Ang Talambuhay Ni Francisco Baltazar Balagtas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALTAZAR BALAGTAS

Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bigaa (ngayoy Balagtas),


Bulacan noong Abril 2, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan
Balagtas at Juana de la Cruz , siya Ay Nakapagtapos ng Pag-Aaral sa
Edad na 47 Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng taga
Orion(Udyong) , Bataan at nagkaroon ng labing isang anak. Bata pa si
Kikong Balagtas at mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng
pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng
mga dahon ang awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara ang mga
bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyang
ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay
inihambing niya sa musika. Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang
mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga kababayan niyang Pilipino.
Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi magandang
nangyayari sa kanyang bayan ngunit di niya ito lubos na maunawaan.
Hanggang sa nasubukan niyang umibig sa pamamagitan ni Selya. Ngunit
ang pag-iibigang ito ang nagbigay ng gulo sa kanyang buhay. Siya ay
ipinakulong ng walang kasalanan at katarungan ng kanyang karibal na
Espanyol at may mataas na katuangkulan sa bayan noong panahon ng
kastila. At isa itong cacique, doon niya naunawaan ang mga nangyayari at
nararamdaman ng kanyang mga kababayan. At dahil dito, isinulat niya
ang kanyang tula na Florante at Laura. Ito ang kanyang obra maestro,
na nagbubulgar sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa
mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na
nangyayari sa kanyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw ng buhay
sa katarungan, sa pagmamahal, pag galang sa mga nakakatanda, sa sipag
at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula,
pinangalanan siyang Hari ng Makatang Pilipino. Si Francisco Balagtas
ay namatay noong Pebrero 20, 1862 , Sa Edad na 74 dahil sa pulmonya
at katandaan.

You might also like