Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Teleserye

Para lang akong nanonood ng teleserye na kung makatutok ay inaasam na maging buhay ko
ang nandoon. Pero tulad ng lahat ng teleserya sa ABS-CBN o GMA man, nagtatapos din ito. At sa
isang tulad kong bata at nangangarap, naghahabol pa ako ng kasunod nito. Pero wala, wala talaga.
Minsan may mga teleserye talagang, sa sobrang ganda ay hindi na binibigyan ng sequel dahil sa
katotohanan alam ng lahat na pag binigyan mo pa ito ng katuloy, madaming madi-dismaya dahil
umasa din sila.
Ang masaklap na katotohanan dito, ay pag nagtapos na ang teleserye ay pwesahan kang
ibabalik ng mundo sa pinaka-ayaw mong lugarang realidad. Dahil sa realidad ng buhay, kahit
gaano ka man nakitawa o nakidrama hindi makalalampas ang katotohanang tagasubaybay ka
lamang. Hindi ka parte ng mundong iyon, ilusyon mo lang yun. Ni minsan hindi ka naging isang bida
sa teleseryeng iyon, tanggapin mo, nanonood ka lang. At dahil nanonood ka lang, wala kang control
sa mga kaganapan sa buhay ng mga bida. Hindi ikaw ang nagsulat ng script nila at mas lalong hindi
ka masasama sa tauhan ng dula nila.
At sa pagtatapos ng teleserye nila, makikita mo kung gaano ka ibang-iba ang mga ugali ng
mga taong pinapanood mo sa tunay na buhay. Iba sa sinusubaybayan mong mga bidang
nagmamahalan. Pag dating sa tunay na buhay, malamang may away din yan, parang mga
magulang mo din. Sa labas puro ngiti, kulitan, mga ma-kekesong linya at matatamis na pagpapalitan
ng mahal kita pero pag nagsi-alisan na ang mga matang nakabantay sa bawat galaw ng mga ito,
dun nagsisilabasan lahat ng posibleng hinanakit nila sa isat-isa. Teleserye lang yan. Mga tauhan
lang yan sa dulaan. Magtatapos din ang panahon ng pag-papalabas. May realidad din ang mga
taga-ganap, iba sa realidad na inakala mo, iba sa realidad mo.
May iba kang kwento, may iba kang teleserye, may manood man o wala, kailangan mong
gampanan ang papel mo bilang bida ng teleserye. Masakit malamang hindi mo inaasahan na ganun
ang script ng teleserye mo. Dahil kung pinapanggarap mo ay love story at ang napunta sayo ay
horror, tanggapin mo nalang. Walang ka magagawa kundi sundin ito. At least, kung iisipin mo, kahit

papaano, naging bida ka, kahit ikaw ang halimaw ng storya. At tulad ng mga taong pinapanood mo
dati, kailangan mong ipakita sa kanila ang pinaka-magaling mong pag-arte. Kailangang ilabas mo
ang lahat ng kakayahan mo at dapat bantayan ang bawat pagkilos sa harap ng mga manonood.
Kahit gano na kasakit sa loob looban mo, tiisin mo, dahil tulad mo nung nanonood ka palang, gusto
mong mabigyang-aliw.

You might also like