Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

13 URI NG GURO

sa HAISKUL
ROGER T. NOCOM
TEACHER III
DAVAO CITY NHS

Siya ang gurong


Peacem aker

dumarating sa klase
nang maaga ngunit
walang dalang
kagamitan upang sabihin
lamang sa mga magaaral na Huwag kayong
mag-iingay dahil may
gagawin ako. Huwag
lalabas. Peacemaker,
gusto ng tahimik habang
wala sa klase.

Angry Bird
Siya ang gurong

dumarating sa klase na
tila pasan ang daigdig na
walang ibang ginawa
kundi pagalitan ang mga
mag-aaral at agad-agad
magwo-walk out, sapul
na sapul, at agad-agad
lilipad na walang paalam.

Bookw orm
Siya yung guro na may dala-

dalang aklat ngunit kulang na


lang ay ipasaulo ang laman ng
aklat na wala namang
paliwanag. Matindi pa,
maglilipatan ng laman ng aklat
tungo sa kuwaderno kasabay
ng matinding pananakot na
iinspeksyonin bago matapos
ang markahan. Tila uod ang
daloy ng pag-aaral, sulatan
lang walang paliwanagan.

Kangaroo
Siya ang gurong maagang

umaalis sa faculty room ngunit


matagal dumarating sa klasrum
dahil sa bawat makasalubong ay
kinakausap at
nakikipagtsismisan. Tila kangaroo
na palundag-lundag kahit saan,
hindi naman dumarating nang
on-time sa silid-aralan. Wala
siyang pakialam sa oras dahil
ayon sa kanya, bayad na siya ng
pamahalaan.

Poncio Pilato
Siya ang gurong mahilig

magbigay ng napakahirap na
eksamen at natutuwa kapag
bumagsak ang buong klase, at
naghuhugas ng kamay kung
itinatanong bakit
napakaraming lumagpak, agadagad sinasabing, Problema na
nila yan kung hindi nila
naintindihan. Basta ang alam
ko nagturo ako. Nagturo nga,
natuto ba? Tila laging guilty sa
husgado

Pacm an
Siya ang gurong dapat

katakutan na sa
tuwing manlait ng
estudyante, knock out
ang aabutin. Kapag
nagsasalita,
nakakainsulto. Akala
mo kung sinong
gurong perpekto.

SM
Siya yung gurong

lahat na yata ng raket


pinapasukan. Lahat na
puwedeng ipautang,
dala-dala na niya. Mas
mahaba ang oras sa
pagtitinda kaysa
pagtuturo. Kumbaga,
SM Super Market Youve got it all.

ATM
Siya yung gurong

maluho. Laging
overdrop pagdating ng
pasweldo, walang
pagpaplano. Inutangan
lahat na bangko. Kaya
kahit kasusuweldo lang,
ATM na naman Adto
Tindahan Mangutang.

D AW LIM

Siya yung guro na hindi


nagtuturo nais lamang tumanggap
ng suweldo. Laging nagagalit pag
nahuli sa paglabas ang bonus.
Laging nag-aabang ng increase sa
suweldo. Dumadalo ng seminar
ngunit wala lang dahil pahinga
ang pinunta niya sa venue. Abala
sa ibang bagay, ayaw matuto.
Pagkatapos ng pagsasanay siya
ang unang magrereklamo. Sa
madaling salita, siya si DAW LIM DAWAT LIMPYO.

Extension W ire
Siya yung gurong hindi

alintana ang
makapagturo lampas
man sa oras. Hindi
binibilang ang oras
kundi ang dami ng
batang kaniyang
natutulungan. Kailangan
mang magpahinga,
extend pa rin siya ng
pasensiya dahil alam
niyang ulirang guro
siya.

Load

Siya ang guro na walang

kapaguran, 24/7 sa
trabaho. Kumbaga forever
unlimited, hanggang sa
lapida ang expiry date.

N okia

Siya ang gurong


kahit matanda na,
hindi napapagod sa
pagtuturo ng
makukulit na magaaral. Sa madaling
salita, connecting
people, touching lives
kahit nalo-lowbat.

K-12
Siya yung guro na tila

nakalimutang magsuklay
bago pumasok sa klase.
Magulo sa umpisa ngunit
umayos din sa wakas.
Pinipilit mabuo ang kaluluwa
ng bawat mag-aaral sa
pamamagitan ng kaniyang
marubdob na pagtuturo at
pagmamahal. In short, siya
ang dakilang itinakda para sa
kabataan upang magsimula
ng pagbabago ngayong
bagong siglo.

You might also like