PANPIL19 Poem Readings

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG MAGING BABAE (ni Ruth E.S.

Mabanglo)
Kasumpa-sumpa
ang maging babae sa panahong ito:
Depinisyong pamana
ng nakaraa't kasalukuyan.
Anyong hinulma
ng pag-asam at pangangailangan.
Ibukod pa ang basal na kalikasan.
Ang tungkulin at kapaligiran.
Isaalang-alang bilang halimbawa,
ang maiambil sa babasaging krsital.
Mulang pagsilang
Nagumon ang isip sa karupukan.
Guwardiya ang bawat ama
mg pagkabirhe't kahihiyan.
Bawat kapatid na lalaki'y espiya,
asawa naman ang kandadong ikinawit sa
pinto.
Tunguhin ka't dahilan
ng di mabilang na bagay.
Kanin at pamulat
ng hangari't paglingap.
Anong pag-ibig o pagpapakasakit?
Anong paglilingkod o pagtitiis?
Ikaw ang pundiya ng karsonsilyo,
ang kurbata, maging ang burda sa
panyo't kamiseta.
Susukatin ang ganda mo sa kama,
ang talino sa pagkita ng pera.
Kumikita ang beer at sine,
Nagdidildil ka ng pills.
Tunay, ang maging babae sa panahong
ito'y
magiging kasumpa-sumpa lalo
Kung di babalikwas ang lahat,
matiim na magmumuni't magsusuri
Kahit masugat-sugatan ang sarili,
upang ang dugong
sa kabahagi lamang dumadaloy,
maglandas din sa isip at guni-guni.

Ang Pagiging Babae ay Pamumuhay


sa Panahon ng Digma
ni Joi Barrios
Ang pagiging babae
ay pamumuhay
sa panahon ng digma
Kapiling ko sa aking paglaki
ang pangamba
hindi ko tiyak ang bukas na laging
nakakawing
sa mga lalaki ng aking buhay;
ama, kapatid,
asawa, anak.
Kinatatakutan ko ang pag-iisa.
Sa pagiging ina,
kaharap ko'y tagsalat.
Pagkat ang lupit ng digmaan
ay hindi lamang paggulong ng mga ulo
pagguhit ng espada,
kundi unti-unting pagkaubos
ng pagkain sa hapag.
ay, paano magpapasuso ng bunso
habang naghahanap ng maisusubo sa
panganay?
Walang sandaling walang panganib.
Sa lansangan,
ang paglakad sa gabi'y
pagtukso sa kapahamakan.
Sa sariling tahanan,
ang pagsagot at pagsuwa'y
ay pag-aanyaya ng karahasan.
Kaytagal kong pinag-aralan
ang puno't dulo
nitong digmaan.
Sa huli'y naunawaan kong
ang pagiging babae
ay walang katapusang pakikibaka
para mabuhay at maging malaya.

ANG PAGIGING BABAE


Lilia Quindoza Santiago
Ayaw kong isumpa ang pagiging babae
Sa panahong ito, kabarong makata,
Kahit pa sugatan ang lahat ng sulok
Ng puso ko't kaluluwa.
Ayaw kong isuko ang kayariang
Ako rin ang bumubuo.
Di ko ipamimigay
Ang mumunting butil ng diwang
Ako rin ang bumubihay.
Totoong "kasumpa-sumpa
Ang maging babae sa panahong ito"
Kung panatag nating aakuin
Ang hinulmang pagkatao
Sa mga nagdaang siglo
Nang walang pagtangi sa sarili
O walang pagsalungat sa pang-aapi.
Ngunit ang ganang akin
Ang pagkababae'y marami pang
kahulugan
Bukod sa pagtutol sa kostumbre't
kaugalian.
Ang pagiging babae'y pagkatha
Ng mga tulang di pa nalilikha;
Ang pagiging babae'y pag-awit
Ng awiting di pa naririnig;
Ang pagiging babae'y pagtuklas
Ng daigdig na di pa natutuklasan;
Ang pagiging babae'y paghubog
Ng mundong hindi pa nabubuo;
Ang pagiging babae'y pagluwal
Ng buhay na hindi nararanasan.
Ngunit higit sa lahat, ang pagiging
babae'y
Higit pa sa lahat ng ito
Na tayong kababaihan lamang bilang tao
Ang tanging makatatanto.

BAGO ANG BABAE


Rebecca Anonuevo
Mabuti na lang at sa panahong ito ako
Ipinanganak na babae.
Hindi ko kailangang manahimik
Kung kailangang magsalita.
Hindi ko kailangang magsalita
Kung nais kong manahimik.
Hindi ko kailangang ipaliwanag
O hindi ipaliwanag ang bawat
pagpapasiya.
Hindi ko kailangang sumunod sa
inaasahan
Ng lahat, tulad ng pag-aasawa.
Kung mag-asawa man ako'y
Hindi ko kailangang matakot
Kung dumating ang araw ng pagkabalo,
O kailangan nang makipaghiwalay.
Hindi ko kailangang magkaanak ng labis
Kahit kaya kong panagutan.
Hindi ko kailngang malugmok sa lungkot
Sakali't hindi ako magkaanak.
Kung kailangan ko mang gampanan
Ang pagiging ina at asawa,
Hindi ko kailangang humingi ng
paumanhin,
Hindi ko kailangang panawan ng talino at
lakas,
Hindi ko kailangang limutin ang lahat,
Hindi ko kailangang itakwil ang sarili,
Hindi ko kailangang burahin
Na isa akong tao
Bago isang babae.

You might also like