Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 76

BUOD BAWAT

KABANATA NG NOLI ME
TANGERE.

Kabanata I Isang Handaan


Isang marangyang salo-salo ang ipinaganyaya ni Don Santiago de los Santos na
higit na popular sa taguring kapitan Tiago.
Kabilang sa mga bisita ang bagong dating
sa Pilipinas na si Padre Damaso na
nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.

Kabanata II Si Crisostomo Ibarra


Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa
pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang
namatay at kararating lamang niya buhat sa
pitong taong pag-aaral sa Europa.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni
Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga
nanduruong kamukha niyang panauhin.

Kabanata III Ang Hapunan

Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo


sa isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si
Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang
padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero,
si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring
Pransiskano.
Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kayat siya
ang karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si
Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi bagamat
pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara
ay hindi nagpatinag ang binata.

Kabanata IV Erehe at
Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si
Tinyente Guevarra na pinakiusapan niyang
magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama
dahil wala siyang nalalaman tungkol dito.
Ayon dito, ang kanyang ama ang
pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat
siya
ay
ginagalang
ay
kinaiinggitan.
Pinagbintangan
siyang
nakapatay
kaya
pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.

Kabanata V Pangarap sa
Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de
Lala. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang
maliwanag na bahay sa kabila ng ilog.
May isang magandang binibini na nababalot ng
manipis na habi,may suot na diyamante at ginto.
Ang mga umpukan naman ng mga Kastila,
Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat
sa kagandahan ni Maria Clara.

Kabanata VI Si Kapitan Tiago


Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing
hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at
may bilugang mukha. Maitim ang buhok, at
kung hindi lamang nanabako at ngumanganga,
maituturing na sya ay magandang lalaki. Dahil
sa siya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga
taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya
lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay
isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.

Kabanata VII Suyuan sa


Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara
ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan
sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang
boses ni Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si
Maria Clara.
Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng
sarili bago harapin si Ibarra. Nang magkita na
sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang paningin,
nakaramdam silang dalawa ng tuwa.

Kabanata VIII Mga Alaala


Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa
Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito
ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa
pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng
kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik,
Pilipino, mga babaing naglalako ng mga
bungang-kahoy, mga lalaking hubad na
nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang
mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.

Kabanata IX Mga Suliranin


Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng
bahay ni Kapitan Tiyago.
Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel
at hinihintay na lamang na sumakay si Maria.
Biglang dumating si Padre Damaso at
kinausap si Kapitan Tiago.
Tutol
si
Padre
Damaso
sa
pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay
Ibarra.

Kabanata X Ang San Diego


Ang San Diego ay isang karaniwang
bayan sa Pilipinas na nasa isang
baybayin ng isang lawa at my
malalapad na bukirin at palayan.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng
simboryo ng simbahan, halos
natatanaw ang kabuuan ng bayan.

Kabanata XI Ang mga


Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa
Roma at Italya sa mahigpit na pagaagawan sa kapangyarihan pamunuan
ng bayan.
Ang alperes at si Padre Salvi ang
siyang
makapangyarihan
dito.

Kabanata XII Araw ng mga


Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa
kalagitnaan ng isang malawak na palayan
at may bakod na lumang pader at
kawayan.
Sa ibang bahagi ng libingan, may
dalawang tao ang humuhukay ng
paglilibingan na malapit sa pader na
parang babagsak na.

Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero


na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa
at dumudugo pa ang bangkay na kanyang
hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong
tanawin.

Kabanata XIII Mga Unang Banta


ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang
puntod ng ama- si Don Rafael.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero.
Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don
Rafael.
Tumango ang tagapaglibing.
Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng
sepulturero na kanyang sinunog ang krus at
itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa
utos ni Padre Garrote.

Kabanata XIV Si Pilosopo


Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don
Anastacio. Dahil sa katalinuhan, pinatigil
saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ang
gusto nito para sa anak ay maging isang
pari.

Kabanata XV Ang mga


Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na
sakristan. Nagtatrabaho sila sa simbahan
na taga kampana na sineswelduhan lang ng
2.00 kada buwan.
Pinapalo sila at pinagbintangan na
mgananakaw sa simbahan.
Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong
magagalit ito.

Kabanata XVI Si Sisa


Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na
sa labas ng bayan. May isang oras din bago
marating ang kanyang tirahan mula sa
kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya
ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa
buhay, sugarol at palaboy sa lansangan.

Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at


Crispin.
Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay
dalaga pa.
Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at
sinasaktan pa siya.

Kabanata XVII Si Basilio


Napatigagal si Sisa nang dumating si
Basiliong sugatan ang ulo.
Dumadaloy ang masaganang dugo.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si
Crispin.
Sinabi ni Basilio na napagbintangan na
nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin.
Hindi niya sinabi ang parusang natikman
ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.

Kabanata XVIII Mga Kaluluwang


Naghihirap

Dumeretso si Sisa sa kusina ng kumbento.


Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari
niyang makausap ang pari.
Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may
sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung
nasaan si Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang


bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si
Crispin ay nagtanan din pagkatapos na
makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala
ng pagkawala ng makapatid.
Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang
pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil
ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang
hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Kabanata XIX Mga Suliranin


ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa
ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa,
nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng
lawa itinapon ang labi ni Don Rafael.

Kabanata XX Ang Pulong sa Tribunal


Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang
pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may
kapangyarihang mga tao sa bayan. May labing
isang araw na lamang ang nalalabi at pista na.
Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at
kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda
sa
pyesta.

Kabanata XXI Mga Pagdurusa ni Sisa


Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa.
Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang
katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng
kura.
Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip
kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa
kamay ng mga sibil.
Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang
papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw
na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit
na nawala ang kaba sa kanyang dibdib.

Kabanata XXII Liwanag at Dilim

Magkasamang dumating si Maria at ang


kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa
pistang darating.
Naging bukambibig ang pagdating ni Maria
sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi
sa bayang sinilangan.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag
ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat
magmula ng dumating siya sa bayan
nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing
makakaharap
niya
ang
kura.

Kabanata XXIII Ang Piknik


Si Maria Clara ay kaagapay ang mga
matatalik nitong kaibigan na sina Iday,
Victorina, Sinang at Neneng.
Habang naglalakad masaya silang
nagkukuwentuhan at nagbibiruan.
Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng
mga matatandang babae sa pangunguna
ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang
kanilang kuwentuhan.

Kabanata XXXIV Ang Pananghalian


Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre
Damaso.
Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng
alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay
Ibarra.
Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari
sa pagsasaring.
Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni
Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni
Ibarrang may kasamang pag-aglahi.
Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si
Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan
siya
ni
Maria.

Kabanata XXXV Mga Usapusapan


Ang mga pangyayaring namagitan kina
Ibarra at Padre Damaso ay madaling
kumalat sa buong San Diego.
Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino
ang may katwiran sa dalawa.
Handa ang binata na dungisan ang kamay
nito sa sinumang lumapastanganan sa
kanyang
ama.

Kabanata XXXVI Ang Unang


Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni
Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng
Kapitan-Heneral.
Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi
pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni
Andeng.
Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang
ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi
pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

Kabanata XXXVII Ang Kapitan-Heneral

Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya


kaagad si Ibarra.
Samantala, kinausap muna niya ang binatang TagaMaynila na nagkamaling lumabas habang
nagsesermon sa misa si Padre Damaso.
Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni
Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan
ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral.
Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay
tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral.
Mayroon siyang panahon basta sa katarungan

Kabanata XXXVIII Ang Prusisyon

Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod


na pagdupikal ng mga batingaw ay
nagbabadyang inilabas na ang prusisyon.
Ang mga binata na halos lahat ay mayroong
dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral
ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang
alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa
bahay
ng
kapitan.

Kabanata XXXIX Si Donya Consolacion

Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni


Donya Consolacion ay pinid na pinid.
Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at
paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi
nakapagsimba.
Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang
asawa.
Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang
pagdadamit nito.
Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng
mga guwardiya sibil.
Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay
higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.

Kabanata XL Ang Karapatan at Lakas

Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang


sindihan ang mga kuwitis.
Ang huling pailaw ay parang bulkan habang
ang daan ay naliliwanagan ng luces de
Bengala na siyang nagsisilbing ilaw sa mga
taong naglalakad patungo sa liwasang bayan.
Tapos na ang unang bahagi ng dula nang
pumasok si Ibarra.
Umugong ang bulungan, pero hindi ito
pinansin ni Ibarra.
Malugod na binati niya ang kasintahan at ang
mga
kasama
nito.

Kabanata XLI Dalawang Dalawa

Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok


si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa
kanyang laboratoryo.
Pamaya-maya pumasok ang kanyang
utusan at sinabing mayroon siyang
panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito
ng hindi man lamang lumilingon.
Ang kanyang panauhin ay si Elias.

Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya


kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na
nilalagnat o may sakit si Maria Clara.
Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa
Batangas.
ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala
itong ipagbibilin sa kanya.
Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating
paglalakbay ni Elias.

Kabanata XLII Ang Mag-asawang De


Espadaa

Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago


sina Dr. Tiburcio de Espadana, na
inaanak ng kamag-anak ni Pari
Damaso at tanging kalihim ng lahat ng
ministro sa Espanya at ang kanyang
asawa na si Donya Victorina na sa
biglang tingin ay napapagkamalang
isang
Orofea.

Kabanata XLIII Mga Balak o Panukala


Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni
Linares na siya ay inaanak ng bayaw ni Damaso na si
Carlicos.
Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman
niya.
Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho
at mapapangasawa.
Ayon kay Damasao madali niyang maihanap ng
trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na
abogado sa Universidad Central.
Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na
kakausapin
nila
si
Tiyago.

Kabanata XLIV Pagsusuri sa Budhi


Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa
kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan
kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man
lamang nakikilala.
Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga
kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at
nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen
ng Antipolo.
Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto
ng gamot na inireseta niya sa dalaga.
Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot
ang
pustiso
ng
asawa.

Kabanata XLV Ang mga Pinag-uusig

Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na


siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa
isang binatang mayaman, matapat, may pinagaralan at nag-iisang anak ng isang taong
marangal na hinamak din ng isang pari,
maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang
Kapitan-Heneral.
Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa
matanda na makakatulong daw ang binatang ito
sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang
mga hinaing ng bayan.

Kabanata XLVI Ang Sabungan


Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may
sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng
sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at
Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta
ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada,
ang dalawang binatang magkapatid na sina
Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga
pumupusta.

Kabanata XLVII Ang Dalawang


Senyora
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago,
magkaakbay naman na namamasyal sina Donya
Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng
mga Indio.
Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes
nagkatama ang kanilang mga paningin.
Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya
mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila.
Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng
mainitang pagtatalo Binanggit ng Donya ang pagiging
labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan
naman ng huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na
asawa ng Donya.

Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang


latigo ng alperes na nanaog si Donya
Consolacion, upang daluhugin si Donia
Victorina.
Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa,
dumating ang alperes. Umawat si Don
Tiburcio.
Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao
na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.

Kabanata XLVIII Ang


Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng
kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin
lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa
ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi.
Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na
bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang
dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay
ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo
ang
kanyang
isip.

Kabanata XLIX Ang Tinig ng mga


Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito
ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng
paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya
kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad.
Ipinaliwanag
niya
ang
napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si
Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga
pag-aalinlangan
at
pagbabala.

Kabanata L Ang mga Kaanak


ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay
Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang
din sa mga sawimpalad.
May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang
nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahaykalakal ng kastila.
Kasama ng kanyang asawa at isang anak na
lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.

Isang gabi nasunog ang isang tanggapang


pinaglilingkuran niya.
Isinakdal ang kanyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang
kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan.
Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa
kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan.

Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng


pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa
anak at asawang may sakit.
Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang maganak ay namundok na lamang.
Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay
ito.
Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping
pagdurusang kanilang natanggap.

Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae.


Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga
awtoridad ang pagkamatay ng asawa.
Nahatulan din siyang paluin.
Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban
sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon.
gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.

Kabanata LI Mga Pagbabago


Hindi
nakaimik
si
Linares
sapagkat
nakatanggap siya ng liham mula kay Donya
Victorina.
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya.
Kailangang hamunin niya ang alperes subalit
sino naman kaya ang papayag na maging
padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan
Tiyago.

Pinagsisisihan
niya
ang
kanyang
paghahambog at pagsisinungaling sa
paghahangad
lamang
na
makapagsamantala.
Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng
Donya.

Kabanata LII Ang Baraha ng Patay at ang


mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin
pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng
makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong
anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng
libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng
kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito
sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito.
Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na
sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang
kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa
kumbento upang makaganti siya sa kura.

Kabanata LIII Ang Mabuting Araw ay Nakikilala


sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol
sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang
gabi.
Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni
San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na
sinindihan.
Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni Ermana
sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa
libingan.
Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa
kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa
purgartoryo.

Kabanata LIV Lahat ng Lihim ay


Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng
Parusa

Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili


ng mga kasulatan.
Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol
kay
Don
Pedro
Eibarramendia at tinanong niya kay
Ibarra kung ano ang relasyon nito sa
kanya.

Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias


nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang
nuno na ipinaikli lamang ang apilyido.
Isa pa, ito ay isang Baskongado.
Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng
matinding kasawian sa kanilang buhay.

Kabanata LV Ang Pagkakagulo


Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na
wala siyang ganang kumain. Nakatakdang
dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo
rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa
kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang
ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari
samantalang ang magkaibigan ay hindi
malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang
kampana, silang lahat ay tumindig upang
magdasal.

Kabanata LVI Ang mga Sabi at Kuro-kuro


Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang
buong bayan ng San Diego.
Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa
gitna ng daan.
Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya,
isang bata ang naglakas loob na magbukas ng
bintana at inilibot ang paningin.

Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga


iba na magbukas ng bintana. Ang mga
magkakapit-bahay ay nagbalitaan.
Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang
gabi tulad noong mandambong si Balat.
Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan
Pablo raw ang sumalakay.
.

Kabanata LVII Vae Victus! Sa Aba ng Mga


Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo.
Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa
nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang
walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang
amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito,
iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang
bangkay,
ito
ay
umiling.

Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa


tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at
ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg.
Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa
sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya.
Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na
paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa
magdugo ang buong katawan nito

Kabanata LVIII Ang Sinumpa


Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga
bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw,
ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Magiikalawa ng hapon ng dumating ang isang
kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng
mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at
kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.

Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at


sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan
sa paglakad ng kanilang ka-anak ng
bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao,
biglang umugong ang salitaan na kung sino pa
ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil
dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng
mga kawal ng abot-siko.

Kabanata LIX Pag-ibig sa Bayan


Ang ginawang pagluson ng mga naapi o
sawimpalad ay nakarating at napalathala sa
mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang
nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng
mga balitang lumaganap. Sa ibang kumbento
naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga
nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay
lumalabas na nagiging pilibustero.

Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa


Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga
asawa at mga anak ng kawani ang tema ng
kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa
naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking
komang galit na galit daw ang heneral kay
Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa
binata. Sinabi naman ng isang ginang na
talagang walang utang na loob ang mga indio
kayat di dapat silang ituring na mga tunay na
tao.

Kabanata LX Ikakasal na si Maria Clara

Dumating sa bahay ni Tiyago si


Linares at ang mag-asawang de
Espadaa na kapwa itinuring na
pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang
usapan.

Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon


ang nararapat sapagkat siya ay isang
pilibustero. Bagamat namumutla at
mahina si Maria, kanyang hinarap
ang mga bisita. Humantong ang
usapan tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares.

Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago.


Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang
nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong
pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si
Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakinikinita niyang siyay maglalabas-masok sa
palasyo sa sandaling maging manugang niya si
Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kayat inaakala ni Tiyago na siya ay
kaiinggitan ng mga tao.

Kabanata LXI Ang Barilan sa Lawa


Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi
niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng
isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni
Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa
libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik
upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito
sa ibang bansa.

Nasa ibang lupain daw ang


katiwasayan ni Ibarra at hindi
nababagay na manirahan sa Pilipinas,
dahil ang buhay niya ay hindi inilaan
sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na
magsama na lang sila ni Elias, tutal
pareho na sila ng kapalaran at
magturingan na parang magkapatid.
Pero, tumanggi si Elias.

Kabanata LXII Ang Pagtatapat ni Padre


Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na
nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata
niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita
tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra.
Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang
dyaryo.

Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na


hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang
kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at
pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni
Maria na ngayong patay na si Ibarra walang
sinumang lalaking kanyang pakakasalan.

Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya,


ang kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni
Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng
tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas
habang binibigyan diin niya ang walang kapantay
na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa
kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si
Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.

Kabanata LXIII Ang Noche Buena


Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay
nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan
na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng
nakaraan na masayang-masaya ang mga tao.
Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong
bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol
sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni
Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap
ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa
mga bintang na laban dito nang mamataan nila si
Sisa na isa ng palaboy pero hindi naman
nananakit
ng
kapwa.

Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan.


Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang
tinalunton ang landas patungo sa tapat ng
bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit
ng walang katuturan. Inutusan ng babaing
nasa durungawan ang sibil na papanhikin si
Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod,
kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni
Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang
babaing
nasa
daan.

Kabanata LXIV Katapusan


Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria,
nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila.
Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa
kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay
niya ang pagiging obispo ay nanungkulan
pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara na
pinasukan ni Maria Clara.

Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at


nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman
bago naging ganap na mongha si Maria, si
Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping
paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto,
naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga
kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento,
sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa
Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na
lamang mabuhay mag-isa.

You might also like