Filgen

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Bukidnon State University

MOGCHS EXTERNAL STUDIES


CAGAYAN DE ORO CITY
Banghay -ARALIN
FILIPINO
Asignatura
Pagputol sa Kadena ng Lohika
Pamagat
Marso 3, 2015
Petsa
Inihanda nina:
Genna L. Dela Pena
Christian Elmedulan
Bee-1A
Inihanda para kay:
Dr. Ludwig R. Gomera
Guro

I-LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan nang;
1. Nauunawaan kung ano ang isang pang sistema sa lihis na pangangatwiran.
2. Naiintindahan ang mga bawat uri ng pagputol sa kadena ng lohika.
3. Nakakabuo at nakakasulat ng mga pangangatwiran na ginagamitan ng
wastong lohikang angkop para sa paksa.
ll-Paksang aralin
1. Paksa:Pagputol sa Kadena ng Lohika
2. Sanggunian: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik I (Pahina 184189)
3. Kagamitan: visual aids, kartolina at paper tape
4. Pagpapahalaga: Maiwasto ang mga lihis na pangangatwiran upang
makabuo ng insaktong kongklusyon sa bawat hanay na palagay.
lll-Pamamaraan
1.

Paghahanda
Panalangin
Pagbati ng sa mga mag-aaral ng isang magandang-gabi
Gawaing Mag-aaral

A.Pagganyak:
1. Iparinig sa mga mag-aaral ang awit na Hari ng Tondo ni Gloc-9.
2. Maaaring muling ipaawit ito sa mga mag-aaral.
3. Bilang panimula, gawing gabay na tanong ang sumusunod:
a. Tungkol saan ang awit?
b. Sino ang posibleng nagsasalita sa awit?
c. Ilarawan ang mga pangyayari o sitwasyon sa awit.
d. May mga pangyayari ba sa kasalukuyan na ipinakita o binanggit din sa akda?

2. Paglalahad
Pagkatapos magbigay ng pagganyak
Pagbabalik- aral sa nakaraang leksiyon.Itatanong sa mga mag-aaral ang napag aralan
kahapon.At pagkatapos ipagpatuloy ang karugtong na topiko.
Tatanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang kaalaman sa kahulugan ng lohika.
1. ANO ANG LOHIKA?
2. Ano ang kahalagahan ng lohika ?
3. Bakit kailangang putulin ang kadena ng LOHIKA?
*Pagkatapos marinig ang ilan sa mga kasagutan ng mga mag-aaral, ibibigay
ang tunay na kahulugan nito.

Lohika-Ang literal nitong kahulugan ay ang salita o ang sinabi, ngunit mas pinipili ang
kahulugan nito bilang kaisipan o katwiran.
Bakit mahalaga ang lohika sa pangungusap. Ito ang pangangatwiran na ginagamit
upang maabot ang katapusang pangungusap (konklusyon) mula sa hanay ng mga
palagay.
Bakit kailangan putulin ang kadena ng lohika?
Ang mga dahilan at uri ng pagputol sa kadena ng lohika ay ang sumusunod:
A.
B.
C.
D.
E.
F.

Pangangatwirang post hocLabis na pagpapadali ng Sanhi /dahilan


Maling analohiyaPadalus-dalos na paglalahatPaikot na pangangatwiran
Non Sequitor
Ipapaliwanag ang bawat rason sa pamamagitan ng mga halimbawang sitwasyon.

A.

Pangangatwirang post hoc-lihis na pangangatwirang nakabatay sa maling


hinuha

Hal.Pinagbabatayan din ng maling akala ang maraming pamahiin natin at mga maling
paniniwala.Maraming sunod-sunod na nagaganap sa ating lipunan na wala naming
kaugnayan sa isat isa at kung mayroon man ay masasabing nagkataon lamang.
*Malinaw na ipinapakita sa pangangatwirang ito na ang unang pangyayaring naganap
ay hindi sapat na batayan para sabihin na ang sumunod na pangyayari ay bunga ng
unang pangyayari.
B.
Labis na pagpapadali ng Sanhi /dahilan-lihis o maling pangangatwiran ng sanhi
ay tumutukoy sa pangangatwiran ng sanhi na ipinapalagay na may iisang dahilan o
simpleng dahilan.Subalit ang katotohan ay may ilan talagang sanhi kaya nangyari ang
isang bagay.
Hal.ang isang tao ay biglang nahulog sa mataas na gusali na ikinamatay nya .Maraming
katanungan ang mabubuo sa isipan ng mga tao sa naging sanhi ng kanyang
pagkamatay.

Hal.
Nagpakamatay kaya siya?

Nasisiraan kaya siya ng isip?


Nadulas kaya siya?
bakit siya nasa itaas ng gusali?
Iniisip kaya niyan makalilipad siya?
May nagtulak kaya sa kanya?
Dito lilitaw ang katotohan kung ano talaga ang nangyari o sanhi ng pagkamatay ng tao.
B.

Maling analohiya-paqhahambing sa dalawang bagay na walang tuwirang


kaugnayan sa paksa kaya ngkakaroon ng kamalian sa kongklusyon.

Hal. Nabigla at nalungkot ang isang coach at administrador sa ipinapahayag na


pagtanggal sa programang basketbol sa isang unibersidad dahil nagiging sanhi ito ng
bisyong sugal sa unibersidad.Isang coach ang nagwikasa tingin ko kailangang magisip sila ng solusyon sa problema kaysa tanggalin nila ang basketbol.kung nayngyari
kaya ito sa departamentong Filipino , aalisin din kaya nila ang asignaturang ito?
*Gumamit nang maling paghahambing ang coach sa ibinigay na sitwasyon.
D.
Padalus-dalos na paglalahat-lihis na pangangatwiran na ngbibigay ng pabuod na
paglalahat batay sa kaunting ebidensya.
hal. Kailangang makakuha ang opinion ng publiko sa isang partikular na isyu.
*Sa sitwasyong ito , mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga tagatugon
para wasto ang makuhang kongklusyon sa pangkalahatang pananaw sa ibinigay na
isyu.
E.
Paikot na pangangatwiran-lihis na pangangatwiran na magandang halimbawa ng
maling pagpapalagay Lumilikha ng paikot-ikot na pangangatwiran na halos walang
nagagawang matino.
Hal.aborsyon
Sa isang aborsyon , may naninindigan na itoy pampribadong bagay sapagkat
naniniwala sila na isang tao lamang ang sangkot dito at iyon ay ang babae. Ang
katwiran nila, personal at pribadong disisyon ng babe na ipalaglag ang bata.
*mali ang pangangatwirang ito , dahil kung tutuusin ito ay pampublikong bagay at isa
pa, hindi pinapayagan ng ating batas ang aborsyon dahil nakasalalay rito ang buhay ng
isang nilalang.

F Non Sequitor-hindi sumusunodang kongklusyon ay maaring tama o hindi kaya


lamang lihis parin ang pangangatwiran sapagkat di sumusunod sa proposisyon ang
kongklusyon.
Tanggap na proposisyon: ang sinumang estudyante na lumiban ng sampung beses
nang walang pahintulot mula sa dekana ay babagsak sa kanyang kurso.
Tanggap na proposisyon:Bumagsak si Erlinda sa kanyang kurso.
Hindi balidong kongklusyon:Samakatwid, nakaliban ng sampung beses nang walang
pahintulot mula sa dekana si Erlinda.
*Kung susuriin ang sitwasyon nabanggit , si Erlinda ay maaring bumagsak sa kanyang
kurso dahil mabababang marka na kanyang nakuha at hindi dahil sa pagliban sa klase.
Hal. Nangyayari ang pagtaas ng bilang ng mga isinilang na sanggol sa panahon ng
kabilugan ng buwan.
Kongklusyon :ang kabilugan ng buwan ang naging sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga
isinisilang na sanggol.
*ang kongklusyong ito ay hindi maaring tanggapin dahil may iba pang sanhi kung bakit
tumaas ang bilang ng mga isinisilang na sanggol.
E.Paglalapat:
Matapos matalakay ang mga kadahilanan kung bakit dapat putulin ang kadena ng
lohika irerebyu muli upang malaman kung naintindihan o nauunawaan na ba ang mga
mag-aaral ang mga ito.
IV.

Ebalwasyon:

Magbigay ng ilang pahayag kung paano ka nagpapakasakit sa pag-aaral at kung bakit


mo ito isinasagawa gamit ang lohika.
V.

Takdang Aralin:

Basahin at siyasatin ang Akdang Tatlong mukha ng kasamaan ni Salvacion M.


Delas Alas. At ipaliwanag kung bakit mahalaga ang karunungan sa isang bansang
maunlad. Ilagay sa buong papel ang pagpapaliwanag.

Ang literal nitong kahulugan ay ang


salita o ang sinabi, ngunit mas pinipili
ang kahulugan nito bilang kaisipan o
katwiran. Ito ang pangangatwiran na
ginagamit upang maabot ang katapusang
pangungusap (konklusyon) mula sa hanay
ng mga palagay. Sa mas pormal na
kahulugan, isang pag-aaral ng mga
palagay ang lohikaang proseso kung
saan nalilikha ang mga bagong pahayag
mula sa mga napatunayan nang mga
pahayag .ang mithiin ng mga
tagapagtaguyod nito ay ang
pagpapaunlad sa kakayanan ng tao na
mapaghiwalay ang mga tumpak sa ditumpak na pangangatwiran bilang gabay
sa wastong pag-iisip.
Sa likas nitong anyo, ang kayarian ng mga
palagay ang nagkakaroon ng partikular na
pansinang pormal na ugnayan sa
pagitan ng bagong gawang mga pahayag
at mga napatunayan nang pahayag, kung
saan nangangahulugan ang "pormal" na
malaya ang ugnayan mula sa pahayag
nito mismo. Mahalaga ang pagsiyasat sa
pagkakaroon ng batayan sa hakahaka,
kasama ang mga iba't ibang posibleng
kahulugan ng pagkakaroon ng batayan at
praktikal na kondisyon sa kanyang
kapasyahan. Sa ganitong paraan, nakikita
na may mahalagang ginagampanan ang
lohika sa epistemolohiya na nagbibigay ng
mekanismo para sa pagpapalawig
(ekstensiyon) ng kaalaman.
Bilang pangalawang resulta, nagbibigayhatol sa pangangatwiran ang lohika; sa
madaling salita, kung papaano dapat
mangatwiran ang mga taogayon din ang
iba pang mga matatalinong nilalang,
makina, at sistema. Gayunman, dimahalaga sa lohika ang ganoong mga
kahatulan. Mas mahalaga para dito ang
mga paglalapat. Kadalasang pinag-aaralan
sa ibang larangan kung papaano
mangatwiran ang mga tao, kasama na
dito ang kognitibong sikolohiya.
Pangunahing kaisipan ang anyo sa
pagtalakay sa kalikasan ng lohika, at ito
ang nagpapahirap sa pagpapaliwanag ng
"pormal" sa "lohikang pormal" na madalas
na hindi malinaw sa mga pag-uusap.
Narito ang kahulugang ginagamit sa mga
susunod pang bahagi ng sulating ito:

Lohikang impormal ang pag-aaral ng mga


argumento o pagtatalo sa likas na wika
(natural language). Mahalagang sangay
nito ang pag-aaral ng mga kamalian.
Taglay ng imperensya (pagdudugtongdugtong ng mga palagay) ang purong
pormal na nilalaman kung ipinapakita nito
ang isang tiyak na paglalapat ng isang
walang-pinatutungkulang alituntunin,
isang alituntunin na hindi ikinakapit para
sa isang tiyak na bagay o katangian. Sa
bandang huli, makikita natin na
magkatulad ang kahulugan ng lohika,
lohikal na imperensya at imperensya.
Hindi nito ibig sabihin na may patlang sa
gitna ng lohikang impormal, dahil maaari
nating naisin na siyasatin ang lohika nang
hindi nakagapos sa isang uri ng pormal na
pag-aanalisa.
Lohikang pormal ang pag-aaral ng
imperensya na may purong pormal na
nilalaman, na kung saan malinaw na
binabanggit ang mga nilalaman.
Lohikang simboliko ang pag-aaral ng mga
walang-pinatutungkulang sagisag na
kinukuha ang mga pormal na katangian ng
mga lohikal na imperensya.
proseso ng pagsulat.
1. Paggawa ng burador
2. Paggawa ng estruktura
3. Muling pagtingin
4. Pagpopokus
5. Paglabas ng mga ideya
6. Pagtataya o Ebalwasyon
1. Paglabas ng mga ideya
May iba't iabng gawain para matulungan
ang manunulat nalumalabas ang ideya sa
paksang tatalakayin na lumabas ang ideya
sa paksang tatalakayin sa pagsulat. Isa na
rito ang pagsasagawa ng malayang
talakayan sa paksang napili. Ang tanong
na maaaring sagutin din ng manunulat ay
Ano ang masasabi ko sa paksang ito?
2. Paggawa ng Estruktura
Ipinakikita rito ang pag-00rganisa at
muling pag-aayos ng teksto at sinasagot
nito ang tanong na Paano ko mailahad
ang aking ideya sa paraang katanggaptanggap sa aking mga mambabasa?
3. Paggawa ng Burador
Ang burador ay nangangahulugan ng
pansamantalang pagbuo ng komposisyon
o anumang isinulat na aayusin at lilinisin
pa. Sabahaging ito pa lamang sisimulan
ang pagbuo ng teksto.

4. Pagpopokus
Tumutukoy ito sa mabilisang pagsulat na
ang gabay na tanong ay Ano ang
kabuuang layunin ko sa pagsulat ng
paksang ito?
5. Pagtataya o Ebalwasyon
Ang pagbubuo ng talatanungan na
magagamit sa pagkuha ng reaksyon o
puna ay isang paraan ng pagtataya o
ebalwasyon sa isinulat na teksto.
6. Muling Pagtingin
Ito ay muling pagbabasa ng teksto at
pagtingin kung tama ang ginawa. Ang
kabuuang layunin nito ay makalikha ng
makabuluhan at mabisang teksto.
Kailangan dito ang pagtutulungan ng mga
mag-aaral at guro upang maging
maganda ang resulta ng produkto ng
pagsulat.
Modyul 5
Lohikal at Mapanghikayat naPagsulat
Panimula
Ang Modyul 5 ay tumatalakay sa lohikal at
mapanghikayat na pagsulat. Bibigyangdiin sa bahaging ito ang tungkol sa
pangangatwtiran. Aalamin natin ang
pasaklaw at pabuod na pangangatwiran at
ang lihis o palisa na pangangatwiran.
Mahalagang marunong tayong magbigay
katwiran sa mga isyung napapanahon at
sa mga bagay na tayo ay may alam.
Nararapat rin na alamin natin kung paano
tayong magiging mabisa sa ating
pinangangatwiranan.
Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mag-aaral
ay inaasahang
A. Matukoy ang dalawang uri o paraan ng
pangangatwiran;
B. Makapagbigay ng mga halimbawa ng
pabuod at pasaklaw na pangangatwiran;
C. Makapgbigay ng sariling opinion hinggil
sa kahalagahan ng lohika at mabisang
pangangatwiran sa pang-araw-araw na
buhay sa pamayanan man o sa paaralan;
D. Makilala ang mga lihis at palisang
pangangatwiran na ginagamit.
SubukinNatin
A. Magbigay ng mga kasingkahulugan ng
salitang HIKAYAT.
B. Paano mo mahihikayat ang mga
mambabasa o makikinig? Ano-ano ang
mga katangian dapat tagalayin ng isang
manunulat o tagapagsalita? Magbigayng 5
katangian.

Alam mo ba?
Ang lohika ay tumutukoy sa agham at
sining ng tamang pag-iisip. May dalawang
panlahat nga kategorya ang lohikal na
pangangatwiran: pabuod o inductive na
pangangatwiran-nagsisimula sa maliit na
halimbawa o kayay sa mga particular na
bagay at nagtatapos sa panlahay na
tuntunin; at pasaklaw o deductive na
pangangatwiran ay nagsisimula sa
panlahat sa tuntunin konsepto o ideya na
sinusundan ng mga particular na bagay o
sumusuporta sa inilalahad sa una.
Lihis o Palasi na pangangatwiran
Sa pagsulat ng akademikong papel,
kailangang iwasan ang mga lihi o palasi na
pangangatwuran dahil sa nagpapahina
ang mga ito ng argumento.
a. Argumentum ad hominem- pag-atake sa
personal na katangian at hindi sa paksa o
argumento.
b. Argumentum ad baculum- paggamit ng
pwersa o awtoridad.
c. Argumentum ad misericordiampagpapaawa o paggamit ng awa sa
pangangatwiran
d. Argumentum ad ignorantiamnagpapalagay na hindi totoo ang
anumang hindi napapatunayano kayay
totoo ang anumang hindi
napapasinungalingan.
e. Non-sequitor- paggamit ng mga
argumentong hindi magkakaugnay o ng
argumentong does not follow the premise.
f. Ignoratio elenchi- pagpapatotoo sa isang
kongklusyon hindi naman siyang dapat
patotohanan.
g. Maling paglalahat-pagbatay sa isang
kongklusyon sa isa o ilang limitadong
premis.
h. Maling analohiya- paggamit ng
hambingang sumasala sa matinong
kongklusyon
i. Maling saligan- paggamit ng maling
batayan sa humahantong sa maling
kongklusyon.
j. Maling awtoridad- paggamit ng tao o
sangguniang walang kinalaman sa isang
paksa
k. Dilemma pagbibigay ng dalwang
opsyon lamang na para bang wala ng iba
pang alternatib
l. Mapanlinlang na tanong - paggamit ng
tanong na ano man ang maging sagot ay

maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang


sitwasyon.
GawinNatin
A. Sagutin ang mga katanungan.
1. Bakit mahalagang may mgapatunay o
ebidensya sa mga tesis o paksang nais
pag-aaralan?
2. Isa-isahin ang mga instrumentong
magagamit sa paglalatag ng ebidensya.

Ipaliwanag sa sariling pangungusap kung


paano magagamit ang mga ito.
3. Paano naiiba ang pasaklaw at pabuod
na pangangatwiran? Magbigay ng
halimbawa ng bawat isa.
Pabuod Pasaklaw
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga
lihis o maling pangangatwiran?

You might also like