Professional Documents
Culture Documents
117th Philippine Independence Day Celebration Speech
117th Philippine Independence Day Celebration Speech
Mga kababayan:
Marahil sa panahon ng Facebook, Instagram at Twitter,
medyo nababaon sa limot ang naging papel ng Batangas at
Batangueno sa mga mahalagang yugto ng ating
kasaysayan.
Kung tatanungin natin ang mga kabataan ngayon kung sino
si Kapitan Jesus Villamor at Tenyente Jose Basa, marahil
dead-ma ang tugon nila.
Pero alam nyo ba kung titingalain mo ang langit ngayon,
dyan mismo sa himpapawid na yan, ay sinagupa nila
Villamor, Basa at apat na kasamahan nilang piloto ang
sangkaterbang eroplano ng mga Hapon, kung saan
pinabagsak nila ang anim sa isang salpukan?
Sa pagtatanggol man ng bansa o sa pagtataguyod ng
demokrasya, pumapel ang mga Batangueno.
Ito ang totoo: Halos bawat pamahalaan ng nakaraang
isangdaang taon ay pinayaman ng talino ng mga
Batangueno.
Mula sa Kataas-taasang Hukuman hanggang sa Mababang
Kapulungan; mapa -tanggapan man ng Pangulo o Senado;
militar, sari-saring kagawaran at sangay ng estado, tapat na
pinagsilbihan ng ating mga kalalawigan.
In every era of our history, Batanguenos left their mark.
Every important document of the Republic, like the 1935