Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, REKOMENDASYON


LAGOM:
Ang pag-aaral na ito ay may layong suriin ang mga kadahilanan kung bakit tila
nahihirapan ang mga mag-aaral ng NCBA Fairview sa asignaturang Calculus.
Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptib analitik na pamamaraan ng
pananaliksik. Dahil sa malaki ang bilang nasasakupang mag-aaral sa NCBA Fairview
Lungsod ng Quezon, pumili lamang ng tatlumpung (30) respondent ang mga
mananaliksik upang i-representa ang kabuuang bilang ng mga kabataan sa Lungsod ng
Quezon sa pamamagitan ng quota sampling.
Narito ang ilang katanungan na isinasaad sa ginawang pananaliksik na nabigyan
nan g solusyon o kasagutan:
Ano ang layunin ng gobyerno sa pagpapatupad ng batas na ito?
Layunin ng gobyerno sa pagpapatupad ng sin tax bill ay ang protektahan at
pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.
Ano ang magiging epekto nito partikular sa mga kabataan?
Base sa mga impormasyong nakalap, makakatulong ang sin tax bill partikular sa
mga kabataan na limitado ang pinagkukunan ng panustos sa kanyang bisyo upang
mapigilan sila sa pagbili ng alak at sigarilyo.
Ano ang kahalagahan nito sa mga magulang?
Mahalaga ito sa mga magulang dahil namumulat din sila sa mga paraan upang
mapigilan ang kanilang mga anak sa paninigarilyo at pag inom ng alak sa pamamagitan
ng pakikiisa sa pagsulong ng sin tax bill.
Sa paanong paraan ito makakatulong sa pagpigil sa pagdami ng mga taong
nagkakasakit?
Dahil sa pagtaas ng buwis ng sigarilyo at alak marami ang di na kakayanin ang
presyo nito o mababawasan ang pagbili ng sigarilyo at alak ang mga taong
naninigarilyo at umiinom ng alak na madalas nagiging sanhi ng pagkakasakit ng tao.
Gaano kaepektibo ang batas na ito?
Sa unang dalawang buwan ng pagpapatupad ng sin tax bill at base sa survey na
ginawa ng mga mananaliksik, masasabing nagging epektibo ito dahil base sa survey
nabawasan ang stick ng sigarilyo na nauubos ng mga kabataan kada araw, nabawasan
ang dalas nilang uminom ng alak at . . .
Ano ang pwedeng maging alternatibo sa pag-inom ng alak at paninigarilyo?
Base sa survey na ginawa ng mga mananaliksik, ang pinakamabisang
alternatibo ay ang e-cigarete, sumunod ang kendi, ibang libangan tulad ng kompyuter at
bubble gum.

KONKLUSYON :
Sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, napatunayan na ang layunin ng
gobyerno sa pagpapatupad ng sin tax bill ay upang protektahan at pangalagaan ang
kalusugan ng mga Pilipino. Dahil sa malaking porsyento ng mga mamamayang
Pilipinong naninigarilyo at umiinom ng alak ang mga kabataan, napatunayan na malaki
ang nagging epekto nito sa mga kabataan dahil sa pagtaaas ng presyo nito.
Nalilimitahan ang pagbili ng alak at sigarilyo. Napag-alaman din sa pag-aaral na ito na
may epekto din ito sa mga magulang dahil namumulat sila at natutulungan sila na
mailayo ang kanilang mga anak sa labis na pagkagumon sa alak at sigarilyo. Dahil sa
panukalang sin tax, nababawasan din ang dami ng bilang ng mga nagkakasakit.
Samakatuwid, masasabing nagging epektibo ito sa unang dalawang buwan ng
pagpapatupad nito.
Naipakita din sa pag-aaral na ginawa na ang paggamit ng e-cigarette ang
pinakamabisang alernatibo sa paninigarilyo.
REKOMENDASYON:
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit buong pagpapakumbababng
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
1. para sa mga kabataan,mas kapaki-kapakinabang kung itutuunan na lamang natin
ang ating atensyon sa paggawa ng mas makabuluhang bagay para makaiwas sa bisyo.
2. para sa mga magulang, magsilbing gabay ang pamanahonang papel na ito bilang
gabay sa pag-antabay sa inyong mga anak.
3. para sa gobyerno, lalo pang ibayuhin at paunlarin ang ipinatupad na batas sapagkat
bukod sa karagdagang buwis na nakukuha dito, ay nailalayo din nito ang mga kabataan
sa pagkalugmok sa bisyo.
4. para sa mga magsasaka, hindi dahilan ang paghina ng industriya ng tabako para
tumigil na sila sa pagtatanim ng nasabing produkto, kailangan pa din magtanim para
magkaroon tayo ng sariling supply ng tabako.
5.para sa masa, makiisa at makipagtulungan tayo upang mapagtibay ang layunin ng
gobyerno para sa mamamayan.

You might also like