Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Isinulit nina:

Melvin D. Alas-as
Martin Tiama
Lawrence Pana
Renz Madera
Warren de Mesa
Isinulit kay:
G. Gina R. Catalig
TALUMPATI
Isang makulay na pamamaraan ng isahang pagsasalita sa harap ng mga tao
upang magbigay ng mensahe sa mga ito. Sinasabing talumpati ang anumang uri
ng pagsasalita sa harap maraming tao, mapribado man o mapubliko.
Mga Katangiang dapat taglayin ng isang mananalumpati:
1. May interes sa kapaligiran
2. May angking kasanayan
3. May pulso sa publiko
4. May ganap na kaalaman sa paksa
5. Mapakiramdam at may pandamng palatawa
6. Kombersasyunal na pagsasalita
7. Mapamaraan
8. Mabikas ang tinig, malinis ang pananamit, at maginoo ang kilos.
9. May diretsong tingin, kontroladong boses, may makulay na tono, at may
makabuluhang kumpas.

10. May malinaw na bigkas ng salita.


Mga paksa ng talumpati:
1. Angkop sa personalidad na interes at takdang panahon ng mamanlumpati.
2. Angkop sa interes , gulang, gawain, karanasan ng tagapakinig
3. Angkop sa okasyon
Mga Uri ng talumpati
1. Impromptu o Biglaan. Itoy walang paghahandang isinagawa basta labulabong tatawagin ang mananalumpati at pagsasalitain ito.
2. Ekstemporanyo o Maluwag. Binibigyan ng kaunting pagkakataon ang
mananalumpati na mkapag-isip-isip sa paksang doon din lamang pinaalam.
3. Preparado o Handa. Ang paksa ay ipinaalam na bago pa man ganapin ang
pagtatalumpati.
4. Manuskripto o Binabasa. Uri ng talumpati kung saan ang tagapagsalita ay may
binabasang dokumento.
Mga bahagi na talumpati
1. Pambungad - dito nagaganp ang pagbati ng mananalumpati sa kanyang mga
Tagapakinig
2. Paglalahad - dito inilalatag ng mananalumpati ang paksang kanyang napili.
3. Paninindigan - Dito ipinapahayag ng mananalumpati ang kanyang panig sa
nasabing paksa
4. Pamimitawan - parte ng talumpati kung saan ipinapahayag ang konklusyon o
aksyong dapat gawin , ito na rin ang sumisimbolo sa pagtatapos ng talumpati.

PAKIKINIG
Ito ay proseso ng pagpaparinig ng tunog at salita ng nagsasalita ng mga
impormasyon sa pamamagitan ng isang tsanel.
Layunin ng pakikinig:
1. Upang tumanggap ng mensahe
2. Upang makapagukol ng imposmasyon
Kahalagahan ng pakikinig:
1. Batis ng kaalaman ang pakikinig
2. Ang taong masigasig na nakikinig ay hindi lang nagkakaroon ng kaalaman
kundi tumitindi ang kakayahang makaunawa.
Mga Hadlang sa pakikinig
1. Lugar at Kapaligiran
2. Oras at panahon
3. Mga kagamitan at tsanel
4. Distansya
5. Kasarian
6. Edad
7. Timbre ng boses

8. Dami ng bilang
9. Kultura
Dapat tandaan sa pakikinig
1. Alamin ang layunin sa pakikinig
2. Iwasan ang magpaunang hatol at magkaroon ng obhekutibong pananaw sa
tao at paksang pakikinggan.
3. Huwag umasa ng labis sa pinakikinggan
4. Ituon ang buong atensyon sa nagsasalita.
5. Magdala ng mga kinakailangang kagamitanpara sa pagtatala
6. Sikaping maisabalangkas o kayay maisabuod ang pinakikinggan.
Uri ng pakikinig ayon sa layunin
1. Kaswal - kadalasang ginagawa pampakondisyon at pampalipas oras.
2. Impormal - karaniwan itong uri ng pakikinig.
3. Kritikal - masinsin na uri ng pakikinig at pang-unawa.
Proseso ng pakikinig
Pagdinig>>>atensyon>>>Pang-unawa
PAGSASALITA
Ito ay masining na paraan ng paglikha ng tunog upang mkapaghatid ng
mensahe.
Layunin ng pagsasalita
1.Makapagbahagi ng saloobin,
2.Makapagbigay ng impormasyon.
Kahalagahan ng pagsasalita:
1. Nasasalamin dito ang pagkatao ng nagsasalita.
Katangian na dapat taglayin ng mananalumpati:
1. May sapat na kaalaman sa paksa
2. May malaking tiwala sa sarili
3. May tantyadong kilos at kumpas.
4. May kaaya-ayang tinig

You might also like