Sumpa NG Kawayan - Edited

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sumpa ng Kawayan

Okay, so basically, kailangan natin palabasin dito ang emotions ng kalungkutan, trahedya, pighati, kawalan ng pagasa Dark, helplessness.
*Bigyang-diin ang mga salitang nakasulat nang madiin
/ - ibig sabihin ay bahagyang pagtigil o pause
// - mas matagal na pagtigil

Matibay/ ang kawayan.


Iyan (kailangang patunugin yung tunog ng n) ang sumpa. (mabilis)
Hayaang ipaghampas-hampasan (mabilis; kailangang patunugin yung letter s para sa paghampas na dating.)
ng unos,
lumangoooooy at magpaanoooood
sa baha. (mabilis na may diin ang pagkakasabi ng baha na parang nagulat)
Pigilin ang hininga// (mataas ito pero dapat pareho yung pitch)
at baka malanghap ang bangkay na naaagnas. (itataas din ang boses dito pero iba-iba ang pitch para mag-create ng
panic sa scenario [conyo much]
Tiisin ang gutom ng sikmura 3x (each with varying emotions; 1st: blank, normal. 2nd: galit kasi nagutom na! Ginamit
ang lahat ng lakas; 3rd: Dahil gutom na, naubos na ang natitirang lakas)
na kahit sa papuri, (mahahaba ang tunog na parang nanghihina, parang nawawala)
ay hungkag na hungkag. (hanggang sa tuluyan nang mawala)

Kalimutan natin ang kasakiman


na sa kabundukan
ay nagpapatag,
at nagbabago sa daloy

ng hangin at dagat.
Anooong balita! // 4x (Tandaan na dapat laging mapatunog yung A sa Anoong)
Kalimutan ang pangulo na mainit ang ulo
(mikas solo) at sa sariling pulong walang pakundangang lumalabas. (kailangan idugtong nyo ito na parang isang tao
lang ang nagsasalita)
Kalimutan ang ayuda (Tanyas solo)
na higiiiiiit na bumabagal,
sa ating (mabagal talaga) paghihintay. 3x nag-iiba yung lakas mula sa pahina, palakas tapos pahina ulit

Yumuyuko at umiindayog
sa hangin ang kawayan. (mababa ang boses, may pag-alon na parang nagkukwento pero mababa)
Ngunit kami ay tao, tao lamang, (dito yung may adlib ng tao lamang, after 5 seconds, may scream then pause)
Balat at dugo, luha at buto. (emphasis sa bawat salita)
Ipagpaumanhin ang galit
at pusong nagpupuyos.
Naghahanap kami ng katarungan
sa gitna ng dalamhatit pagluluksa,
sa aming di matapos-tapos
na dalamhatit pagluluksa.
(Balik ito sa solo ng MC (Main Character) so yung background nito ay parang echo lang kayo The idea is,
kakausapin ni MC yung audience habang kayo parang yung konsensya o kaya yung nagre-represent ng lahat ng
paghihirap na napagod na sa pagrereklamo)

If theres something I missed, just tell me. Mas kabisado ito ng katawan nyo kesa sakin.

You might also like