Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Margaret Nicole C.

Larin
BSBA-HROM III-1
Sir. Ramos

Wikang Asignaturang Filipino dapat bang Tanggalin?


Ang turo ni Dr. Jose Rizal " ang hindi magmahal sa sariling wika ay
masahol pa sa masangsang pa sa isda". Ang wika ng isang bansa ay
tinuturing na isang kayamanan. Ito ay sumisimbulo sa kultura, mukha, ugali,
kakayahan, pagmamahal, at kalayaan. Ngunit para yatang nakalimutan na
natin ang kahalagahan ng wikang Filipino na siyang dapat hating
pinangangahalagaan at pinagyayaman.

Sa mga nakaraang buwan tinalakay sa mga balita ang pagtatanggal ng


Filipino subject sa General Education curriculum ng kolehiyo sa 2016,
katwiran ng CHED sapat na ang kaalaman sa wikang Filipino simula
elementarya hanggang hayskul. Dependwe na lang as mga magkokolehiyo
kung ang kukunin nilang kurso ay edukasyon sa Filipino. Dahil sa isyung ito
marami ang nagalit o nag-alsa sapagkat bakit tatanggalin ang wikang
subject na Filipino dahil ba sa madali lamang ito, hindi kailangan pagnagtrabaho o kaya naman sawang-sawa na sa pag-aaral nito. Para sa akin
walang katuturan ang mga dahilan na ito. Ang wikang Filipino ay
pinagyayaman sapagkat ang bawat mamamayang nakatira sa bansang
Pilipinas dumadaloy ang dugo ng pagka-pilipino at sa salita ay wikang
Filipino. Marami sa atin ang hindi bihasa sa wikang Filipino katulad ng
pagkakaiba ng Pangalan sa Pangngalan, Pinto sa Pintuan. Sa nakikita ko ,
hindi ako pabor na tanggalin basta-basta ang Filipino subject , ito'y malaking
pagkakamali dahil mismong Pilipino inaayawan ang sariling wika. Sa pagresearch ko sa isyu, marami ang nag-komento isa na dito si Novelynth
Momoth Aagoth sabi niya " No! this is absurdity. Ano ang saysay ng
pagkapilipino mo kung hindi mo ito magagamit, maraming maaapektuhan
nito. Let us say , Ingles ang midyum na gagamitin sa pagtuturo. Paano lubos
na maiintindihan ng mga mag-aaral ang mga salitang bago sa kanilang
bukbolaryo at mga kaisipang malalim kung hindi maipapaliwanag ng husto
sa wikang malapit sa kanilang puso. Hey! it is not just Filipino. It is Filipino!

wika natin ito. At sinasalamin nito ang ating pagkapilipino." isa lang si
Novelynth sa maraming Pilipino ang may pakialam sa pag-tanggal ng Filipino
subject sa kolehiyo.

Maraming bansa ang maunlad gaya ng Korea,France,Japan at iba pa dahil


hindi nila itinatabi ang wikang kanilang sinasalita. Sana huwag staying
magpabihag sa wikang banyaga dahil tayo na rin ang nagtatanggal sa sarili
nating kalayaan. Ang wika rin ang naguugnay sa atin sa isa't-isa. Sabi nga ni
Simoun kay Basilio " Habang may sariling wika ang isang bayan taglay niya
ang kalayaan."

You might also like