Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Malic, Carmela L.

1 AD 4
ANG KAGANDAHAN AY ISANG RAMBUTAN
Ang kagandahan ay isang malawak na kaisipan. Wala itong payak na uri o
porma. Maaaring ang kagandahan para sa akin ay iba para sa kanila. Kung tutuusin,
ang kahulugan nitoy nakasalalay sa opinyon ng bawat isa. Ngayon, kung ako ang
tatanungin, ang kagandahan ay maaaring mahalintulad sa rambutan. Ano? Rambutan?
Hindi malabong magbungad ang katanungang ito sa ating isipan. Maski ako, matatawa.
Ngunit, tama ang inyong narinig. Ang kagandahan ay isang rambutan.
Ang rambutan ay isang prutas na may kakaibang panlabas na anyo. Magalamay
at kulay pula, mukha itong salungo o sea-urchin sa Ingles. Hindi man kaaya-aya sa
mata, kabigha-bighani pa ring tingnan. Sa oras na buksan ang balat at kagatin ang
laman nito, ang kakaibang itsuray biglang malilimutan sapagkat ang laman nitoy
mayroon ring kakaibang katangian; mayroong panandaliang malambot at matamis na
laman, iwan ang uusbong na matigas at matipunong buto.
TIla marami sa atin ang nagsasabi na ang kagandahan ay makikita sa panlabas
na anyo; kung ang isang bagay bay magandang tingnan sa mata o di naman kayay
mayroong kanais-nais na dating. Ngunit, ano nga ba ang payak na maganda sa mata?
Kasasabi ko lamang kanina na ibat iba ang opinion ng bawat isa. Kung gayon, hindi ba
malabong isipin ang pagkakaroon ng katiyakan sa paksang ito? Sa aking palagay, ang
kagandahan ay hindi masusukat sa panlabas na anyo lamang, kundi sa pagiging iba
rin nito. Gaya ng rambutan, ang katangi-tanging itsura nitoy lulutang kung ihahalo sa
iba, iyong mapansin lamang, at iiwanan kang puno ng tanong at ginugustong makitat
makilala pa ito ng buong-buo. Sa madaling salita, ang pagiging kakaiba ay
nakahuhumaling. Naniniwala din ako na ang kagandahan ay nasa loob. Kung ang isang
bagay ay mayroong taglay na nakakapawi at masaganang diwa, kung itoy nakapupunla
sa iyong kaluluwa at pumupukaw sa iyong isipan tungo sa kabutihan, gaya na lamang
ng laman ng rambutan na nagtataglay ng mahahalagang nutrisyon upang tulungan ang
iyong katawang umandar ng tama, iyon ay maganda. Alam mong hindi ka nito nililinlang
sapagakat labas man o loob, ang iyong pag-gunam ay natupad. Ngunit, ang pinakasumasanggi sa akin ay ang malaman kung gaano kalakas at katatag, gayunpaman,
kainosente ang ubod nito. Gaya ng buto ng prutas, aakalain mong marupok sapagkat
hindi pa ito sumisibol na sa katunayan ay mahirap masira dahil sa taglay nitong tibay.
Iyon ang kagandahan. Hindi kinakailangang ilathala sa publiko na malakas ka. Kundi,
sila ang hinahayaan mong makatuklas nito.
Maraming simpleng pagkakataon ang nagbibigay-daan tungo sa pagpapahalaga.
Tama. Simpleng bagay lamang ngunit taglay nitoy patagong kayamanan. Hindi lang
nito ipinapakita ang kapansin-pansin, ipinapakita rin nito ang mas malalim at ang
pinaka-makabuluhang mensaheng hatid ng pinaka-simpleng bagay sa mundo.

You might also like