Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang dalawang ayos ng pangungusap ay ang karaniwan o tuwid at di-karaniwan o

baligtad na ayos.

1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap.


Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang
Gawain.
Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.

Mga Halimbawa
Punung-puno ng iba’t ibang damdamin / ang musika.
Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM.
Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino.

Ang Punung-puno ng iba’t ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino


Music at isang patunay ay pawang mga panaguri. At sila ay matatagpuan bago ang mga
simuno ng pangungusap.

2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusap


Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang
dalawang bahaging ito ay pinag-uugnay ng panandang ay.

Sa mga sumusunod na halimbawa, mapapansin na ang mga simuno na ang nauuna kaysa
sa mga panaguri.

Mga Halimbawa
Ang musika / ay punung-puno ng damdamin.
Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music.
Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino.

You might also like