Professional Documents
Culture Documents
Daluyong
Daluyong
PAMAGAT:
DALUYONG
ANG MAY-AKDA
LAZARO FRANCISCO
Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay
pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angles. Siya ay
isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi
sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay itinuturing na isa sa matibay na
haligi ng panitikang Filipino. Kinikilala rin siya na ama ng
Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Ilan
sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na
Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa
Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda
Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong.
Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang
panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang
Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang
kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng
mga Pilipino.
Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela
ay nalathala sa Liwayway. Iginawad sa kanya ang mga
karangalang Patnubay ng Lahi ng Maynila. Dangal ng Lahi
PAGSUSURI
ISTRUKTURA
Sunud-sunod ang paglalahad ng pangyayari sa nobelang
daluyong. Madaling mahuli ng mga mambabasa ang magiging
wakes ng kuwento. Nagiging mabilis ang daloy ng mga
pangyayari sapagkat hindi masyadong masalimuot ang
paglalahad. Ang bawat tauhan ay nakapagpaliwanag ng
kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng kanilang mga
binanggit na pahayag sa nobela. Nailarawan din ang
mahahalagang tagpo o eksena sa tamang lokasyon o tagpuan.
TEORYA
REALISMO
pinakita ang pagiging makatotohanang paglalahad at
pahlalarawan ng mga bagay, tao at lipunan. Halimbawa ay ang
paninilbihan sa mga mayayaman ng isang mahirap na tao.
KLASISMO
sa nobela, mas ginamit ni Lino ang kanyang isipan kaysa sa
damdamin ng kanyang pinasyang iwasan si Ms. Sachez dahil sa
naisip niyang alangan siya dito.
SIMBOLISMO
PAGTUTULAD/SIMILI
Ang kanyang mga ngiti ay tulad ng isang makinang na
bituin sa isang malalim na gabi
-LinoAnimoy bulkang pumutok sa galit si Lino ng kanyang
nalaman ang pagpatay sa kanyang matalik na kaibigan na si
Bidong ng siyay tumakas sa asyenda ni Don Tito
-Padre AmandoPAGWAWANGIS/METAPOR
Pulot sa tamis ang pananalita ng aking irog
-DidangAng mga payo ni Padre Amando ay siyang tulay sa
aking maliwanag na isipan
-LinoPERSONIPIKESYON
Ang buwan ang magiging saksi sa ating pagsusumpaan
at pag-iibigan
-BidongPAGMAMALABIS
Pumuti na lahat ng buhok ko sa pamomnobrema sa
batang iyan!
-Aling Barang-
IDYOMA
namanhid ang buong katawan ni Lino sa nalamang niya sa
kanyang matalik na kaibigan
Dadaan ka sa butas ng karayom kung patuloy mo siyang
mamahalin
Hugas kamay si Don Tito sa pagpatay kay Bidong
Wala kang kaluluwa Don Tito!
Tuloy-tuloy na ang pagbaha ng dugo
Hindi malikot ang kamay ko! Ginamit ko ang ninakawa ko para
sa mga mahihirap
MGA BISA
BISA SA ISIP:
REAKSYON
Gustong-gusto ko ang kuwento dahil ito ay napapanahon at
mukhang makatotohanan ang mga kuwento niya. Hindi ko
makalimutan ang mga pangyayari dahil inuulit ng may-akda
ang ilang tagpo nang sa gayoy ang ilang pangyayaring maaaring
malimutan o makaligtaan ay maaalala pa rin ng mga
mambabasa at ito rin ang nagustuhan ko sa nobela.
Karapat-dapat itong irekomenda dahil mayroon itong
magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa at
naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais
ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Ako ay maraming
natutunan sa aking pagbabasa dahil sa aking pagsusuri.
Mapapaunlad ko ang aklat na ito sa pamamagitan ng
panghihikayat sa aking mga kaibigan, kaklase, magulang,
kapamilya, at sa mga kaibigan ng king mga kapamilya at
magulang na basahin ang nobelang ito. Kaya nais kong
ipamahagi ito sa lahat ng sa gayoy maintindihan nila ang nais
ipahatid nito sa lipunan, Sa mga may kapangyarihan at sa mga
taong naaapi. Ipapahiram ko rin itong aklat na ito sa mga taong
nais magbasa nito.
Napakabuti ng aklat na ito sa ating lahat. Dahil dito
malalaman natin ang samotsaring mga problema na
nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa
atin kong paano ito lulusutan. Ang problema ay hinaharap at
hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao
ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang
kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan. Ang pag-ibig
ang nag-uugnay sa dalawang taong nagmamahalan. Walang
lihim na hindi nabubunyag. Habang may Buhay ay may Pagasa.