Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Prado, Keziah Mace D.

February 12, 2015

BSM42

Rizal Midterms
Padre Florentino: Ang Prayleng Indio

Naaalala niyo pa ba ako? Nakikilala niyo ba ako sa kasuotan kong ito? Marahil
ay wala na ako sa inyong kaisipan. Sa katandaan ko ba namang ito, sino pa nga ba ang
makakaalala sa akin? Hayaan niyong ipakilala ko sa inyo ang aking sarili. Isa akong
prayleng indio; ako ay si Padre Florentino.
Sa suot kong ito, hindi maikukubli na ako ay isang pari. Ngunit, ibahagi ko sa
inyo ito: ang pagpapari ay hindi sumagi sa isipan ko noon. Sa katotohanan pa nga ay
labag sa aking kalooban ang bokasyong ito. Gaya ng iba, ako ay isang lalaking labis na
umiibig sa isang binibini, ang aking kasintahan. Ngunit, tila mas matimbang ang
respetot pagmamahal ko sa aking ina kung kayat mas pinili ko pang sundin ang nais
niyang mag-pari ako. Kung hindi nga lamang sa inang nagtulak sa akin ay hindi ko
tatahakin ang landas ng pagiging isang alagad ng Diyos. Sa kabila ng pagkawalay ko
sa aking minamahal, pinagpatuloy ko pa rin ang pagpari at unti-unting niyapos ang
buhay na nakalaan para sa akin. Ngunit, tila mapaglaro nga naman ang tadhana. Bago
ang aking unang misa, nabalitaan kong ang aking dating kasintahan ay nagpakasal sa
iba dahil sa hindi niya matanggap ang aming kinahatnan. Labis akong nagdamdam.
Labis akong nasaktan nang akin itong malaman. Ang dating nagpasaya sa akin ng
lubusan ay siya rin nagdulot sa akin ng kasawian. Unti-unti ay lumayo ako sa mga tao.
Ngunit nakilala ko si Simoun. Ang mang-aalahas na minsan nang humamak sa
aking pagkapari at pagkaindio. Hindi ko naman siya masisi sa kanyang nagawa. Tunay
nga naman, ano naman nga ba ang kaya kong gawin bilang pari gayon akoy isang
hamak na indio lamang.
Dumating na sugatan si Simoun noon. Mga dalawang araw na ang nakakalipaas
at patuloy pa rin ang paghina ng kanyang katawan. Ngunit sa pagpasok ko sa kanyang
silid ay tumambad sa akin ang walang kalatoy-latoy na si Simoun.
Simoun! Anong nangyari?!, sabi ko sa kanya. Nagmamadali akong humanap ng
lunas subalit ako ay kanyang pinigilan. Ako ay walang nagawa kung hindi makinig na
lang sa kanyang pagsasalaysay ng kanyang buhay, ang kanyang tunay na pagkatao.
Hindi ko magawang umimik. Patuloy siyang nagsalita at nagkwento ng kanyang buhay.
Ngunit ang labis na pumukaw ng aking atensyon ay nang tanungin niya ako kung bakit
hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Siya ay aking tinapat at sinabi ko sa
kanya ang nararapat niyang malaman at sa palagay koy dapat niyo ring malaman na
ang kanyang pamamaraan ng paghingi ng hustisya ay masama at hindi dapat. Ang
krimen ay nananatiling krimen. Ang pagsugpo sa masama gamit ang masama ay

kailanmay hindi magiging kaaya-aya sa mata ng Panginoon. Tanging pag-ibig lamang


makagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan, ang kabutihan ay
pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.
Sana sa aking pagbabahagi ay may natutunan kayong aral. Tandaan niyo nawa
na walang mabuting maidudulot ang masamang pamamaraan kahit pa ang nais ng
inyong mga puso ay kabutihan. Muli, ako ay ang inyong Padre Florentino.

You might also like