Professional Documents
Culture Documents
Florante at Laura
Florante at Laura
niya para sulatin angNoli. At kay Mabini, sino ang makapagsasabi? Hindi kaya ito ang naging
bukal ng kanyang tatag at lugod para batahin ang pagkatiwalag sa isang dayuhang bayan?
Ngunit sina Rizal at Mabini ay pawang mga ilustrado, at lalaki. Bilang mga ilustrado,
inihihinga at isinisiwalat nila ang kulturang ilustradokabuhayan, edukasyon, gawi, paniniwala,
kaugalian at mithiing ilustrado. Bilang mga lalaki, nakalimbag sa pagkatao nila ang mga
istiryutipong paniniwala at/o kaisipang nauugnay sa kanilang sarili, sa kanilang kapwa lalaki at,
siyempre, sa opposite sex-sa babae. Ilustrado rin naman at lalaki ang sumulat ng Florante.
Samakatwid, walang anumang sagabal na nakapagitan sa magkabilang panig: sa manunulat at
mambabasa. Maaliwalas ang landasing natatahak ng mga sagisag, kaisipan at imahen.
Napagtitibay at napatitibayan ng isat isa ang balangkas ng mga kahulugang kapwa ilustrado at
maskulino. Kung baga, nagbibigayan ang isat isa ng reinforcement para patuloy na mapalawig
ang kulturang patriyarkal, ang kulturang inilalahad mismo ng awit.
Paano naman kaya kung ang mambabasay poor o mahirap? At paano rin kung babae?
Ano ang bias sa kanya ng Florante? Sa tanong na ito gagabay ang aking paglalahad.
SA DIKIT AT YUMI
Sa isang artikulong pinamagatang Balagtas: The Passion Defined, tinunton ni B.S.
Medina Jr. sa mitong Malakas at Maganda ang Florante at Laura. Si Florante, ang mangingibig
at bayani, ay binigyan ni Balagtas ng mga katangiang sukat ikahulog ng loob ng isang babae sa
isang lalaki: makisig, magiting, maginoo, matalino, malakas. Lahat ng katangiang itoy maayos
at masining na pinatibayan ni Balagtas sa ibat ibang papel na ipinatungkol niya kay Florante:
bilang anak, bilang ka-ibigan (lover), bilang estudyante, bilang mandirigma.
Samantala, repleksyon naman si Laura ng isang katangi-tanging babae: maganda,
mahinhin, mabait, mapaglingkod, tapat. Dangat hindi nabigyan ng sapat na eksposisyon ang
mga nasabing katangian sa ibat ibang papel na gaya ng kay Florante. Sa halip, inilarawan
lamang si Laura bilang kasintahan ng bida. Wala tayong kabatiran kung anong larawan mayroon
si Laura bilang anak ni Haring Linceo, o kung anong uri siya ng dugong-bughaw. Siya kayay
nasangguni, minsan man, ng kanyang amang hari sa mga usaping pampamahalaan? Anong
impluwensiya mayroon siya sa kanyang ama? Ang pananalita kaya niyay nagkakahibo sa mga
desisyon ng korte? Hindi na nag-abala si Balagtas, ang istoryay umiinog lamang kay Florante.
Si Laura ay naroon bilang isang inspirasyon, hindi bilang isang tauhang may sariling bait at
pagpapasya. Naroon siya sa istorya para maipakita ang kaganapan ng pagkalalaki ng bida. Para
maipadama ang sinseridad ng pagkakalarawan ng bayani. Para mapatingkad ang romansa.
Ang pagiging maganda ni Laura ang pangunahin sa mga katangian niya. Ang totoo, love
at first sight si Florante sa kanya:
Siyang pamimitak at kusang nagsabog
ng ningning ang talang kaagaw ni Venus
anaki ay bagong umahon sa bubog,
buhok na naglugay sa perlas na batok.
Tuwang pangalawa kung hind man langit
ang itinatapon ng mahinhing titig;
O, ang luwalhating buk ng ninibig,
pain ni Kupidong walang makarakip.
tagumpay. Hindi magkakaroon ng kaganapan ang pagkalalaki niya kung wala siyang babaeng
susumpaang iibigin at ipagtatanggol hanggang kamatayan. Patunay nito ang sabi ni Medina Jr.:
In Philippine mythology, man is savior, woman is the eternal pawn; unwittingly, the woman,
virtuous otherwise, become mans passage into glory.
Sa dakong ito, mahalagang punahin na malinaw na malinaw ang pamamayani ng pambabaeng
imahen sa katauhang Laura. Ang mga pambabaeng gawain na kinakatawan ng paggawa ng
sagisag, pagtahi ng plumahe, pag-aabot ng bandang isusuot, pagsisiyasat ng balutit koleto
at paghihiyas ng turbante ni Florante na tinutupad ni Laura ay maitutumbas na rin sa mga
trabahong-bahay sa kasalukuyan: paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay, pag-aasikaso sa
mga bata.
Sa modernong lipunang industriyal, isang natatanging anyo ng pambabaeng hanapbuhay ang
trabahong-bahay. Naiiba ito sa ibang uri ng trabaho dahil sa ilang magkakaugnay na aspekto.
Una, hindi ito napahahalagahang gaya ng ibang okupasyon o trabaho. Kahit ngayong nauso na
ang mga domestic helper na kumikita umano ng mataas pa kaysa karaniwang sahod ng
isang public school teacher, hindi pa rin ito kasing prestihiyoso ng pagiging empleyado sa isang
bahay-kalakalan. Mabuti na nga ngayon at isang alternatibong okupasyon na rin ang trabahongbahay. Ngunit maging noon at ngayon, ay balewala ang trabahong ito kung isasaalang-alang na
ang ibang hanapbuhay ay maaaring makapagdala ng kadakilaan sa bayan at pamilya. At ang
pinag-uusapan lamang dito ay ang domestikong trabaho ng babae para sa kanyang asawa at/o
mga anak. Wala itong renumerasyon. Na siya ring masasabing ikinaiiba nito sa ibang
hanapbuhaytanging kabiyak o pamilya lamang ang nakikinabang. Idagdag pang ang gawaing
ito na eksklusibong pampamilya lamang ay hindi maipapalit ng anumang commodity o
pangangailangan ng pamilyapagkain, damit, gamut para sa may sakit, atbp.
Sa madaling sabi, sa pamamagitan ng mga istiryutipong gawaing iniaambil at ipinahuhuwaran sa
mga pangunahing tauhang babae, nalilikha ng akdang mag-isip at magpakahulugan ang babae
ayon sa pananaw ng kulturang lalaki. Nagkakaroon ang babae ng tinatawag ni Rosetta Brooks
(1987) ng self-image consciousness na humihikayat sa kanya para kilalanin at tanggapin ang
sarili bilang imahen, bilangappearances o bilang objects. Tinatanggap niya ngayon at kinikilala
ang sarili na may katangian ng pagiging-bukod (otherness) na kung tutuusi'y nag-aalis sa
kanyang pagkatao ng halaga at kabuluhan. Sabi ni Brooks:
This 'self-image consciousness' encourages women to think of themselves as images, as
appearances or as objectsthe sense of otherness which within the social mythology of capitalist
culture reduces women to the status of a reflection. It also encourages to incorporate this sense
of otherness into their subjective perceptionthere is the belief that in looking one is looking as
though a man, or more accurately that one is spying on a spectacle ready-prepared for men.
Incorporated into the context of perception is the woman's lack of presenceher invisibility as
observer is countered by her visibility as perception. The effect of this is to deny her own reality
and reinforce the reality of her appearance as reflected in the man-made image.
Inilalahad nito na sa positibong pagtanggap ng babae sa mga tungkuling itinakdang pambabae
ng kulturang lalaki, hindi niya kailanman maguguniguni ang sarili sa ibayo ng makitid na
pambabaeng daigdig na ginagalawan niya. Ang trabaho niyay mananatiling nakakanal sa
pagsisilbi sa kabiyak/kasintahan, kundi man sa pagpaparikit o pagpapaluwalhati ng pagkatao
nito bilang lalaki. Samakatwid, ang depinisyon ng pagkatao niya, ang esensiya ng kanyang
pagkababae ay hindi atas ng sariling tunguhin. Sa halip, isang pagkatao at katauhang binaybay
ng kasariang lalaki lamang ang nagpapakahulugan.
Habag o awa sa isang kapwa-babae na nasa gayong marawal na kalagayan ang nagtulak kay
Flerida para iligtas si Laura. Sa awa nakahulma ang sense of justiceniya. Hindi gaya ng
pangangatwiran ni Aladdin na may hibong ideolohikal nang iligtas nito si Florante sa mga sisilang
mababangis na hayop:
"Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,
lason sa puso mo ang hindi binyagan;
nakukutya akong hindi ka saklolohan
sa iyong nasapit na napakarawal.
"Ipinahahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at akoy Persyano;
ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko,
sa lagay mo ngayo'y magkatoto tayo.
"Moro ako'y lubos na taong may dibdib,
at nasasaklaw rin ng utos ng Langit;
dini sa puso ko'y kusang natititik
natural na leing sa abay mahapis.
(Saknong 148-50)
Sabihin pa, makitid ang pananaw na iniaambil sa katauhang babae. Sa babae, at pinatitibayan
iyan ng Florante at Laura, pag-ibig ang lunduyan ng pagkatao, ang kanyang hanapbuhay, ang
kanyang tungkulin. Sa lalaki, isa lamang itong fringe benefit kundi man isang dakilang paglihis
sa kaganapan ng pagkatao at katauhan niya bilang nilikha. Ang kaganapan ng buhay ng lalaki
ay nasa pagtalunton sa tinanguang paglinang ng kanyang pagkalalaki, saan mang larangan,
kailang panahon man.
KAILANGAN: BAGONG INTERPRETASYON NG FLORANTE AT LAURA
Sa bahaging ito, ibig kong balikan ang tinutugaygayang tanong. Ano ang bisa ngFlorante at
Laura sa mambabasang babae? Matapos mailahad ang ilang obserbasyon sa itaas, hindi kaya
mangangailangang muling basahin ang obra at bigyan ng bagong pagpapakahulugang hindi
naman maglalagay ng panganib sa persepsiyon ng babae sa kanyang sarili? Walang dudang
maraming mahuhusay na katangian ang obra ni Balagtas. Walang dudang dapat itong basahin
ng lahat ng estudyante. Ngunit kailangang alalayan ng guro ang interpretasyon. Kailangang
maitiwalag ng mambabasa ang sarili sa obra. Kailangang mailagay ang tumutunghay sa
sitwasyong kontrolado niya ang pagtanggap ng mga kaisipan at imaheng nakalarawan sa akda.
Kailangang hindi makasagabal ang awit sa pagkakaloob sa kababaihan ng pagkakataong
malinang ang sarili para sa sariling kaganapan. Kailangang makatulong ang akda sa lubos na
paglaya ng kababaihan sa nakalulupaging impluwensiya ng takot at kahinaang bunga ng
kawalang-tiwala sa sarili. Kailangang maturuan nitong tungkulin at panagutan ng babae ang
sariling buhay.
PAGPAPAHALAGA
Sa pagsusuring "Balagtas: The Passion Defined" ni Buenaventura S. Medina Jr. na nalathala sa
antolohiyang Himalay (1988) ng Cultural Center of the Philippines; sa artikulong Gender, Values
and Lessings Cats ni Judith Gardiner na lumitaw sa Feminist Issues in Literary
Scholarship (1987), at sa artikulong Women Visible: Women Invisible ni Roseta Brooks na nasa
librong Framing Feminism(1987). Pasasalamat rin kay Marj Evasco sa pagpapahiram niya ng
librong Gender and Reading (1986) na nagbigay sa akin ng panimulang kaalaman sa paksang
tinalakay.
Pananaw Sosyolohikal
Gamit ang pagdulog na ito, malalaman natin ang kalagayan ng lipunan nang panahong ginawa
ang panitikan. Karamihan sa mga akdang sinusuri gamit ang ganitong pagdulog ay ipinapakita
ang kalagayan ng lipunan at ang uri ng mga taong nabuhay sa panahong iyon.
May relasyon rin ang pananaw Marxismo sa Sosyolohikal dahil karamihan sa mga akdang
sinusuri ay may kinalaman sa kahirapan at kapangyarihan ng mga tauhan. LAYUNIN NG
PANANAW SOSYOLOHIKAL:
Ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan. Pati na rin ang pamamaraan ng mga tauhan sa
akda sa pagsugpo sakalagayan o suliranin ng lipunan.Naniniwala ang mga kritiko na ang
panitikan ay hindi hiwalay sa lipunan. Sinasabing ang panitikan ay hindi basta likhang-isip ng
tao, kundi ng isang nasusulat na saksi sa isang tiyak na panahon at lugar at siya ay aktibong
nakikibahagi sa kumunidad na maaari niyang maimpluwensyahan o siya ang maimpluwensyahan
nito