdisenyo ng damit, gaya ng krayon, papel,
lapis at ruler
Umawit at Gumuhit 3
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang ibat ibang uri ng ritmo at ang kahulugan ng ritmo
2. Ipasuri ang mga disenyo ng pambalot ng regalo o panyo.
B. Gawaing Pansining
1. Mag-isip ng disenyo para sa iyong damit
2. Pag-aralan kung paano mo magagamit ang mga sumusunod:
a. Ritmo ng linya
b. Ritmo ng hugis
c. Ritomo ng kulay
3. Iguhit sa pamamagitan ng lapis ang mga disenyong nasa isip mo.
4. Ipakita ang ritmo ng disenyo
C. Pagpapahalaga
1. Tumawang ng ilang bata upang ipakita at ipaliwanag ang
kaninlang ginawa.
2. Itanong:
a. Nakalikha kaba ng disenyo ng damit?
b. Paano mo naipamalas an giyong kaalaman at imahinasyon sa
paglikha ng disenyo na nagtataglay ng ritmo?
c. Anu-anong uri ng ritmo ang makikita sa iyong ginawa?
D. Paglalahat
1. Itanong:
a. Paano mo ipinkita ang prinsipyo ng sining sa ginawa mong
disenyo ng damit?
IV. Pagtataya:
9

Tumawang ng ilang bata upang ipakita at ipaliwanag ang


kaninlang ginawa.
V. Kasunduan:
Magdala ng larawan na may ritmo. Sabihin kung anung uri ng linya
o hugis ang makikita mo sa larawan.

10

SINING IV
Date: ___________
I. Mga Layunin:
Naipapahayag ang sariling kaisipan, damdamin at imahinasyon sa
pamamagitan ng pagguhit.
Naipapahayag ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagbuo ng
isang anyo mula sa tuldok.
II. Paksang Aralin
Anyo Mula sa Tuldok
Kagamitan:
CD ng masayang awitin
Umawit at Gumuhit 3
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang kanilang natutuhan tungkol sa ritmo
2. Iatanong kung paano sila makakalikha ng ibat ibang uri ng ritmo.
B. Paglalahad
1. Pag-usapan ang kanilang napag-aralan tungkol sa Linya mula sa
Tuldok
2. Ihanda ang mga bata sa susunod na Gawain
Sabihin:
Ngayon naman ang gagawin natin ay isang anyo mula sa
Tuldok
Malaya kang makakagawa ng kahit anong anyo mula sa
tuldok.
3. Magpatugtog ng isang masayang awitin.
C. Gawaing Pansining
1. Sa pamamagitan ng krayon ay maglagay ng tuldok sa isang
bahagi ng iyong papel
2. Pahabain ang tuldok sa anumang direksyon na nais mo.
3. Lagyan mo ng palamuti ang bawat hugis na nabuo.
4. Kulayan ang mga hugis.
D. Pagpapahalaga
Itanong:
1. Anu-anong linya ang ginamit mo sa pagpapahaba ng tuldok?
2. Anu-anong hugis ang iyong mabuo?
3. Mayroon bang ritmo sa iyong ginawa?
4. Anong uri ng damdamin ang ipinahayag mo?
5. Paano mo naipahayag ang iyong saloobin
E. Paglalahat
11

Itanong:
Paano mo ipinamalas ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan
ng pinahabang tuldok
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto
ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Gumuhit ng larawan at kulayan ito ng angkop na kulay. Paghaluin
ang mga magsindaming pangunahing kulay upang makagawa ng
pangalawang kulay na kailangan.

12

You might also like