Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Coconut Festival

Ito ay isang pagdiriwang sa San Pablo bilang


pagbibigay-pugay sa kanilang patron na si St.
Paul the Hermit. Ito ay ipinagdiriwang tuwing
ika-15 ng Enero ng taon. Tinawag itong Coconut
Festival dahil ang Coconut, o Buko, ang siyang
pangunahing produkto ng nasabing bayan at ng
probinsya ng Laguna.
Bangkero Festival
Ang Bangkero Festival ay ipinagdiriwang tuwing
ikalawang linggo ng Marso, upang ipakita ang
kagitingan ng mga bangkero sa kanilang lugar
sa Pagsanjan. Ang mga modernong bangkero
ang nagsisilbing tour guides o tagapangalaga
ng mga turistang dumadayo para bisitahin ang
Pagsanjan Falls.
Tsinelas Festival
Ang maliit na bayan ng Liliw ang siyang
tinaguriang Footwear Capital ng Laguna, na
kung saan idinaraos ang Tsinelas Festival. Mas
kilala sa tawag na "Liliw Gat Tayaw Tsinelas"
ang nasabing piyesta. Ito ay ginaganap tuwing
huling linggo ng Abril, na unang ipinagdiwang
noong Abril, 2002.
Pinya Festival
Pinya ang siyang pangunahing agrikultural na
produkto ng Calauan, kung saan ipinagdiriwang
ang Pinya Festival tuwing ikalawang linggo ng
Mayo. Nagsimulang ipagdiwang ito noong Mayo,
2003, kasabay ang pagdiriwang ng kapistahan
ni San Isidro Labrador, ang kanilang patron.

Keso Festival
Kilala ang bayan ng Santa Cruz dahil sa
ipinagmamalaki nitong kesong puti, na siyang
gawa sa pinakasariwang gatas ng kalabaw na
may kasama pang tinatawag nacoagulating
agent. Abril, 2002 nang simulang ipagdiwang
ang Keso Festival kasabay ang quadricentennial
ng bayan bilang isang munisipalidad. Ang
nasabing kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing
unang linggo ng Abril.

You might also like