Movie Kritik - Tinimbang Ka Ngunit Kulang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TINIMBANG KA NGUNIT KULANG

Ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay isang klasikong pelikulang Pinoy na ipinalabas noong 1974
sa direksyon ni Lino Brocka. Ang tema nito ay melodrama at ang tagpuan ay sa Nueva Ecija noong
panahong ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Batas Militar. Ang pamagat ng pelikula ay base sa isang berso sa
bibliya: Daniel 5:27 na naglalamang,Tekel, ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang
kulang.." Umikot ang kwento ng pelikula sa isang mayamang probinsyano na si Junior at sa katangi-tangi
niyang pakikipagkaibigan sa isang lalaking may ketong at sa isang baliw na babae. Ipinapakita sa pelikula
ang daynamiko ng relasyon sa pagitan ng babae at lalaki, mayaman at mahirap, taong may normal na
kaisipan at may problema sa pag-iisip, at may karamdaman at walang karamdaman.
Nagsimula ang kwento sa isang mapanindig-balihong tagpuan kung saan nagsasagawa ang isang
albularyo ng aborsyon sa hindi kilalang babae. Sinundan ito ng tagpo na may isang babaeng baliw na si
Kuala na pagala-gala sa kanilang lugar. Sapagkat isang baliw, si Kuala ay madalas na kinukutya ng mga
tao at pinagtatabuyan. Nakararanas siya ng ibat ibang pananakit sa mga tao sa kanyang paligid, bata man
o matanda. Gayunman, kinupkop si Kuala ng isang lalaking ketongin na nagngangalang Berto. Inalagaan
ni Berto si Kuala hanggang sa mapamahal siya rito sa kabila ng walang kamalayan at pagiging baliw ni
Kuala. Isa sa mga mayayaman at makapangyarihan sa kanilang lugar ay si Cesar. Siya ay patuloy na
nagtataksil sa kanyang asawa kahit batid ito ng kanyang anak at ilan sa kanyang mga kaibigan.
Pinagbawalan ni Cesar si Junior na makipagkaibigan sa mga taong kakaiba o hindi nila kauri. Bagamat
pinagbawal ng kanyang ama, nakipagkaibigan pa rin si Junior kina Berto at Kuala. Nangamba ang mga
miyembro ng Asociacion de las Damas Cristiana nang mabatid na si Kuala ay nagdadalang-tao at si Berto
ang ama. Napagpasyahan ng mga miyembro na kunin si Kuala at ibigay sa kustodiya ni Lola Jacoba.
Naging daan si Junior para sa pagpapalitan ng mensahe nina Kuala at Berto. Habang nagbubuntis,
nagbalik-gunita si Kuala at napag-alamang siya ay kerida ni Cesar. Muling nagbalik sa kanyang alaala na
pinilit siya ni Cesar na ipalaglag ang bata at nagtagumpay naman ito sa plano at ito ang naging dahilan
upang mawala sa sarili at katinuan.
Ang sinematograpi ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay lubos na kahanga-hanga na naging daan
upang mas maging makabag-damdamin ang pelikula. Maging ang lightings na ginamit ay wasto sa ibat
ibang tagpuan. Gaya ng ibang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Lino Brocka, ito ay sumasalamin sa
realidad kung saan ipinakita ang pamumuhay sa probinsya at paano harapin ng mga tao ang ibat ibang
suliranin. Idagdag pa ang mapanindig-balahibo na ginamit na musika, ito ang nagpapapukaw ng
damdamin ng karamihan sapagkat ito ay akma sa mga hinihinging sitwasyon at pagkakataon sa pelikula.
Ang pelikulang ito ay kakaiba sa mga karaniwang kwento na ating mapapanood sapagkat hindi naging
maganda ang kinahinatnan ng wakas. Bagamat may mga pagkakataong sumobra ang ironiya ng pelikula
sa pang-araw-araw na buhay ng karaniwang Pilipino, hindi ito naging daan para ituring na masama o
hindi katanggap-tanggap ang mga sitwasyon. Bagkus ito ang nagpaangat sa teknikaliti at realidad ng
pelikula. Ang iskrip ng pelikula ay hindi naging katanggap-tanggap sapagkat ang sinambit ng ilang
karakter ay naglalaman ng mga hindi kaaya-ayang salita. Gayunman, isa pa sa nagpaangat sa pelikula ay
ang mga gumanap na aktor at aktres sapagkat sila ay angkop sa kanilang mga karakter. Ito ay
pinagbibidahan ng mga batikang aktor na sina Lolita Rodriguez bilang Kuala, Eddie Garcia bilang Cesar,
Christopher de Leon bilang Junior at Mario OHara bilang Bertong Ketong. Ang pamagat ng pelikula ay
angkop sapagkat ito ay nangangahulugan na sinusukat o tinitingnan ng karamihan ang kakayanan ng
isang tao ngunit hindi nila ito maabot o marating.
Ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay isang epektibong pelikula upang maunawaan ng bawat isa
sa atin ang mga nangyayari sa ating paligid at magpamulat na may mga taong kailangan ng ating tulong.
Maituturing na ito ang sumasalamin labis na pagmamahal sa kapwa gayundin naman ang pagtataksil,
panginigibabaw ng mayayaman at may kapangyarihan, pagbabalatkayo ng mga tao, tapang at pagtanggap.

Ang pelikulang ito ay nararapat panoorin ng karamihan sapagkat ito ay tiyak na kapupulutan ng aral.
Bilang kabuuan, ang marka sa pelikulang ito ay 8/10.

You might also like