Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Nilalaman

• Layunin ng Amerikano sa pananakop


• Pamahalaang Militar ( Mga Nagawa )
• Mga Komisyon
Schurman ( Mga Nagawa )
Taft ( Mga Nagawa )
• Pamahalaang Sibil ( Mga Nagawa )
• Philippine Bill of 1902/ Batas Cooper ( Mga Itinadhana )
• Unang Asemblea ( Mga Nagawa )
• Pilipinisasyon sa Pamahalaan
Batas Jones 1916 ( Mga Naitadhana )
• Mga Batas para sa Kasarinlan
Batas Hare Hawes Cutting ( Mga Naitadhana )
Batas Tydings McDuffie ( Mga Naitadhana )
• Pamahalaang Komonwelt ( Mga Naitadhana )
• Republika sa ilalim ng Hapon
Pamahalaang Puppet
• Ikatlong Republika

Roxas Marcos
Quirino Aquino
Magsaysay Ramos
Garcia Estrada
Macapagal Arroyo

Layunin ng Amerikano sa pananakop


Napailalim ang Pilipinas sa Pamahalaang Estados Unidos sa loob ng 48 taon (1898-1946).
Ngunit nasa pamamahala ng malasariling pamahalaan o komonwelt ang nalabing huling iaang
taon nito matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Binuo ng mga sumusunod na pangkat ang grupo ng mga imperyalsta:
• Pangkat Ekonomiko-Layunin ng pangkat ng mga Kapitalista o namumuhunan na
magamit ang Yamang Likas ng bansa.
• Pangkat Militar- Layunin ng pangkat na ito na maisulong ang interes sa China.
• Pangkat Relihiyoso- Layunin ng pangkat na maipakalat ang Protestantismo sa Pilipinas.

Pamahalaang Militar

Si Heneral Wesley Merritt ang unang Amerikanong Gobernador Militar ng Pilipinas.


Nagsimula siyang manungkulan matapos isuko ng mga espanyol ang lunsod Manila noong
Agosto 13, 1898. Dahil dito nanatili ang Pamahalaang Militar habang aktibo pa ang
himagsikan ng mga Pilipino at Amerikano.
Mga nagawa ng Pamahalaang Militar:
• Pagpanatili ng kaayusan sa bansa
• Pagtatag ng Hukumang Sibil, kabilang ang kataas-taasang Mahistradong si
Cayetano Arellano
• Pagtatag muli ng Pamahalaang Lokal, at kauna unahang Munisipalidad na naitatag
ang Baliuag sa lalawigang Bulacan
• Pagganap ng kauna-unahang halalang lokal noong Mayo 6,1899 sa Baliuag, at
unang halal na Punong Bayan si Francisco Guerrero
• Pagkahanda ng bansa sa pagtatag ng pamahalaang sibil.

Mga komisyon

Komisyong Schurman
Noong Enero 20, 1899, hinirang ang unang komisyon sa Pilipinas na binuo nina
Dr. Jacob Schurman
Marso 04, 1899 dumating sa Pilipinas ang komisyong Schurman, isang buwan
matapos sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano. Inalok ng Komisyong Schurman
ng Awtonomiya ang mga Pilipino ngunit tinanggihan ito ng mga rebolusyonaryo.
Inirekomenda ng Komisyong Schurman ang mga sumusunod:
• Pagtatag ng Batasan na may dalawang kapulungan-Mababang Kapulungan at
Mataas na Kapulungan
• Pagwakas sa Kapangyarihang Militar sa mga pook na mapayapa na
• Pangangalaga sa Kayamanang Likas ng Pilipinas para sa mga Pilipino
• Pag organisa ng Malasariling pamahalaang Lokal
• Paghirang sa mga Pilipinong may kakayahan para sa mahalagang tungkulin.

Komisyong Taft
Dumating sa Pilipinas ang Komisyong Taft noong Hunyo 03,1900. Ilan sa mga mas
mahalaga ang sumusunod
• Paglaan ng 2milyon para sa pagpapagawa
• Pagtatag ng konstabularyo ng Pilipinas.
• Pagtayo ng mga paaralang pambayan
• Panibagong tatag sa mga hukuman sa bansa
• Pagpatibay sa Kodigo Munisipal at Kodigo Probinsya na nagtatag ng Pamahalaang
Panlalawigan at Pamahalaang Munisipal.
• Pagtatag sa Pamahalaan ng Benguet.

Pamahalaang Sibil
Itinatag ang Pamahalaang Sibil noong Hulyo 04, 1901. Si Gobernador William
Howard Taft ang unang Gobernador ng Pamahalaang Sibil, at si Gobernador Frank
Murphy ang kahuli hulihan. Layunin nito ang maihanda ang mga Pilipino sa pag-ugit sa
sariling pamahalaan. Sinikap ni Taft na pairalin ang instruksyon ni McKinley ang
pagbibigay priyoridad sa interes ng mga Pilipino. Ilan sa mahalagang bagay na nagawa
ng Pamahalaang Taft:
• Pagpapanatili ng kapayapaan sa iba’t ibang panig ng bansa
• Pag impluwensya sa kongreso ng Estados Unidos upang mapagtibay ang
Philippine Bill of 1902.
• Pakikipag ugnayan kay Papa Leo XIII upang mabili ang ga lupa ng mga prayleng
Agustinian, Franciscan, Dominican at Recollect sa halagang $7,237,000. Muling
ipinagbili ang mga lupaing ito sa murang halaga sa mga Pilipino.

Philippine Bill of 1902


Unang batas na pinagtibay ng Kongreso ng E.U tungkol sa pamamahala sa
Pilipinas ang batas Cooper na lalong kilala sa tawag na Philippine Bill of 1902.
Itinadhana ng batas na ito ang mga sumusunod:
• Paggalang sa mga basikong karapatan, maliban sa karapatan sa paglilitis ng isang
hurado.
• Paghirang sa dalawang residente sa Washington
• Pagtatag ng inihahalal na asemblea na matapos na ideklara ang pagkakaroon ng
ganap na kaayusan sa bansa at mailabas ang resulta ng sensus
• Paglikha ng Lehislatura ng Pilipinas ng may dalawang Kapulungan-komisyon na
magiging mataas na kapulungan at asemblea ng Pilipinas na magiging mababang
kapulungan.
• Pagpanatili sa kapangyarihang tagapagpaganap sa Gobernador Sibil na siya ring
Pangulo ng Komisyon.
• Pagtalaga sa Komisyon ng karapatan at kapangyarihang magsabatas para sa mga
tribong hindi Kristiyano.
• Pagpanatili sa kapangyarihang maghukom ng Korte Suprema at iba pang mababang
hukuman.
• Pagtakda ng alituntunin upang mapangalagaan ang mga kayamanang likas ng bansa
Itinadhana ng batas ang tatlong kundisyon bago itatag ang asemblea ng
Pilipinas (a). ganap na kapayapaan at kaayusan (b). pagsagawa ng pambansang
sensus at (c). dalawang taon at kapayapaan at katahimikan matapos mailathala ang
sensus.

Unang Asemblea
Pinasinayaan ang asemblea ng Pilipinas noong Oktubre 16,1907 sa Manila Grand
Opera House. Sa ilalim ng Asemblea ng Pilipinas, ginawang batas ang sumusunod:
• Pagtatatag ng sistema ng edukasyong Pambayan
• Batas Gabaldon na iniharap ni Isauro Gabaldon; Naglaan ng 1milyon para sa
pagpapagawa ng Paaralang Pambayan
• Batas 1870 na nagtatag sa UP noong Hunyo 18,1908. Kabilang din ang batas na
nauukol sa kalusugang Pampubliko, gawaing publiko at pangangampanya sa
kalayaan.
Pilipinisasyon ng Pamahalaan
batas Jones 1916
Pinagtibay ng Kongreso ng E.U ang batas Jones noong Agosto 29, 1916.
Itinadhana nito ang pagkakaroon ng tatlong sanay ng pamahalaan-ehekutibo lehislatibo at
hudikatura. Ang kapangyarihang ehekutibo sa kamay ng Gobernador Heneral. Ang
kapangyarihang lehislatibo ay may dalawang kapulungan ang mataas na kapulungan ay may 24
na miyembro. Ang kapangyarihang hudikatura ay nasa kamay ng Korte Suprema.

Mga Batas para sa Kasarinlan


Batas Hare Hawes Cutting
Itinadhana ng batas na ito ang sampung taong kalayaan ng Pilipinas isinaad din
sa batas ang pagtatag ng kapuluang babalangkas ng Saligang Batas na pagtitibayin ng Pangulo ng
E.U. Ibinigay ng batas na ito sa Pangulo ng E.U ang kapangyarihang sang-ayunan o tanggihan
ang anumang pag amyenda sa Konstitusyon. Bago magkabisa ito kailangang tanggapin ito ng
mamamayang Pilipino. Nahati ito sa dalawang kampo, ang Anti( salungat ) at Pro ( sang ayon ).
Hindi ito nakapasa dahil kontrolado ni Quezon ang kapangyarihang Lehislatura.
Batas Tydings Mcduffie
Isang misyon na naman ang pinadala sa E.U na pinamunuan ni Quezon ito ang
Batas Tydings Mcduffie. Nagtagumpay ito na maipasa sa Kongreso ng US noong
Marso 24,1934 gaya rin ito ng Hare Hawes Cutting gaya ng:
• Sampung taon transisyon bago bigyan ng kasarinlan na naitadhana sa petsa Hulyo 4,
1946.
• Pagkaroon ng Kombensyong gagawa ng Konstitusyon
• Pagdaos ng Plebisitong pagpapatibay sa gagawing Saligang Batas
• Paghalal ng mga namumuno sa Pamahalaang Komonwelt
• Pagkilala ng kasarinlan ng Pilipinas sa ika – 4 ng Hulyo
• Pagpataw ng gradwal na taripa sa mga produktong iluluwas sa E.U
• Pagpayag sa taunang kota na 50 pilipinong imigrante
• Pagkontrol sa pananalapi kalakalang panlabas at ugnayang panlabas ng U.S
• Katawanin ng isang Pilipinong residenteng Komisyoner ang Komonwelt sa Kongreso
ng US
• Katawanin ng mataas na Komisyoner ng Amerika ang EU sa Pilipinas

You might also like