Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KABATAAN NGAYON, PAG-ASA NG BAYAN O PANGGULO LANG SA BAYAN?

Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, Ang Kabataan ay pag-asa ng bayan . Ang kabataan
ang siyang magpapaunlad sa bayan sa susunod na mga henerasyon. Sa tingin niyo ba ito
ang siyang nangyayari ngayon sa kasalukuyan? Matutuwa kaya ang ating dakilang bayani
kung makikita niya kung anong nangyayari sa kabataang inaasahan niyang magpapaunlad
ng kanyang bayan?
Kabataan na tinatawag ding tinedyer o adolesente na nasa edad mula labintatlo
hanggang labinsiyam. Ayon sa aking pagsasaliksik ang kabataan ay ang yugto ng panahon
kung kailan ang isang tao ay biyolohiyal o pisikal na adulto subalit emosyonal o
makapandamdaming hindi pa husto ang maturidad. Sabi ng mga nakakatanda malaki ang
pinagkaiba ng kabataan noon at ngayon. May mga pagkakaiba sa kilos, ugali, damdamin,
pagsasalita, maging sa pananamit at iba pang bagay. Sinasabing ang kabataan noon ay
higit na magalang, masunurin at mabait kaysa sa mga kabataan ngayon. Mas alam ng mga
kabataan noon kung ano ang tama at mali. Hindi sila basta-bastang gumagawa ng mga
bagay na hindi nila pinag-iisipan ng mabuti. Iniintindi muna nila kung ano kahihinatnan
ng gagawin nilang kilos. Takot silang sumuway sa kanilang mga magulang. Sa kabataan
naman ngayon, umuuwi kung kalian nila gusto. Iyan ang isa mga hindi magandang ugali
ng mga kabataan ngayon, di katulad noon na pagsinabing alas-sais ng gabi ay uuwi na
agad. Ngunit sa kabataan ngayon pagsinabing alas-sais, may palugit pa na isa o dalawang
oras. Sa kabataan noon tuwing may makakasabay na matatanda sa daan ay binabati ng
Magandang Gabi po. Ngayon limitado nalang ang mga kabataang gumagawa.

You might also like