Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Rizal
Buod NG Rizal
Buod NG Rizal
(Buod)
Isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861 sa pagitan ng 11-12 ng
hatinggabi, araw ng Miyerkules si Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda o mas
kilala bilang Jose Rizal. Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko noong Hunyo 22, 1861
ni Padre Rufino Collantes, isang Batangueno. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro
Casanas, isang taga-Calamba. Ang ngalan ng ating pambansang bayani na Jose ay
nagmula sa pangalan ng patron ng kanyang ina na si San Jose. Protacio naman ang
pangalan ng patron sa kalendaryo kung saan natapat ang pista ni San Protacio sa
kaarawan ni Jose. Ang salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay market o palengke naman
ang pinagmulan ng Mercado. Ang Rizal ay mula sa salitang Espanyol na Ricial na
ibig sabihin ay luntiang bukirin. Alonzo para sa unang apelyido ni Donya Teodora. At
Realonda naman sa kinuhang bagong apelyido ni Donya Teodora noong ipinatupad ang
utos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na papalitan ang lahat ng apelyido. Ang
ama ni Rizal ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na isinilang sa
Binan, Laguna noong May 11,1818 at namatay sa Maynila noong Enero 5, 1898.
Samantalang ang knayang ina ay si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos na
isinilang naman sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826 at namatay noong Agosto 6, 1911
sa Maynila. Siya ay pampito sa labing-isang magkakapatid na sina Saturnina, Paciano,
Narcisa, Olimpia, Luisa, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad ang kanilang
bunso.
Lucas Padua. Ang nagturo sa kanya ng Kastila at Latin ay si Ginoong Leon Monroy,
isang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Unang pumasok siya sa paaralan ng Binan sa
pagtuturo ni Justiniano Aquino Cruz. Ang batang si Rizal ay hindi likas na palaaway
subalit hindi siya umuurong sa labanan kahit na maliit lamang siya noon at kapag alam
niyang siyay nasa katwiran. Labing-isang taong gulang si Rizal nang mag-aral siya sa
Ateneo de Manila. Bantulot ang paaralan na siya ay tanggapin sa dalawang dahilan: una,
dahil nahuli siya sa pagpapatala at pangalawa ay dahil maliit siya at mukha siyang
masasakitin. Siya ay napiling emperor sa klase nila dahil siya ang pinakamarunong sa
kanilang lahat. Natamo ni Rizal ang pinakamataas na karangalan nang matapos niya ang
kursong Bachiller de Artes noong Marso 23, 1877, sa gulang na 16 na taon. Ang tulang
Sa Aking Inspirasyon na inihandog niya sa kanyang ina ang unang tula na naisulat niya
bilang mag-aaral sa Ateneo. Nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez
S.J. Ang nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa
pagsulat ng mga tula. Nag-aral siya ng pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay
na pintor na Espanyol. Si Jose ay natuto sa paglililok kay Romualdo de Jesus. Si Padre
Jose Villaclara naman ang nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsulat ng tula. Mula rito
ay nakilala nya si Segunda Katigbak, ang babaeng unang minahal ni Rizal. Siya ay nagaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagpatala sa kursong Medisina upang matulungan
niya ang kanyang inang maysakit sa mata. Tinapos din niya at ipinasa ang pagsusulit sa
kursong Surbeyor sa Ateneo. Bukod kay Segunda Katigbak ay nahumaling si Rizal kina;
Binibining L. na isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa gabi sa
panahon ng bakasyon na umuwi siya mula Maynila ng nabigo kay Segunda Katigbak. Si
Leonora Valenzuela na kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong
Lumipat ng Belgium si Rizal upang magtipid. Si Susanne Jacoby na isang dalagang tagaBelgium ay umakit kay Rizal sa panahong siya ay nangungulila kay Leonora Rivera.
Sinimulan niya sa bansang ito ang pagsulat niya ng kanyang nobelang El Filibusterismo.
Sa Madrid nabuo ang aklat na karugtong ng Noli Me Tangere dahil sa pagtulong ni
Valentin Ventura. Ang dalagang taga-Madrid na si Nellie Boustead ay inibig ni Rizal
dahil sa kalungkutang idinulot na pagpapakasal ni Leonora Rivera. Ngunit, hindi natuloy
ang kanilang pagpapakasal dahil kailangan bitawan ni Rizal ang pagiging Katoliko upang
sumunod sa relihiyong Protestante ng dalaga.
Muling nagbalik si Rizal sa Pilipinas dahil sa layuning operahan ang mata ng
kanyang ina. Bukod rito ay nais nya na matulungan ang kanyang kababayan na matagal
ng inaapi, makita ang ibinunga ng kanyang Noli sa bayan at pamahalaang Kastila at
upang alamin ang dahilan ng hindi pagsulat ni Leonor Rivera. Inasikaso rin ni Rizal ang
La Liga Filipina na isinulat ang saligang batas sa Hong Kong. Noong Hulyo 6, 1892 sa
isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa bintang na
pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan. Ipinakulong si Rizal at mahigpit na
pinababantayan sa Fort Santiago. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si
Rizal sa Dapitan. Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.
Nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero ang
komandante ng hukbong Espanyol sa lugar. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit
din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga
aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang
oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng hapon. Natagpuan niya ang species ng Draco
rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali. Nakarating kay Rizal ang pagkamatay ni
Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893 dahilan sa panganganak. Subalit sa kabila nito ay
dumating sa buhay nya si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang samahan ang
kanyang ama-amahan na si George Tauffer upang magpagamot kay Rizal. Dala nila ang
isang tarheta ni Julio Llorente. Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na
magpakasal ngunit ayaw silang ikasal ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng
Cebu. Nilisan ni Rizal and Dapitan noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espanya
kasama nina Josephine, Narcisa, at pamangking si Angelica. Nagkaroon ng isang
Preliminary investigation sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni Colonel Francisco Olive.
Si Rizal ay sumailaliam sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon. Pinili ni Rizal ang
pangalan ni Tinyente Luis Taviel de Andrade bilang abogado sa gaganaping paglilitis sa
kanya. Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa nasabi ding
araw ay nagpasiya ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril. Noong
Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang kautusan ng
pagbaril kay Jose Rizal. Alas 4:00 ng hapon dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago.
Lumuhod dito si Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay
ibinigay niya ang lutuang alcohol na naglalaman ng Mi Ultimi Adios. Alas 6:00 ng
umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni Rizal ang
kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina. Alas 6:30, nagsimulang umalis ang
martsa mula saa Fort Santiago patungo ng Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na
nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong naglalakad
kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre March at Villaclara
sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa
panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood. Sa pagdating ni Rizal sa
Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang naghihintay upang saksihan ang
gagawing pagbitay kay Rizal. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade .
Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo isang manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa
normal na tibok ng pulso nito. Alas 7:00 ng umaga binaril si Rizal sa Bagumbayan.
Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang
katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito. Pagkatapos ng
pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.
IMPLIKASYON
Tunay ngang ang ating pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal ay nag-ambag ng
malaking kotribusyon sa aspeto ng pagiging makabayan nating mga Pilipino. Larawan
sya ng isang Pilipino na ginamit ang angking karunungan upang maipagtanggol ang
bansang giliw laban sa mapaniil na mga dayuhan. Sa pamamagitan ng pluma ay lumikha
si Rizal ng mga lathalaing tumutuligsa sa mga dayuhang nagnanais sakupin ang ating
bansa. Dahil rito napagbuyo ni Rizal ang damdamin ng maraming Pilipino na handing
lumaban para sa kasarinlan ng bansan. Nagkaroon ng pagkakaisa ang bawat mamamayan
ng Pilipinas at napagtibay ang iisang mithiing hinangad ni Rizal na sikhaying abutin ang
kalayaan. Hindi lang sa panahon nya siya naging tanyag at maimpluwensya, maging sa
kasalukuyang panahon siya ay kinikilala at tinitingala ng mga kabataan. Napatunayan na
hindi sa lahat ng pagkakataon ay dahas ang katambal ng karahasan bagkus ay maaring
lumaban gamit ang mas epektibo at mahinahong pagtuligsa sa pamamagitan ng panulat at
papel.