Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pagmamahal sa Bayan

Sa panahon natin ngayon,mayroon pa


kayang mga taong may pagmamahal sa bayan?
Katulad ng ating mga bayani na sina
Dr.JoseRizal at Andres Bonifacio na nag-alay pa
ng kanilang sariling buhay dahil sa matinding
pagmamahal sa ating bayan?
Hindi lamang sila ang nagpamalas ng
pagmamahal sa ating bayan.Marami na rin ang
tao sa ngayon ang nagtataglay ng ganitong
katangian sa ibat ibang paraan.
Isa sa mga paraan na ito ay ang
ginagawang pagsasakripisyo at pag-aalay ng
buhay ng ating mga bayani.Kahit na mahirap
hindi sila sumuko sa pagtatanggol sa atin laban
sa mga dayuhan.Isa rin sa mga taong
hinahangaan ko dahil sa matinding
pagmamahal sa ating bayan ay si Ninoy

Aquino.Kahit na alam niyang buhay niya ang


kapalit ay hindi pa rin siya sumuko sa paglaban
sa pamahalaan upang magkaroon tayo ng
kalayaan. At para sa akin, nagtataglay rin ng
pagmamahal sa bayan ang mga namumuno sa
ating pamahalaan. Sila ang mga taong tapat at
tunay na naglilingkod sa ating bayan.At higit sa
lahat ang mga mamamayan na laging
ipinaglalaban ang karapatan ng bawat isa at
laging ipinagmamalaki ang ating bayan sa iba.
Kahit sinuman sa atin ay maaaring
magpamalas ng pagmamahal sa ting bayan.Lagi
lang nating ipagmamalaki sa iba kung gaano
kaganda ang ating bayan.Hindi importante kung
mayroon tayong malaking sakripisyo katulad ng
ating mga bayani.Ang importante lamang ay
mayroon tayong tapat at tunay na hangarin
para sa ating bayan.Tayo ay tumutulong para sa
ikauunlad ng ating bayan.

You might also like