Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Cabayugan National High School

New Panggangan Ext.


Ika-apat Markahang Pagsusulit
Araling panlipunan Ikawalong Baitang
Pangalan: _____________________________________________________________ Petsa: _____________
I. Panut:o: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pagdating ng mga ibat - ibang mananakop sa Silangan at Timog Silangang Asya
ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspetong pulitikal ng mga nasakop na
bansa?
a. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon b. Pagpapatayo ng mga
imprastraktura
c. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
d. Pagkawala ng karapatang pamunuan
ang sariling bansa
2. Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa pagpapamalas ng
damdaming nasyonalismo.
Alin sa mga sumusunod ang mga samahan na itinatag ng mga Pilipino na naglalayong
ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan?
a. Bodi Utomo at Sarekat Islam
b. Kilusang Propaganda at
Katipunan
c. Partido Kuomintang at Partido Kunchantang
d. Anti-Facist Peoples Freedom
League
3. Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng
mga bansa sa Timog Silangang Asya?
a. Umigting ang tunggalian ng demokratiko at komunismo b. Nagpatuloy ang kaguluhan
at ang civil war
c. Lumakas ang nasyonalismo at napabilis ang paglaya
4. Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang dinastiya sa larangan ng
pamamahala. Alin sa mga sumusunod na sistemang politikal ito nahahawig?
a. Demokrasya
b. Monarkiya ( Konstitusyonal )
c. Monarkiya ( Walang takda )
d. One Party Government
5. Ang mga sumusunod ay pangyayaring naganap at naging papel ng nasyonalismo upang
makalaya ang bansang Vietnam. Iayos ang mga pangyayari ayon sa historikal na
kaganapan ng bansa.
I. Vietnam War na sinalihan ng bansang Amerika
II. Pagkakahati ng Vietnam sa dalawa dahilan sa magkatunggaling ideolohiya
III. Pag-iisa ng Vietnam sa pamumuno ni Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh mula sa kilusang
Viet Minh sosyalismo
IV. Pag-iwan sa Timog Vietnam ng Amerika at pagpapasailalim sa kontrol ng grupong may
ideolohiyang komunismo at
a. I, II, III, IV
b. II, I, IV, III
c. III, IV, II, I
d. IV, III, II, I
6. Bago maganap ang kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin noong ika-16 hanggang
ika-19 na siglo, magkatulad ang patakarang panlabas ng China at Japan. Subalit magkaiba
naman ang kanilang naging tugon sa pagdating ng mga dayuhang mananakop sa kanilang
bansa. Gamit ang venn diagram, panghambingin ang pakikitungo ng dalawang bansa
bago at sa harap ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin.
a. Pagkakatulad: Parehas na isinara ang bansa sa mga dayuhan; Pagkakaiba: Tinanggihan
ng China ang mga dayuhan. Tinanggap ng Japan ang mga dayuhan.
b. Pagkakatulad: Parehas na isinara ang bansa sa mga dayuhan; Pagkakaiba: Tinaggap ng
China ang mga dayuhan. Tinanggihan ng Japan ang mga dayuhan.
c. Pagkakatulad: Parehas na binuksan ang bansa sa mga dayuhan; Pagkakaiba: Tinaggap
ng China ang lahat ng mga Kanluraning bansa. Tinanggap ng Japan ang bansang United
States.
d. Pagkakatulad: Parehas na binukasan ang bansa sa mga dayuhan. Pagkakaiba.
Tinanggap ng China ang United States. Tinaggap ng Japan ang lahat ng mga Kanluranin.
7. .Sina Gloria Macapagal-Arroyo, Maria Lourdes Sereno, Lydia De Vega-Mercado, Lea
Salonga at iba pa ay pawang mga Pilipinang tumanyag sa loob at labas ng bansa. Alin sa
mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan ng katanyagang tinamo ng

mga nabanggit na kababaihan?


a. Kayang higitan ng mga babae ang mga lalaki.
b. Higit ang talino at kasanayang
taglay ng mga babae.
c. Mas may pagpapahalaga ang lipunan sa mga babae. d. May taglay ng karapatan at
kalayaan ang mga babae.
8. Ang isyu tulad ng same sex marriage ay nanatiling kontrobersiyal na usapin sa mga
bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya partikular na sa Pilipinas. Ano ang mahihinuha
sa kaisipan ng mga Asyano ukol sa usapin na ito?
a. Ang kulturang kanluranin ay hindi tanggap ng mga Asyano.
b. Nanatiling tradisyonal ang kaisipan at saloobin ng mga Asyano.
c. May mataas na pagpapahalaga ang mga Asyano sa kanilang kultura at relihiyon.
d. Ang mataas na edukasyon ng mga Asyano na nakatulong sa kanilang pagpapasya sa
buhay.
9. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga Asyanong
nagtatagumpay sa ibat ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto ang
tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa pananaw ng mga bansa sa daigdig?
a. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano.
b. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse.
c. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa
kanilang sariling hangarin.
d. Maraming atletang Asyano ang hinangad ng ibang mga bansa na makuha nila.
10. Pahayag 1: Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangan Asya na
naghangad nang kalayaan sa pananakop ng mga bansang Kanluranin ay lumaya sa
pagyakap sa kaisipang liberal at ideya ng demokrasya
Pahayag 2: Ang pananakop at paniniil ng mga bansa sa Silangan Asya at Timog
Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon sa
pang-aabuso ng mga kanluranin
a. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali
b. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama
c. Lahat ng pahayag ay tama.
d. Lahat ng pahayag ay mali.
II. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga salitang nasa ibaba.

1925
Isolationism
Kilusang Propaganda The White Mans Burden
Katipunan
Monopolyo
Middle class
Kanluranin
Sphere of Influence
October 1, 1949
One Child Policy Nasyonalismo
racial equality
Agosto 17,1945
Hunyo 12, 1898
1. ___________________ ito ay tula na isinulat ng manunulang British na si Rudyard
Kippling. Una ito nailathala noong 1889 . Ipinahayag ni Kippling ang pagsuporta niya sa
imperyalismong Kanluranin sa pamamagitan ng tulang ito.
2. ___________________ Ito pangkalahatang tawag sa mga mamamayan ng Europe na
nanakop ng lupain sa Asya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo. Ginagamit din ang
salitang Europeo bilang kasingkahulugan ng Kanluranin.
3. ___________________ lIto ang tawag sa paraan ng ubos ang kontrol sa isang bagay o
karapatan.
4. ___________________ tumutukoy sa patakaran na ipinatutupad ng isang bansa kung
saan ay inihihiwalay o isinasara nito ang bansa mula sa impluwensiya at pakikipagugnayan sa mga dauhan
5. ___________________ kadalasan, tumutukoy ito sa masidhing pagmamahal sa bayan.
Subalit, maliban dito, ang nasyonalismo ay nangangahulugan din ng pagkakatanto ng
isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa panlulupig
ng mga banyaga.
6. ___________________ tumutukoy sa panggitnang uri ng tao sa lipunan. Sila ay nasa
pagitan ng mga pinakamayayaman at mahihirap na grupo ng tao. Kadalasang batayan ng
pagiging middle class ay ang pagkakaroon ng kayamanan at kapangyarihan sa lipunan na
kinabibilangan.
7. ______________________ samahang itinatag ng mga ilustrado sa Pilipinas noong ika-19
na siglo. Layunin nito na maisulong ang reporma sa bansa sa ilalim ng pamahalaang

kolonyal ng Espaa.
8. _____________________ isang rebolusyonaryong samahan. Tinatawag din itong KKK o
Kataas-taasan Kagalang-galangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Isinusulong nito ang
ganap na kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espao
9. _____________________ - Ito ang paraan na naisipan ng bansang China upang pigilan ang
lumalaking populasyon nito.
10 . _________________ - Taon kung kailan namatay ni Sun Yat-sen na naghatid sa
kapangyarihan kay Chiang Kai-shek. Humiwalay si Chiang Kai-shek sa mga komunista at
kinilala ang Kuomintang bilang pambansang partido.
11. __________________ - Pagkakatatag ng People's Republic of China sa pangunguna ni Mao
Zedong matapos talunin ng kanyang Communist Party ang Nationalist Party sa mahigit 20
taong digmaang sibil.
12. Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong ______________________ sa pamumuno ni
Heneral Emilio Aguinaldo.
13. Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong _____________________ sa pamumuno ni
Achmed Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes.
14. Ang pagkakatalo ng Tsina sa Digmaang Opyo ay naging daan ng di- makatuwirang
kasunduan at pagkakaroon ng ____________________________ ng mga bansang Europeo sa
teritoryo ng China.
15. Isinulong na rin nito pagkatapos ng digmaan ang ___________________ o pantay na
pagtingin sa lahi na di pinansin ng mga Kanluranin.
III. Panuto: Punan ng tamang sagot.
_______1. MONARKIYA
_______2. MILITAR
_______3. DEMOKRASYA
_______4. ONE PARTY GOVERMENT
a. Nagiisang partidong pulitikal ang may kapangyarihan na bumuo ng pamahalaan
b. Pinangangasiwaan ng isang junta o pangkat ng matataas na opisyal ng hukbong
sandatahan
c. Taglay ng samabayanan ang kapangyarihan, may kalayaan ng magbuo ng mga
samahan
d. Pinamumunuan ng isang tao lamang, minana ang karapatan sa pamumuno
1976
1979
1989
1939
1. ___________Pagkamatay ni Mao Zedong.
2. ___________Pagsisimula ng diplomatikong relasyon ng China at USA. Pinasimulan ng
pamahalaan ang One-Child Policy upang pigilan ang lumalaking populasyon nito.
3. ___________Naganap ang demonstrasyon ng mga mag-aaral at iba pang sektor sa
Tiananmen Square. Tinagurian itong Tiananmen Massacre.
4. ___________Pinalitan ng Siam ang pangalan nito bilang Thailand ("Land of the Free").

You might also like