Book Report

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ryan

Si Ryan ay isang simpleng mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na


lihim na umiibig sa kanyang matalik na kaibigan na si Maria. Nagsimula ang lahat ng nahuli si
Maria sa kanilang klase at nag-prisinta si Ryan na ibigay ang kanyang upuan kay Maria dahil
wala ng bakante. Naghanap si Ryan ng isa pang upuan sa mga katabing kwarto. Nang
makahanap siya ay saktong naroon na ang kanilang propesor kaya hindi ito pinapasok sa
kanilang kwarto kaya nakaupo siya sa labas hanggang sa matapos ang kanilang klase. Labis
na nakonsensya si Maria kaya nilibre niya ng pananghalian si Ryan. Simula noon, palagi ng
maagang pumapasok si Maria at saka siya maglalagay ng folder at bag sa katabi niyang upuan
para magkatabi sila ni Ryan. Lagi na rin silang magkasabay sa pagkain pati na rin sa pagpasok
at pag-uwi.
Naging torpe si Ryan sa patatapat ng kanyang nararamdaman kay Maria. Hindi niya
alam kung sa paanong paraan niya sasabihin ito hanggang sa naisip niya na isulat na lamang
niya ang kanyang tunay na nararamdaman sa kanyang kwaderno at iiwan niya sa upuan ni
Maria. Ginawa niyo ito habang piniprisinta ni Maria at Samuel ang kanilang thesis at dali-daling
lumabas ng kwarto si Ryan at umuwi. Nahabol siya ni Maria bago pa makasakay si Ryan ng
jeep ngunit sa kasamaang palad ay isang aksidente ang nangyari.

Rebecca
Si Rebecca ay isang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipnas sa kursong
Marketing. Siya rin ay isang manunulat ng mga kwentong pag-ibig na may malungkot na
katapusan. Naniniwala siya na walang magandang katapusan ang kwento ng mga taong
nagmamahalan. Lahat ng kwento niya ay ganito dahil sa pag-iwan sa kanya ng kanyang exboyfriend na si Nikko. Naging karamay niya ang kanyang pinaka-matalik na kaibigan na si
Jackie sa kanyang problema lalo na kung tungkol sa pag-ibig.
Isang araw, habang nagka-klase sila ay naisipan ni Becca na magsulat sa kanyang
upuan ng katagang Ang hirap mag move-on. Kahit alam niyang masama iyon ay di niya
naiwasan basta mailabas lang niya ang hinanakit na nararamdaman. Nagulat siya ng
kinabukasan ay may sumagot sa kanyang isinulat sa upuan. Araw-araw ay nagmamadali si
Becca na mabasa ang mga sagot ng kanyang misteryosong kausap sa kanyang upuan
hanggang sa magka-yayaan sila na magkita. Sa kasamaang palad ay naatasan si Rebecca ng
kanyang manager na maging mascot sa isang party sa kanyang tina-trabahuhan na fast-food
chain. Ngunit sa tulong ni Jackie na may lihim na pagtingin sa manager ni Becca, nasolusyonan
ni Becca ang kanyang problema at nakipagkita pa rin sa kanyang misteryosong kausap
Matagal na naghintay si Becca sa gym ng kanilang eskwelahan subalit walang
dumating doon at nagpakilalang siya ang nakakausap ni Becca. Sa halip ay isang tao ang

kanyang di inaasahag makita, si Nikko. Sila ay nag-usap ngunit mahahalata mo ang alinlangan
sa kanilang dalawa. Paalis na si Becca ng bigla siyang hinabol ni Nikko at inamin na mahal niya
pa rin ito.

Nikko
Si Nikko ay isa ring mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa
kursong engineering. Siya ay may girlfriend na si Faye ngunit ang kanilang tatlong taong
relasyon ay natapos dahil alam ni Nikko sa kanyang sarili na mahal niya pa rin ang kanyang exgirlfriend na si Rebecca.
Habang sila ay nagka-klase, may nabasa siyang nakasulat sa kanyang upuan na
katagang Ang hirap mag move-on. Sumagot siya sa nakasulat na ito at nagpatuloy sila sa
pag-uusap hanggang sa niyaya niya ang kanyang misteryosong kausap na magkita sila.
Kinabukasan ay agad na hinanap ni Nikko ang kanyang upuan upang malaman ang sagot ng
kanyang kausap ngunit hindi na niya mahanap ang upuan. Sabi ng kanyang kaklase ay marahil
ito ay nakuha ng mga aktibista at maaring ito ay sunugin na. Nalungkot na may pagka-halong
panghihinayang ang naramdaman ni Nicko kaya niyaya na lang niyang maglaro ng basketball
ang kanyang mga kaklase. Habang naglalaro ay nakita niya ang babaeng minsan na naging
parte ng kanyang buhay, si Rebecca. Kinausap niya ito ngunit hindi naman siya nito matignan
ng diretso. Nang paalis na si Rebecca, sinabihan siya ng kanyang kaibigan na si RJ na habulin
ito upang masabi na niya ang totoo kung bakit niya iniwan si Becca at masabi na rin niya na
mahal niya pa rin ito.
Pilit na lumalayo si Rebecca kay Nicko sapagkat andun pa rin ang sakit na ginawa
sakanya ni Nikko pero alam niya sa sarili niya na mahal niya pa rin ito. Gumawa si Nikko ng
paraan para lang maka-usap si Rebecca, hanggang sa mapansin na nga siya nito at nagkausap
na ulit. Isang araw ay hinahanap ni Nicko ang kanyang upuan sa mga upuang nakakalat sa
ground ng kanilang eskwelahan. Nagulat siya ng makita niya si Rebecca na tila may hinahanap
din na upuan at doon nila nadiskubre na silang dalawa pala ang nagsusulatan at nag-uusap sa
upuan. Hindi na pinalagpas pa ni Nikko ang pagkakataon at kanyang inamin ang tunay dahilan
kung bakit siya nakipag-hiwalay kay Rebecca dati. Sinabi niya na pupunta na siya ng Canada
ng mga panahong iyon at sa kadahilanang ayaw niyang mahirapan si Rebecca sa isang long
distance relationship, pinili na lamang niyang magsinungaling dito at sinabi niyang may iba na
siyang mahal. Naintindihan naman ni Rebecca ang dahilan ni Nikko at nagdesisyong umamin
na rin na mahal na mahal niya pa rin si Nikko. Sa huli, nagkabalikan sila at nangakong hindi na
nila iiwan ang isat-isa.

Maria
Si Maria ay ang matalik na kaibigan ni Ryan. Hindi alam ni Ryan na si Maria ay
may lihim ding pagtingin sakanya. Hindi rin masabi ni Maria ang kanyang nararamdaman dahil
takot siyang malaman na baka hindi naman siya gusto ni Ryan. Isang beses nga ay
nagtanungan sila sa isat-isa kung sino ang kanilang crush. Walang sinabi si Ryan ngunit si
Maria naman ay ang kanilang kaklase na si Samuel ang sinagot dahil takot pa rin itong umamin
kay Ryan.
Pagkatapos iprisinta nila Maria ang kanilang thesis, nakita niya ang kwaderno ni
Ryan sa kanyang upuan. Nang ibinuklat niya ito, nagulat siya sa mga nakasulat. Nakalagay
doon na mahal na mahal din siya ng kanyang matalik na kaibigan. Nais na rin ni Maria na
umamin kaya dali-dali siyang pumunta sa may sa sakayan ng jeep. Pagdating niya doon ay
saktong pasakay na si Ryan kaya tinawag niya ito. Nang patawid na si Maria, isang aksidente
ang nangyari.
Pagkamulat niya ng kanyang mga mata, nakita niya si Ryan na nakahandusay sa
daan at duguan. Itinakbo sila sa hospital at nalamang nasa kritikal ang lagay ni Ryan at siya ay
comatose. Araw-araw ay dinadalaw at binabantayan ni Maria si Ryan sa hospital. Isang araw,
habang nakalatay pa rin si Ryan at walang malay, naisipan na ni Maria na umamin kay Ryan.
Doon ay sinabi niya ang kanyang matagal ng pagmamahal sa kaibigan.
Pagkalipas ng ilang buwan, gumaling na at naging maayos na si Ryan. Marahil
dahil na rin ito sa kanyang matalik na kaibigan kaya siya ay nakaligtas at nabuhay. Dumating na
ang araw ng kanilang pagtatapos at nagtapos si Maria bilang isang cum laude. Sobrang
maligaya para sa kanya ang kanyang pamilya at syempre ang kanyang nobyo na si Ryan.

Jackie
Siya ang matalik na kaibigan ni Rebecca at siya rin ang naging tiga-payo niya
sa mga problemang kanyang ikinakaharap. Lagi niyang dinadalaw si Becca sa pinagtatrabahuhan nito sa isang fast-food chain sapagkat siya ay may crush sa manager na si Sir Matt.
Isang beses ay naki-usap si Sir Matt kay Becca na maging mascot muna sa isang
party dahil lumiban ang isa nilang kasamahan. Hindi naman alam ni Becca ang gagawin
sapagkat siya ay may balak na makipag-kita sa isang misteryosong tao na kanyang
nakakausap sa upuan. Dahil gusto rin ni Jackie na makapunta si Becca doon, naisip niya na
siya na lang ang magiging mascot ngunit hindi na lang nila sasabihin kay Sir Matt. Gustonggusto niya rin ito dahil ito ang kanyang pagkakataon upang mas makilala niya pa ang kanyang
hinahangaan.

Natapos ang party na hindi nalalaman ni Sir Matt na si Jackie iyon. Kinausap
muna siya ni Sir Matt sa kanyang opisina ng biglang may tumawag kay Sir. Doon ay nalaman ni
Jackie na may nobyo na pala ito. Labis siyang nasaktan kaya nagdesisyon siyang umuwi na
lamang. Sa pag-uwi niya ay nainis pa siya lalo sa kanyang katabi sa fx na reklamador. Nauna
siyang bumaba dito ngunit hindi niya alam ay nahulog ang kanyang I.D habang bumababa siya.
Pag-uwi niya sa bahay nila ay may nag-text sakanya at sinasabi na nahulog ang I.D. niya at
kunin na lang sakanya. Ito ay nagpakilalang si RJ.

Pagsusuri sa tauhan

Ryan
Isang mag-aaral sa PUP. Siya ay tahimik at walang masyadong kinakausap. Siya rin ay
may lihim na pagtingin sa kanyang kaisa-isang kaibigan na si Maria. Hindi niya ma-amin ang
nararamdaman sa kaibigan dahil natatakot siyang masaktan at malaman na hindi naman siya
gusto nito.
Maria
Isa ring mag-aaral sa PUP at matalik na kaibigan ni Ryan. Siya ay masayahing tao at
palaging kasama ni Ryan at siya rin ay may lihim na pagtingin dito. Hindi rin niya masabi ang
pagmamahal nito sa kaibigan sapagkat takot rin siyang malaman na hindi naman siya gusto
nito.
Rebecca
Isang marketing student sa PUP. Siya ay mahinhin at hindi gaanong nakikipag-usap sa
iba. Isa rin siyang manunulat ng mga kwentong pag-ibig na may malungkot na katapusan. Binabase niya ang mga kwentong ito sa nangyari sakanila ng kanyang ex-boyfriend na si Nikko.

Nikko
Isang engineering student sa PUP. Siya ay isang normal estudyante lamang na
masayahin. Siya ay may girlfriend na si Faye ngunit natapos ang kanilang tatlong taong
relasyon dahil alam niya sa sarili niya na mahal niya pa rin ang kanyang ex-girlfriend na si
Rebecca.
Jackie
Isa ring marketing student sa PUP at matalik na kaibigan ni Rebecca. Siya ay isang
napaka-masayahing tao at kabaliktaran ng mga ugali ni Becca. Siya ay mahilig sa gwapo kaya
nagustuhan niya ang manager ni Rebecca na si Sir Matt. Siya rin ang nagsilbing tiga-payo ni
Becca sa tuwing may problema ito.

You might also like