Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang palakumpasan ay isang mahalagang bahagi ng lahat ng komposisyong musikal.

Ito ang
nagtatakda ng bilang ng pulso sa bawat sukat at kung anong uri at gaano karaming nota at
pahinga ang dapat ilagay sa isang sukat.
Ang palakumpasan ay binubuo ng dalawang bilang; isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang bilang sa
itaas ang nagtatakda kung ilang pulso o kumpas mayroon sa isang sukat at ang bilang sa ibaba
ang nagsasaad kung anong uri ng nota at pahinga ang tatanggap sa isang kumpas.
Sa mga palakumpasang 2/4, 3/4 at 4/4 , ang "quarter note" at "quarter rest" ang tumatanggap ng
isang kumpas, samantalang sa palakumpasang 2/2 , ang tumatanggap ng isang kumpas ay ang
"half note" at "half rest".
Awitin at kumpasan ang sumusunod na mga awit na may ibat-ibang palakumpasan.
1. Magtanim ay Di Biro
2. Pobreng Alindahaw
3. Family
4. Its a Small Word
Palakumpasang 2/4
Bilang ng kumpas sa isang sukat (2 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (quarter note)
Palakumpasang 3/4
Bilang ng kumpas sa isang sukat (3 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (quarter note)
Palakumpasang 4/4
Bilang ng kumpas sa isang sukat (4 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (quarter note)
Palakumpasang 2/2
Bilang ng kumpas sa isang sukat (2 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (half note)
Palakumpasang 6/8
Bilang ng kumpas sa isang sukat (6 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (eight note)
Ang palakumpasang 6/8 ay may ritmong tambalan. Mayroon itong anim na pulso o kumpas sa
isang sukat. Ang mga pulso nito ay tambalang tatluhan o napapangkat sa tatlo. Ang
palakumpasang ito ay may dalawang diin (accent) sa isang sukat. Ang unang diin na nasa unang
kumpas ay mas mabigat kaysa pangalawang diin na nasa pang-apat na kumpas. Ang
palakumpasang ito ay may dalawang diin (accent) sa isang sukat. Ang unang diin na nasa unang
kumpas ay mas mabigat kaysa pangalawang diin na nasa pang-apat na kumpas.

You might also like