Paano Ba Makipagkapwa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paano ba makipagkapwa-tao ang mga Pilipino?

Matalino at madaling matuto ng iba’t ibang wika ang mga Pilipino. Kaya naman, madali para sa
kanila ang pakikisalamuha sa iba’t ibang pangkat ng tao o ibang lahi. Madali rin silang
makiagapay sa ugali at gawi ng ibang lahi. Ang katangiang ito ay namalas na maging noong mga
unang panahon. Ang mga Pilipinong nangingibang-bayan upang mag-aral o di kaya’y
maghanapbuhay ay madaling nakasusunod sa takbo ng buhay at pag-uugali ng mga tao sa ibang
bansa.
Mainit tumanggap ng bisita ang mga Pilipino. Ipagluluto pa ang mga panauhin ng
pinakamasarap na pang-ulam kahit na nagsasalat. Ayaw na ayaw nilang mapapahiya sa bisita o
makita itong di panatag ang loob. Ang pangunahing layon nila ay masiyahan ang bisita.
Handang dumamay ang mga Pilipino. Hindi nang-iiwan sa mga oras ng pagdadalamhati. Sa
mga lamayan, mapapansin na bagama’t oras na ng pansariling pamamahinga, nananatiling
gising ang mga ito upang samahan ang kapwa na nangungulila sa paglisan ng kanilang mahal sa
buhay. Pilit na pinapayapa ang nagdadalamhati.
Laang tumulong ang mga Pilipino. Mababakas ito sa kinaugalian ng mga unang Pilipino na
pagtulong sa kanilang kapwa na walang hinihintay na kapalit tulad ng bayanihan. Halimbawa ay
pagbubuhat ng bahay ng kanilang kabarangay nang walang bayad mula sa kinatitirikan nito
patungo sa ibang lugar.
Mahilig din sa musika ang mga Pilipino. Ang pag-awit ay nagsisilbing bigkis ng magandang
pagsasamahan, lao na kapag may ibig haranahin ang isang binatang nanunuyo.
Ang barter ay isa rin sa paraan ng pakikipagkapwa ng mga unang Pilipino bagama’t pang-
ekonomiya ang gamit. Ito ay pakikipagpalitan ng kalakal ng mga Pilipino sa mga dayuhan.
Naging daan ito sa pakikipagkaibigan sa mga dayuhan.

You might also like