Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Sa Panahon NG Isinauling Kalayaan
Panitikan Sa Panahon NG Isinauling Kalayaan
Panitikan Sa Panahon NG Isinauling Kalayaan
PANAHON NG
ISINAULING KALAYAAN
KALIGIRANG
KASAYSAYAN
Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong
pagbabalik ng mga Amerikano ay natupad noong
1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at ang mga
namundok na gerilya nang may higit sa tatlong taon
ay kasa-kasama na ng mga hukbong mapagpalaya ng
mga Amerikano.
Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang
ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito isinauli ang
kalayaan. Nawala ang tanikala, nawala ang gapos. Sa
unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang
mga Pilipino.
KALAGAYAN NG
PANITIKAN
MGA PAKSA NG
PANITIKAN
1. Tungkol sa kalupitan ng mga
Hapones
2. Kahirapan ng pamumuhay sa ilalim
ng pamamahala ng mga Hapones
3. Kabayanihan ng mga gerilya
MGA PAHAYAGAN AT
MAGASIN
1. LIWAYWAY
2. BULAKLAK
3. ILANG-ILANG
4. SINAG-TALA
MGA AKLAT NA
NALIMBAG
MGA PILING KATHA (1947-1948) ni Alejandro G.
Abadilla; kinilala bilang AMA NG MALAYANG
TALUDTURAN
ANG TIMPALAKPALANCA
Isa ring nakapagpasigla sa ating mga
manunulat na Pilipino ang pagkakalunsad
ng Timpalak-Palanca o Palanca Memorial
Awards for Literature na pinamumunuan ni
Ginoong Carlos Palanca Sr. noong 1950.
Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa
pagbibigay gantimpala ang timpalak na ito
bagamat ang nagtatag ay yumao na. Ang
larangang pinagkakalooban dito ay ang
MAIKLING KWENTO, DULA at TULA.
TULANG NAGKAMIT NG
GANTIMPALANG PALANCA
- ALAMAT NG PASIG sinulat ni Fernando
Monleon
PANITIKAN SA
PANAHON NG
AKTIBISMO
KALIGIRANG
KASAYSAYAN
Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay
hindi maatim tanggapin ng ilang mga mamamayang
Pilipino, lalo na ng mga kabataan.
Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng
mga kabataan noong 1970-1972. Samutsaring
paniniwala ang dahilan ng kanilang pagiging
aktibista.
Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng
pamahalaan, marami sa ating mga kabataan ang
naniniwalang di na demokratiko kundi isang
gobyernong kapitalista ang umiiral sa ating bayan
sapagkat damang-dama raw nila ang lalong paghihirap
ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga
ANG BINHI NG
AKTIBISMO
Humantong sa pagkakadeklara ng BATAS
MILITAR [Martial Law] noong 1972 ang BINHI NG
AKTIBISMO. Ngunit masasabing ang binhi ay
naihasik na sa mga kabataan maging noong mga
panahon pa nina Lapulapu, Lakandula, Rizal at iba
pa. Sadya pa ring masasabi na monopolohiya ng
kabataang may init ng dugong dumadaloy sa
kanilang ugat ang dahilan ng paghihimagsik laban sa
makapangyayaring lakas ng Pilipinas. Kayat balido
ang sinabi ni Rizal na ANG KABATAAN ANG SIYANG
PAG-ASA NG BAYAN.
KALAGAYAN NG
PANITIKAN
** Punung-puno ng damdaming mapanghimagsik
** Nagkaroon ng kamulatang panlipunan
** Maliban sa makinilya, gumamit din sila ng
PINSEL at isinulat sa mga plakard, sa PULANG
PINTURA ang mga kaugnay na salitang
nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka
** Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at
pulitika
MGA KABATAANG
BUMANDILA
ROLANDO TINIO
ROGELIO MANGAHAS
EFREN ABUEG
VIRGILIO ALMARIO aka RIO ALMA
CLEMENTE BAUTISTA
PANULAANG FILIPINO
Nagtataglay ng tatlong [3] katangian ang mga
tulang naisulat ng mga batang makata at
mananalumpati sa panahong ito ng aktibismo:
A. ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng
bayan
B. ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok
na pagpapasasa ng mga nanunungkulan at;
C. ang tahasang masasabing labag sa kagandahangasal na panunungayaw at karahasan sa pananalita
MGA TULANG
NAMAYAGPAG
MGA A! NG PANAHON [1970] ni Alejandro Q. Perez
KALIKASAN [1970] ni Aniceto Silvestre
PERIGRINASYON AT IBA PANG TULA [1970] ni Rio
Alma
MGA TULA NG BAYAN KO AT IBA PA [1972] ni V.G.
Suarez
SITSIT SA KULIGLIG [1972] ni Rolando Tinio
MGA GINTONG KAISIPAN [1972] ni Segundo
Esguerra
PANAHON NG
BAGONG LIPUNAN
KALIGIRANG
KASAYSAYAN
Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan
noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nagpatuloy pa rin
ang gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak.
Halos tungkol sa IKAUUNLAD NG BAYAN ang
karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang
Rebolusyon (Green Revolution), Pagpaplano ng
Pamilya, Wastong Pagkain ( Nutrition), Drug
Addiction, Polusyon, at iba pa.Pinagsikapan ng
Bagong Lipunan na maputol ang malalaswang mga
babasahin, gayundin ang mga akdang nagbibigay ng
masasamang impluwensya sa moral ng mga
mamamayan.Ang lahat ng mga pahayagang
ANG PANULAANG
TAGALOG
-Naglabasan ang mga slogan sa panahon na ito ng
Bagong Lipunan:
halimbawa: Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang
kailangan
ang buhay
ay lumigaya
TL AKO SA YO
Ewan ko ba kung bakit type kita/ di ka naman
guwapo
Kahit malabo ang pagpili ko/ TL ako sa iyo
Panay kantyaw ng mga utol ko/ Dehins ka raw
bagay sa kagandahan ko/
Malabo na raw ba ang mata ko/ at TL kita
[KORO]
Kalyeng liku-liko ang takbo ng isip ko/
Sabi ng lolo may toyo ang utak ko.
Sabi ng lola ay humanap ng iba/ may pormat
mayaman
TL wala naman.
[ulitan ang unahan]
ANAK
Nong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
Sa gabiy napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga namay kalong ka ng iyong amang
Tuwang-tuwa sa iyo.
AKOY PINOY
I. Akoy isang Pinoy sa pusot diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Akoy hindi sanay sa wikang mga banyaga
Akoy Pinoy na mayroong sariling wika.
KORO
Wikang Pambansa/Ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan/Hangad kong lagi ay
kalayaan
II.
PAHAYAGAN,KOMIKS,
MAGASIN AT IBA PANG
BABASAHIN
Sa panahong ito ng Bagong Lipunan,
nagbihis ng panibagong anyo ang nilalaman
ng mga pahayagan. Ang mga balitang datiy
naglalahad ng karahasan tulad ng patayan,
nakawan, panggagahasa, at iba pa ay
napalitan ng mga balitang pangkaunlaran,
pang-ekonomiko, disiplina, pangkultura,
turismo at iba pa. Narito ang mga
sumusunod na pahayagan
1. BULLETIN TODAY
2. TIMES JOURNAL
3. PEOPLES JOURNAL
4. BALITA
5. PILIPINO EXPRESS
6. PHIL. DAILY EXPRESS
7. EVENING EXPRESS
8. EVENING POST
KABUUANG TANAW SA
PANITIKAN SA PANAHON
NG BAGONG LIPUNAN
Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng
Panitikang Pilipino na nanaluktok sa Bagong
Lipunan ay ang mga SANAYSAY, AWIT, MGA
TALUMPATI, AT TULA.
Walang pinag-iba ang mga maikling kwento
nang panahong ito sa mga naisulat noong bago
magkaroon ng aktibismo, gayun din naman ang
mga nobela at dula.