06 Salaysay

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LUNGSOD NG MALOLOS, BULACAN ) S.S.


SINUMPAANG SALAYSAY NG PAGREREKLAMO
AKO, si KARISSA MONTALBA, nasa ,wastong gulang, at nakatira sa 13 Legaspi Street, Gov. F. Halili, Malolos Bulacan,
matapos makanumpa ng naaayon sa batas ay nagsasabi na:
Noong Abril 27, 2013, bandang 7:00 nang gabi ay umuwi ako sa aming bahay sa Malolos, Bulacan kasama ang aking anak
na si Karl Montalba. Agad kaming nagpahinga nang gabing iyon.
Noong gabi ding iyon mga bandang 10:00 nang gabi ay nagising ako dahil may narinig akong ingay sa labas ng aming
bahay. Napansin ko ang ilaw sa may butas ng aming pintuan. tinanong ko kung sino ang nasa labas pero walang sumagot. Biglang
namatay ang ilaw sa labas. Matapos ang ilang sandali, nagsalita na ang tao sa labas at sinabing, Karissa, buksan mo ang
pinto. Ginising ko ang aking anak.
Binuksan ko nang bahagya ang pintuan upag silipin kung sino ang tao sa labas. nakita ko sa Jose Paolo na nakatayo sa harap
ng aming pinto at may hawak na flashlight. Biglang tinulak ni Jose Paolo ang pinto. Sinapak niya ang aking anak. Ako naman ay
hinatak niya palabas ng aming bahay na habang hatak ang aking buhok.
Dinala ako ni Jose Paolo sa may damohan. sinubukan kong makawala ngunit sinuntok niya ako at hinubat ang aking panty.
patuloy akong pumalag ngunit ako naman ay sinampal niya at muling sinuntok. Tinutukan pa ako ni Jose Paolo ng kutsilyo at sinabi
na papatayin niya ako at ang anak na pinagbubuntis ko kung mag-ingay ako.
Binaba ni Jose Paolo ang kanyang salawal habang hawak ang kutsilyo. Sinuntok ni Jose Paolo ang ako mga hita upang
mabuksan ang mga ito. Pumatong siya sa akin at pinasok ang kanyang ari at ako ay pinagsamantalahan. Hinawakan din niya pati ang
iba kong mga maseselang parte ng katawan. Sandaling tumigil siJose Paolo sa kanyang ginagawa. Akala ko noong una ay tapos na.
Ngunit makalipas ang ilang minuto ay pinasok niya ulit ang kanyang ari at muli akong pinagsamantalahan. Pinasok pa niya sa aking
ari ang flashlight na nasa bulsa niya.
Nang matapos siya, tumayo siya at inangat ang kanyang salawal at nanigarilyo. Pinagbantaan niya ako na papatayin niya
ako at ang aking pamilya kapag nagsumbong ako sa mga pulis. Tyaka naman niya ako iniwan.
Sobra akong nanghina at hindi ako agad na nakatayo. Matapos ang ilang minuto ay umuwi na ako.
Ginawa ko po itong salaysay na ito upang masampahan ng kaukulang kasong Rape si Jose Paolo Monteclaro.
BILANG PATUNAY, ay aking nilagdaan ang Sinumpaang Salaysay ngayong ika- 28 ng Abril 2013, dito sa Lungsod ng
Malolos Bulacan.

KARISSA MONTALBA
Nagsalaysay

Page 1 of 1

You might also like