Pages 67-70

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong naninirahan at nagtatag
ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan.
Binubuo ang kabihasnang Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo
ng Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.
Sumer (3500-2340 B.C.E)

Ziggurat
http://www.bible-archaeology-info/ziggurats.htm
Akkad (2340-2100 B.C.E.)

Sargon I
http://en.wikipedia.org/wiki/Sargon_of_Akkad
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

67

Namamalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga


lupaing sakahan ng lambak ilog.
Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish,
Lasgash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang hari.
Tinatawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing
tahanan at temple ng mga patron o diyos na makikita
sa bawat lungsod.
Naniniwala sila sa maraming diyos at diyosa na
anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling
tao.
Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na
ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.
Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kamibing, at baboy.
Madalas ang tunggalian ng mga lungsod estado
tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang
matatag na pamahalaan ang mga Sumerian
Sinakop ni Sargon (2334-2279 B.C.E.) ang mga
lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang
imperyo sa daigdig.
Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng
Mesopotamia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade.
Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si
Naram Sin (2254-2218 B.C.E.)
Noong 2100 B.C.E. panandaliang nabawi ng lungsodstado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan
ang Sumer at Akkad.
Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga
Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng
sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa
katimugan, particular ang Isin at Larsa, ay
nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.

Babylonian (1792-1595 B.C.E.)

Code of Hammurabi
http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Code-deHammurabi-1.jpg
Assyrian (1813-605 B.C.E.)

Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng


Babylon, ang Mesopotamia.
Ang Babylon ay naging kabisera ng Imperyong
Babylonia.
Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni
Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang
ang kahariang Ashut.
Nang mamatay si Hammurabi ay nagwatak-watak
ang kaharian ng Babylon.
Noong 1595 B.C.E. sinalakay ng mga Hittite
Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa
rin ng mga lungsod-estado ang pamumuhay sa
ilalim ng mga dayuhang pinuno.
Ang mga Hittite ay orihinal na nagmulasa
hilagang-silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan
sila at nanirahan sa Asia Minor (kasalukuyang
Turkey).
Noong 1120 B.C.E. nasupil ni Tiglath-Pileser I
(1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittite at naabot ng
puwersa ang baybayin ng Mediterranean at
itinatag ang imperyong Assyrian.
Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng
mga ekspedisyong military pakanluran upang
mapasakamay
ang
mahahalagang
rutang
pangkalakalan at makatanggap ng tributo.
Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga
haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa
kaniyang panahon.
Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa
isang pag-aalsa.

Ashurbanipal
http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Kinadshburn.jpg
Chaldean (612-539 B.C.E.)

Hanging Gardens
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Hanging_Gardens_of_Babylon.jpg

69

Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) ang nagtatag


ng bagong imperyo ng Babylonia matapos
pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa
Assyria.
Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562
B.C.E.) anak ni Nabopolassar ang natitirang
hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E.
Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo
nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya
rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of
Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito ng
mga Greek bilang isa sa Seven wonders of the
Ancient World.
Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng
hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang
tuluyang naging bahagi ng mas malawak na

imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia.

Sa silangan ng Mesopotamia, particular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang pamayanang


Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo.
Persian (539-330 B.C.E.)

Cyrus the Great


http://en.wikipedia.org/wiki/Cyrus_the_Great

Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang


mga Persian na tinawag na Imperyong
Achaemenid. nasa Persia (kasalukuyang
Iran) ang sentro ng imperyong ito.
Sa ilalim ni Cyrus the Great (559-530 B.C.E.)
nagsimulang manakop ang mga Persian.
Napasailalim nila ang mga Medes at
Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor
(kasalukuyang Turkey).
Darius the Great (521-486 B.C.E.)- umabot
ang sakop hanggang India.
Epektibo ang pangangasiwa ng mga
pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati
ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at
pinamahalaan ng gobernador o satrap.
Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na
ng tinatayang may habang 1677 milya o 2699
na kilometro mula Sardis hanggang Susa.
Nagpatanyag sin ang mga Persian sa
pagsulong ng relihiyonh Zoroastrianism na
itinatag ni Zoroaster.

GAWAIN 5 Complete It!


A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang letra sa patalang.
1.
2.
3.
4.
5.
6.

____ ____ M ____ ____- Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia


____ K ____ ____ ____- Unang Imperyong itinatag sa daigdig
____ ____ ____ ____ L ____ ____- Kabisera ng Imperyong Babylonia
C ____ ____ ____ ____ ____ ____-Imperyong itinatag ni Nabopolassar
____ ____ T ____ ____ ____-Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia
____ ____ ____ ____ ____ I ____-Imperyong itinatag pagkatapos ng Babylonia
69

B. Isulat ang mga impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang makumpleto ang
pangungusap.
1. Ang Mesopotamia ay maituturing kabihasnan dahil _____________________________
______________________________________________________________________.
2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon 1 sa kasaysayan nang _____________
______________________________________________________________________.

3. Sa

panahon

ni

Hammurabi

naganap

ang

______________________________________
______________________________________________________________________.
4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang
_______________
______________________________________________________________________.
5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa Imperyong Persian
ang ___________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

Pamprosesong Tanong
1.
2.
3.
4.

Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?


Sino-sino ang mga pinunong namahala sa imperyo?
Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?
Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay pag-usbong at pagbagsak ng
mga kabihasnan?

70

You might also like