Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Nawiwindang ba ang puso mo? Gora, sa Tambalang Kambal sa Pag-ibig na i-chika!

Krysta Mae Alcala at Wilma Patricia Diguangco

Dear Tambalang Kambal sa Pag-ibig,


Ilang gabi na akong balisa, ang aking kilikili laging basa. Ilang splits ang aking ginawa,
kaya ngayon may pigsa at pasa. Nase-stress drilon na akey, mga atey. Ang heart kong monay at
mamon, nagbabalik sa pagiging hard rock cafe. Nagsimula ang lahat sa super unat niyang buhok.
Habang naglilinis ako ng parlor at bumibirit sa kantang Dadalhin ni Ate Regine, pumasok
ang isang dalaga. Itago natin siya sa pangalang Osang. Kapansin-pansin ang bagsak at tuwid
niyang buhok. Doon pa lamang, alam kong gusto ko na itong gawing braid, fish tail, at curls.
Nilapitan ko siya, tiningnan mula ulo hanggang paa at napansing patay ang 4 sa mga kuko niya.
Doon ko ulit naramdamang ako ang magiging fairy god mother ni Osang. Simula noon, lagi na
siyang pumupunta sa parlor. Hindi ko inakalang marami pala kaming pagkakatulad gaya ng
pagkahilig namin sa color pink at kay yami Coco Martin. Soul sisters kami kumbaga, ngunit
isang araw tila bumaliktad ang takbo ng mundo.
Habang inaayusan ko siya ng buhok, hindi na ang pagkukulot ang nasa isip ko. Nais kong
maging kasing tigas ng biceps ni Papa P ang malalambot kong braso. Gusto kong sabihin niyang,
Ang gwapo mo sa halip na, Uy, tingnan mo may gwapo! Minsan pa nga, hindi ko napigilan
ang sarili ko't napasabing "Osang, kendi ka ba?" "Bakit?" ang sagot niya. Sabi ko naman, "Kasi
nang makita kita, sabi ko sa sarili ko, kendis be love?" Sa sobrang pag-aakalang biro iyon, buong
araw siyang tumawa nang tumawa, dinala ko na siya sa ospital dahil bumalik ang hika niya at
inalmoranas na siya sa record breaking na 23 hour-continuous farting.

Sana nga ganoon na lamang kadali ibalik ang nakaraan. Pero sa tuwing gigising ako sa
umagat titingin sa salamin, maaalala kongcup E ang dibdib ko. Paano matatabunan ang isang
bulkang ako naman talaga ang may kagustuhan? Hindi ito tulad ng kisses na kapag tinubigan,
manganganak at uusbong. Tulad ng isang hayop sa laboratory, dumaan ako sa matinding
eksperimentot operasyon at ang booba dibdib ko ang resulta. Tambalang kambal sa pag-ibig,
kaya niyo ba akong matulungan? Para sa kanya, isang malaking biro ang pag-ibig na
nararamdaman ko. Paano ako magiging matikas muli? Tinatawagan ko ang lahat ng fairy god
mothers at kanunununuan ng mga beki. Parang awa niyo na, gawin ninyo na akong lalaki.
Osang, para sa'yo ang laban na 'to.
Naloloka,
Emily
Teka, Emilio pala.
Emilio/Emily (Depende sa dibdib mo),
Nakakaloka ang kwento mo. Sa ngayon, kailangan mo munang gawing kapatagan ang
bundok sa dibdib mo. Subukan mo ring pumunta sa gym, ngunit ingat ka dahil tulad ni Adan at
Eba, mapupunta ka sa paraisong puro tukso. Baka sa halip na lumaki ang abs at braso mo, lalong
maging mamon ang iyong puso. Hinihikayat ka rin naming idaan sa seryosot matinong usapan
ang pagtatapat ng iyong nararamdaman. Huwag kang gumamit ng mga gasgas na paandar dahil
bumenta na iyan sa mga pelikula. Mas magiging epektibo kung kakantahin mo ang Neseye ne
eng lehet ni Deniel Pedille.
Kalimutan mo na rin ang yami lines ni Coco Martin. Manood ka ng mga pelikulang pang
tunay na lalaki tulad ng Mean Girls at Brokeback Mountain. Mula sa mga pelikulang ito,
mauunawaan mo ang takbo ng isip ng mga matitikas na lalaki. Dagdag pa rito, punuin ng Spice
Girls, Pussycat Dolls at Adele ang Ipod mo upang mailabas ang inner manliness mo.

Hanggang dito na lamang ang mga payong aming maibibigay. Pansamantala, gawin mo
muna ang ehersisyong: I must, I must, I must decrease my bust.
Forever gorg at young,
Tambalang Kambal sa Pag-ibig
Dear Tambalang Kambal Sa Pag-ibig,
Tawagin niyo nalang po akong si NBSB Girl, kasi hindi pa naman talaga ako nagkakaboyfriend simula't sapul. Sabi ng nanay ko hindi naman ako pangit, naniniwala naman ako doon.
Hindi rin naman ako nagkulang sa pag-aayos ng sarili. Maliban na lang siguro sa pagsusuklay,
pero naniniwala akong mas mabuti nang magulo ang buhok kaysa magulo kausap.
Siya naman si NGSB Guy, ang apple of my eye, palaman of my tinapay, and teeth of my
suklay (kaya siguro medyo umaayos na buhok ko). In short, the center of my buhay. Una ko
palang siyang nakita sa library, bigla na lang bumagal ang ikot ng mundo ko. Para bang right on
cue, nagplay as background music ang "Ikaw Na Nga" ni Kuya Wil. Sa wakas, nagtagpo na rin
ang langit at lupa. I can move mountains ang peg ko! Agad-agad, walang pause, napalapit ang
loob ko sa kanya. Bookworm din pala siya. Sakto, same interest! Favorite niya kasi yung
maninipis na pocket books na tig-ti-35 pesos sa bookstore. Yung mga isinalin sa Tagalog na
novels tulad ng Twilight. Kilig much!
Akala ko noon, dagat lang ang malalim, pero ngayon pati pala ang pagtingin ko sa kanya.
Pag magkikita kami sa library, bigla-bigla na lang siyang aakbay sa akin sabay sabing, "Sup
bro?" Ako naman, kikiligin! Lahat ata ng klase ng pwedeng tambay nagawa na namin, COCOL
(Coffee-Coffee-Lang), HOHOL (Hang-out-Hang-out-Lang), NONOL (Nood-Nood-Lang), name
it! Yung MOMOL, coming soon! Pero lately parang nagbabago na siya. Nakikipagkita na lang
sakin pag hihiram ng libro o hihingi ng life sa Candy Crush. Gayunpaman malakas ang animal
instincts ko na gusto niya ako. Pero puro pakiramdam na lang ba ako? The girl who cant be

moved ba ang peg ko sa friendzone? Tulungan niyo po ako! Get me out of this zone plis!

Negmemehel,
medyo_nafriendzone@singles4life.com

Dear medyo_nafriendzone@singles4life.com,
Naku, #MedyoNaFriendzone ka nga. (Para sa aming readers, magtweet lamang po ng
inyong reactions with the hashtag #MedyoNaFriendzone.) Pero ang good news diyan,
nagpaparamdam naman siya kaya lang, may kailangan lang pala kaya bad news pa rin.
Haaaaay. Hindi ka ba nanonood ng Tales From The Friend Zone ni Ramon Bautista?
Mukha kasing imahinasyon o matinding signs ng pagiging malisyosa ang naging basis mo sa
possibility na may gusto siya sayo. Kapansin-pansin ang LLTO syndrome (hanggang LibraryLang-Tayo-Okay?) sa kaso niyo. Mukhang makakarating ka rin sa MOMOL. Oops, huwag
assumera: Move-On-Move-On-Lang. Paganda ka na lang muna teh, mukhang kulang ka pa sa
paligo, pabango, at karisma. Teh, uso LLD (Ligo-Ligo-Din). (Now Playing: Kaibigan Lang Pala)
Walang katulad,
Tambalang Kambal Sa Pag-Ibig

You might also like