Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Umabot sa US$27 billion noong 2014 at US$25 billion ang remittances ng may 2.

2 milyong
OFWs, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Philippine Overseas
Employment Administration (POEA).
Sa laki ng kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya ng bansa, iisipin ninyo marahil na todotodong suporta ang ibinibigay sa kanila ng pamahalaan kung sila ay nagkakaproblema sa
ibang bansa.

Maling-mali ang kaisipan na iyan. Ang totooy lip-service lang ang ginagawa ng gobyerno
sa pagtawag sa OFWs bilang mga bagong bayani.
Bakit? Dahil kakarampot na nga ang P100 milyong legal assistance fund na inilaan ng
Kongreso sa 2015 General Appropriations Act (GAA) para makapag-hire ng lawyers para sa
distressed OFWs, iyan ay na-veto pa ng Malacaang.

Ang legal defense ng OFWs ay inilagay sa conditional implementation dahil wala raw
pagkukunan ng pondo.
Ganun? May pondo ang pamahalaan para sa pagbili ng sports utility at luxury vehicles
para sa mga opisyal nito pero walang pondo para sa OFWs?

Ayaw lang?

Gaano ba kalaki ang P100 milyon kumpara sa E-VAT na nalikom ng pamahalaan mula sa
US$27 billion na ni-remit ng OFWs, na siguradong umikot sa ating economic system dahil
ipinambayad ng OFW families for goods and services? Again, pasok diyan ang kasabihang
kung gusto may paraan, kung ayaw ay maraming dahilan.

Hindi rin lang ang pagkukuripot sa distressed OFWs ang problema. Depektibo rin ang
Migrant Workers Act (RA 8042) na kung ilang beses na naamyendahan pero marami pa
ring probisyon na anti-OFW.

You be the judge kung may punto tayo. Sa ilalim ng implementing rules and regulation
(IRR) ng RA 8042, hindi automatic ang pagbibigay ng abogado sa distressed OFWs mula sa
legal fund na na-veto pa nga. Dalawa ang proviso para ma-tap ang pondong ito. Una,
kailangang walang court-appointed lawyer ang OFW. Ikalawa, kailangang na-convict na
ang OFW at ang parusa sa kanya ay either life imprisonment o death penalty.

True?

Ang ibig sabihin niyan, pinopondohan lang ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ang
legal defense ng OFWs kapag nasa appeals court na tulad ng sa kaso ni Mary Jane Veloso,
na nadiin sa lower court dahil walang legal representation nang kunan ng testimonya.

I dont know how true ang claim ng DFA na sa kaso naman ni Jennifer Dalquez ay umasiste
agad sila noong arestuhin ang Pinay noong Enero dahil sa pagpatay sa kanyang employer
na nagtangka raw na gumahasa sa kanya.

Bitay ang hatol na iginawad kay Jennifer ng isang korte sa Al Ain noong May 20. Mismong
ang kutsilyo na ipinanakot ng nasawing employer ang ginamit umano ni Jennifer sa
pagtatanggol sa kanyang sarili.

Sa atin sa Pilipinas, siguradong absuwelto si Jennifer kung totoong tinangka nga siyang
gahasain.
Maaaring naabsuwelto rin siya kung sa simulat sapul ay nabigyan siya ng magaling na
abogado na ang pamahalaan natin ang magbabayad.

One thing is clear. We should amend RA 8042 so that legal assistance to OFWs should be
mandatory and should start right in the lowest courts and not when their cases are already
up for appeal.

You might also like