Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IKATLONG MARKAHANG PASULIT

IKATLONG BAITANG
S.Y. 2014 -2015
PANUTO : Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Pag-aalaga ng mga Hayop
Ni Modesta R. Jaurigue
Sabado ng umaga,nagmamadaling bumaba ng bahay si Mang Carlos upang
pumunta sa likod-bahay.Doon ,makikita ang kaniyang inaalagaaang ibat ibang hayop. May
mga bibe,manok, kambing at mga baboy.Ito ang nagsisilbi niyang libangan mula nang
tumigil siya sa pagiging kawani ng gobyerno sa edad na animnapu at lima.Dito lumalakas
ang kaniyang katawan at nagsisilbing ehersisyo sa araw-araw.Bukod dito,nagsisilbi pang
hanapbuhay na may malaking kita.
1.Ano ang nagsisilbing libangan ni Mang Carlos ?
A.Paghahalaman
B.Paghahayupan C.Pagtitinda
D.Pangingisda
2.Saan makikita ang mga alagang hayop ni Mang Carlos ?
A. sa harapan ng bahay
C.sa likuran ng bahay
B.sa may bakanteng lote
D. sa may tumana
3.Pag aalaga ng hayop ang nagsisilbing libangan ni _______________________.
A. Mang Carlos
B.Mang Oscar
C. Mang Carlo
D.
Mang
Cesar
4.Bukod dito, nagsisilbi pang hanap-buhay na may malaking kita. Ang kahulugan ng salitang
may
salungguhit ay ___________.
A.Trabaho / pinagkakakitaan
C. ehersisyo
B. Libangan
d. aralin
5. Ang paksa ng talata ay ______________.
A. Paghahanapbuhay
C. Pangingisda
B. Pagtitinda ng mga Produkto
D. Pag-aala ng Hayop
6. Anong ugali ang ipinakita ni Mang Carlos sa kuwento?
A. Pagkamatapat
C. Pagkamaalaga
B. Pagkamapagbigay
D. Pagkamapagkatiwalaan
7. Paano kaya inaalagaan ni Mang Carlos ang kaniyang mga hayop?
A. pinakakain ng mabuti
C. nililinis na mabuti ang tirahan nito
B. pinaiinum nang tama
D. lahat ng nabanggit
8.Alin dito ang tama ang pagkakasulat ?
A.mang Carlos
B.Mang carlos
C.Mang Carlos
D.Mang
carloS
Pagtupad sa Pangarap
Ni Modesta R. Jaurigue
Bata pa lamang si Marlon ay pangarap na niyang makatapos ng kursong inhinyero.
Bagamat ulila na siya sa mga magulang ay hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya
ang
kaniyang pag-aaral. Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapithapon hanggang alas
8:OO ng gabi at babalik ng alas 4:oo ng madaling -araw hanggang alas 6:oo ng umaga.
Hindi kaagad siya pinag-paaral ng kaniyang mga magulang,kaya sa gulang na
labindalawa ay nasa ikatlong baitang pa siya pero hindi niya ito ikinahihiya bagkus mas lalo pa
siyang nagiging pursigido sapag-aaral.
9.Anong uri ng mag-aaral si Marlon ?
A. masikap
B.matapat
C.magalang D.maalalahanin
10.Bakit kaya hindi pinag-aral agad si Marlon ng kanyang mga magulang?
A.Mag-aalaga sa mga kapatid
C.Kapos sa pera
B.Dahil hindi pa handing mag-aral
D.Hindi sila bilib ni Marlon
11.Kung ikaw si Marlon,ano ang gagawin mo ?
A.Magtatrabaho na lamang upang kumita ng pera
B.Ipagpapatuloy ang pag-aaral habang nagtatrabaho
C.Tumigil muna sap ag-aaral
D.Humanap ng taong susuporta sa kaniyang pag-aaral
12.Isulat sa papel ang dalawang tambalang- salita na mababasa sa pangungusap.
Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapit-hapon hanggang alas 8:00 ng gabi at
babalik ng alas 4:oo ng madaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga.
13.Ang talata ay tungkol sa__________________.
A.Pagtatrabaho ni Marlon.
C.Pagsisikap sap ag-aaral
B.Pagiging ulila sa magulang
D.Pagsuko sa buhay

14.Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa isang tao ?


A.Nakakatulong sap ag-unlad ng tao
C.Nagkakaroon ng magandang trabaho
B.Nabubuo ang tiwala sa sarili
D.Lahat ng nabanggit
15.Madalas lumiban sa klase si Mutya at tamad siyang mag-aral .Ano kaya ang magiging bunga
nito ?
A.Magiging masaya siya
C.Magiging mababa ang marka niya
B.Magiging matalino siya
D.Makakakuha siya ng mataas na marka
16.May paligsahan sa paaralan.______________ siya sa paligsahan kahapon.
A.Tutula
B.Tumula
C.Tumutula D.Magtula
17.Kung maghahanap ka ng isang pamagat sa isang yunit,saang bahagi ng aklat ito hahanapin?
A.Pabalat
B.Pahina ng Palathala
C.May-akda D.Talaan ng Nilalaman
SUNDIN ANG PANUTO:
18. Magdrowing ng dalawang bilog.
Sa isang bilog isulat ang pangarap ni Marlon.
Sa pangalawang bilog naman ay ang dapat niyang gawin upang matupad ang kaniyang
pangarap.
Biyaya ng Maykapal
Ni Modesta R. Jaurigue
Kaygandang pagmasdan,nitong
kalikasan,
Lalot mga taoy tulong-tulong sa
kalinisan,
Nagbibigay halaga sa kagandahang
taglay,
At dulot nitong yaman sa bawat
nilalang.
Atin lagging isaisip,kapakanan ng
kapaligiran,
Upang tayoy makinabang,pagdating
ng araw,
Iyay adhikain ng Poong Maykapal,
Ang maibigay sa atin,biyaya ng
kalikasan.
19. Bakit dapat pangalagaan ang kalikasan?
A. Nagbibigay ganda sa kapaligiran
C.Regalo ito ng Diyos
B. Nagdudulot ng yaman sa mga tao D.Lahat na nababanggit
19. Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa ating kalikasan?
A.Pagtapon ng basura kahit saan
C.Pagtatanim ng mga puno at halaman
B.Pagsusunog ng mga basura at plastic
D.Paggamit ng mga plastic
20 .Iyay adhikain ng Poong Maykapal .Ang kahulugan ng salitang may salungguhit
ay :
A. Layunin
B. dasal
C. pangako
D. sumpa
PAGSUNUDSUNURIN ang mga ideya tungkol sa pagtatanim ng halaman. Isulat ang
titik
( A,B,C,D ) sa patlang o sa iyong sagutang papel.
__________21.Itanim ang halaman sa parteng hapon upang hindi malanta.
__________212Haluan ng pataba ang lupa bago ito tamnan.
__________23.Diligan kaagad ang halaman pagkatapos itanim at takpan ng saha ng
saging
kung araw.
__________24. Bungkalin ang pagtataniman na lupa at pinuhin ito.
Para sa bilang 25,26,27,28.
Pag- aralan ang larawan.Sumulat ng apat na pangungusap tungkol sa
larawan.Tandaan ang wastong gamit ng malaking titik at bantas sa pagsusulat.

25.____________________________________________________________
26.____________________________________________________________
27.____________________________________________________________

28.____________________________________________________________

- NVC/MQL 2015

You might also like