Ang Isyu NG Plagyarismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Isyu ng Plagyarismo

Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at


balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan o
kinopyahan.
Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo.
Ito ay may sinusunod na etika/ Code of Ethics
Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo.
Ito ay may kabigatang parusa.
Ito ay magdudulot ng kahihiyan sa isang taong may pinag-aralan.
Noong 1996, si Atienza at ang kanyang mga kasamahan ay nagtala ng ilang mga halimbawa
ng plagyarismo at mga kaparusahang maaaring ipataw sa plagyarista
Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi itinala
ang pinagkunan.
Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi
kinilala ang pinagmulan.
Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa ibat ibang akda at pinagtagnitagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga pinagkunan
Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at
hindi itinala na isalin ang mga ito,
Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig, at hindi kinilala ang
pinagkunan ng insipirasyon, at
Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at ipinalabas
niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito.
Parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista ay ang mga sumusunod:
Pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na mabigyan ng 5.0 (lagpak na
marka)para sa kurso,
Kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa, maaaring patalsikin ang
estudyante sa universidad.
Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas, ngunit natuklasan na
ang kanyang pananaliksik ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri o
Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual Property Rights Law at
maaaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo.

You might also like