Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

E
P
P
PAMAMARAAN SA PAG-AALAGA
NG MANOK

5
Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.

PAMAMARAAN SA PAG-AALAGA NG MANOK

ALAMIN MO

Lubos tayong nasisiyahan sa pag-aalaga ng manok kung


nakikita natin na silay malusog at mataba. May mga
pamamaraan sa pag-aalaga ng mga manok at kauri nito,
gayundin kailangan na alam mo ang mga panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok.
Malalaman mo sa modyul na ito ang mga pamamaraan at mga
panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga
ng mga manok.

PAGBALIK-ARALAN MO

Pahulaan: Isulat ang sagot sa puwang


_______ 1. Ito ayyari sa kawayan, nipa o kugon ang bubong na
pinaglalagyan ng alagang manok. Ano ito?
_______ 2. Ang tawag sa ipinakakain sa manok ay ano?
_______ 3. Ako ang lahi ng manok na patabain at puwede ring awing
pagkain.
_______ 4. Ako ay nagbibigay ng karne at itlog. Ano ako?
_______ 5. Ako ang pinakakilalang uri ng manok s aproduksiyon ng itlog.
Ano ako?

(Sagot) (1) kulungan

(2) patuka

(3) broiler

(4) manok

(5) white

PAG-ARALAN MO
Basahin ang sulat ni Mang Bernardo sa kanyang pamangkin tungkol sa
pamamaraan sa pag-aalaga ng mga manok.

Agosto 27, 2004


Mahal kong Lito,
Natanggap ko ang liham mo kahapon at nakikiusap ka na tulungan
kita sa mga pamamaraan sa pag-aalaga ng mga manok gayundin ang
mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. Narito ang mga
pamamaraan na dapat mong gawin.
1. Itayo ang kulungan ng manok sa nasisikatan ng araw at
mayroong mga punongkahoy.
2. Malamig at presko ang kailangan na kulungan.
3. Bigyan ng inumin at patuka ang mga manok araw-araw.
4. Bigyan ng bitamina at mineral upang maging mabilis ang
paglaki.
5. Linisin ang kanilang kulangan araw-araw.
6. Alisin ang dumi ng manok at patuyuin sa sikat ng araw upang
magamit na pataba.
Sa mga panuntunang pangkaligtasanat pangkalusugan ay ito ang
mga dapat mong isaalang-alang o gawin. Ang lugar na pagtatayuan ng
kulungan ay kailangang malayo sa bahay ng ilang metro. Lagyan mo ng
kanal na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan upang manatiling tuyo
ang lugar na kinatatayuan. Bigyan sila ng gamut na pangontra sa sakit.
Bigyan mo ng bitamina upang lumusog at kailangang malinis ang tirahan
upang maligtas sa sakit at peste.
Sana ay maisagawa mong lahat ang mga sinulat ko upang maging
matagumpay ka sa iyong gagawing proyekto na pag-aalaga ng manok.

Nagmamahal,

Tiyo Bernardo

Matapos mong mabasa ang liham ni Mang Bernardo kay Lito ay inaasahan na
magkaroon ka rin ng mga kaalaman sa pamamaraan ng pag-aalaga gayundin sa mga
panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan.

SUBUKIN MO

A. Panuto: Sagutan ang mga puwang. Isulat sa isang papel.


1. Itayo ang kulungan ng manok sa nasisikatan ng _____ at mayroong
mga punongkahaoy.
2. Bigyan ng inumin at _____ ang mga manok araw-araw.
3. Linisin ang kanilang _____ araw-araw.
4. Lagyan ng _____ na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan.
5. Bigyan ang mga manok ng _____ na pangontra sa _____ at _____
upang maging malusog ang mga manok.

B. Suriin ang puzzle na nasa ibaba. Hanapin at bilugan ang mga salitang kasing
kahulugan ng salitang may guhit.

1. Itayo ang bahay sa nasisikatan ng araw.


2. Bigyan ng malinis na inumin ang mga alagang manok.
3. Lagyan ng hukay ang paligid ng kulungan ng manok.

TANDAAN MO

Sundin ang mga wastong pamamaraan at mga pangkalusugan at


tuntuning pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok at kauri nito.

ISAPUSO MO

A. 1. Bakit kailangang sundin ang mga wastong pamamaraan at


panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng
mga manok.
2. Ano ang makukuha mo kung sundin ang mga pamamaraan sa pagaalaga nito.
3. Bakit kailangan pahalagahan ang mga tuntuning pangkalusugan at
pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok?

GAWIN MO

A. -

Gumuhit ng isang kulungan ng mga manok.


Ipakita ang lalagyan ng patuka at inuman.
Kulayan ito at lagyan ng pamagat.
Ipakita sa guro upang mabigyan ng puna.

B.

Tumulong ka sa paglilinis ng isang poultry house. Mag-ulat tungkol


sa iyong mga ginawa.

PAGTATAYA

A. Pumunta sa isang poultry sa inyong barangay. Itanong sa tagapag-alaga


kung paano ang paraan ng pag-aalaga, gayundin ang mga gawaing
pangkalusugan at pangkaligtasan.
Itala ang mga ito. Paghambingin ang iyong tala sa nabasa mong modyul.
Isulat ang mga pagkakaiba.
B. Kung may kakilala kang nag-aalaga ng mga manok na sasabungin itanong
mo kung paano ang paraan ng pag-aalaga nito. Itanong mo kung nananalo o
natalo. Anong bitamina ang ibinibigay upang maging malusog ito? Itala ang
pangalan ng mga bitamina. Mag-ulat sa guro pagpasok sa paaralan. Kung
magagawa mo ito ay maaari ka nang gumamit nang susunod na modyul.
Binabati kita kung makapag-uulat ka tungkol sa modyul na ito.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang


modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang
susunod na modyul.

You might also like