Street Food

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

I.

Tusok Dito, Sundot Doon

A. PANUKALANG PAHAYAG
- Ang ibat-ibang bilihan ng pagkain sa mga kalye P.Noval, Lacson, Espana at Dapitan ay ang mas pinipiling
puntahan at kainan ng mga estudyante ng UST kaysa sa mga fast food restaurants sa multi-deck carpark sa
loob ng UST.

B. PAKSA at SULIRANIN
- PAGTUKOY NG PAKSA: Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga street foods na nabibili sa paligid lang ng
UST tulad ng mga nasa kalye Dapitan, P.Noval, Lacson, at Espana.

- PAGLALAHAD NG SULIRANIN : Sa kasalukuyan, mas nakikita ng mga mananaliksik na mas tinatangkilik ng


mga estudyante ng UST ang mga pagkaing ibinibenta sa labas ng UST dahil sa samut-saring rason na sinasabi
ng mga estudyante tulad ng mas nakikinabang sila sa mga street foods na ito. Isa pa sa mga suliranin ay ang
pagkakaalam ng mga mapakikinabangan at di mapakikinabangan sa pagbili at pagkain ng mga streetfoods sa
mga kalye Dapitan, Espana, P.Noval, at Lacson labas ng unibersidad kaysa sa mga pagkain sa mga fast food
restaurants sa multi-deck carpark sa loob ng UST .

- KALIGIRAN NG PAKSA/SULIRANIN : Isang magandang halimbawa ang pagtukoy sa mga lugar tulad ng mga
kalye Dapitan, Lacson, P. Noval at Espana na kinakainan ng mga mag-aaral ng UST. Kasama na rin ang multideck carpark sa loob ng UST kung saan mayroong 20 na fast food restaurants at 21 na commercial places na
nagbebenta ng pagkain at iba pang mga novelty items at school supplies. Ang nasabing multi-deck carpark sa
loob ng UST ay hindi naman nawawalan ng mga tumatangkilik na mga estudyante dahil ang ibang estudyante
ay mas gusto ang mga alam nilang malinis na pagkain katulad nga ng mga ibinebenta sa multi-deck carpark sa
loob ng UST. Ngunit sa kasalukuyan, mas nakikita ng mga mananaliksik na mas madami pa rin ang mga
pumupunta sa mga kalye tulad ng kalye Dapitan, P.Noval, Lacson, at Espana para bumili ng pagkain. Ayon sa
mga nananaliksik at sa kanilang obserbasyon, mas gusto ng mga estudyante ang mga pagkaing lutong-bahay
na ibinebenta sa labas ng UST kaysa sa mga pagkaing iba ang luto na sa mga fast food restaurants lamang
ibinebenta.

- PERSONAL O PANLIPUNANG UDYOK SA PAGPILI NG PAKSA:

Ang mga mananaliksik ay kasalukuyang estudyante ng UST na mas gusto ang mga pagkain na nasa labas ng
UST tulad ng mga nasa kalye Dapitan, Espana, Lacson, at P.Noval kaysa sa mga pagkain at kainan sa loob ng
unibersidad katulad ng mga nasa multi-deck carpark. Hangad nito na ipaalam sa ibang mag-aaral kung ano
ang ibat-ibang rason kung bakit nga ba mas tinatangkilik o dapat tangkilikin ang mga pagkaing ibinebenta sa

mga kalye na nasa paligid ng UST kaysa sa mga pagkain na ibinebenta sa loob ng unibersidad tulad ng nasa
multi-level carpark, kung saan siguradong alam ng mga namamahala at estudyante ng UST na malinis ang
ibinibentang pagkain. Hangad din ng pananaliksik na ito na hanapin ang epekto ng pagtangkilik ng mga
estudyante ng UST sa mga pagkaing nasa loob at labas ng unibersidad.

C.REBYU/PAG-AARAL

-Sa pananaliksik na ito, iilang mga rebyu ang nakalap ng mga mananaliksik mula sa internet. Ang mga rebyu
na kanilang nakalap ay mula sa mga blog ng ibat-ibang Pilipino at dayuhan na nagsulat ng tungkol sa
kanilang karanasan sa pagkain ng mga street foods.

Isa rito ang blog ni Excel V. Dyquiangco, isang manunulat sa website ng tsibog.com. Binanggit niya rito ang
ibat-ibang klase ng street foods na mahahanap sa mga sulok at kanto ng mga eskinita sa Maynila. Binanggit
niya rin ang 2 sa kilalang street food sa Pilipinas ngayon, ang Isaw at Fishballs.

Isa naman ay ang blog ni Oliver Castro tungkol sa street foods na kaniyang kinalakihan at kinahiligan. Sinama
niya rin dito ang tungkol sa Lime 88, isang restaurant sa Mandaluyong na ang ibinebenta ay mga streetfoods
na iba ang pagkakaluto.

Isa pa ay ang blog ni Jeff Rey tungkol naman sa kung paano umuunlad ang mga nilalakong mga street food sa
Pilipinas. Binanggit niya rin dito kung ano ang basihan ng pag-unlad at patuloy na pag-usbong ng mga
naglalako ng street foods.

Ang isa sa mga nakuha ng mga mananaliksik ay ang libro na Street Foods: Urban Food and Employment in
Developing Countries ni Irene Tinker. Isinulat ni Irene Tinker, isang dayuhan, ang tungkol sa pag-usbong ng
streetfoods sa Pilipinas. Kasama rin ang mga patakaran ng gobyerno ukol sa pagbebenta ng mga street foods
sa mga siyudad tulad ng Makati, Maynila, at Quezon. Kasama na rin ang mga street foods na kilala at madalas
bilihin ng mga Pilipino ngayon. Isinulat rin niya ang tungkol sa mga street foods at kung paano ito ginagawa
at niluluto. Kasama rin sa kanyang libro ang tungkol sa kalinisan at kaligtasan ng mga street foods na
ibinibenta ngayon.

Ang isa pa ay ang artikulo ni Mico P. Cortez tungkol sa popular na street food na isaw. Kasama sa kaniyang
artikulo ang mga sinabi ni Prof. Ma. Patricia V. Avanza, Ph.D ng Food Science and Nutrition Department ng UP
College of Home Economics sa Diliman, Quezon City ang tungkol sa totoong laman at labas ng isaw na
kinagigiliwan hindi lamang ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas, pati na rin ang mga estudyante ng
ibang unibersidad katulad ng UST. Kasama rin sa artikulo ni Mico P. Cortez ang tungkol sa nagbebenta ng isaw

na lumago at naging maayos ang kabuhayan dahil sa isaw.

Kasama rin sa rebyu ng mga mananaliksik ang mga sarbey na kanilang pinasagutan sa 40 estudyante ng UST
ng pangalawang semestre taong 2008-2009. Kasama sa sarbey ang mga sagot ng estudyante ukol sa mga
streetfood na kanilang madalas bilihin at kung bakit nila gusto ang mga streetfood kaysa sa mga fastfood at
ang kabaligtaran nito.

D. LAYUNIN

a. PANGKALAHATAN : Layunin ng pananaliksik na makakalap ng sagot tungkol sa kung bakit ang mga
estudyante ng UST ay mas tumatangkilik sa mga street foods sa mga kalye sa paligid ng UST tulad ng mga
kalye Dapitan, Espana, P.Noval at Lacson kaysa sa mga fast food restaurants na nasa multi-deck carpark ng
UST.
b. TIYAK : Layunin din ng pananaliksik na makakalap ng impormasyon tungkol sa mga mapakikinabangan at di
mapakikinabangan ng mga estudyante sa pagbili ng mga street foods sa mga kalye sa labas ng UST. Layunin
din ng pananaliksik na suriin ang mga ibat-ibang street foods na patok sa mga estudyante ng UST. Kasama na
rito ang layunin ng pananaliksik na malaman ang kaligtasan at kalinisan ng mga kilalang streetfoods na
ibinebenta ngayon. Isa pang layunin ng pananaliksik ay ang malaman ang kaibahan ng presyo ng mga
streetfoods mula sa mga binebentang pagkain sa mga fast food restaurants sa multi-deck carpark sa loob ng
UST.

E. HALAGA

Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil sa ito ay makapagbibigay impormasyon sa panunuya na kung bakit ang
mga estudyante ng UST ay mas tumatangkilik sa mga pagkaing ibinebenta sa mga kalye Dapitan, Lacson,
P.Noval, at Espana sa paligid ng UST kaysa sa mga pagkaing ibinebenta sa multi-deck carpark sa loob ng UST.
Isa pa ay para mabigyan ng impormasyon ang mga namamahala sa UST na ang mga estudyante ng UST ay mas
nakagigiliwan ang mga street foods sa mga kalye paligid ng unibersidad kaysa sa mga piling fast food
restaurants sa multi-deck carpark sa loob nito. At dahil dito ay para magsuri sila kung tama at malinis nga ba
ang mga ibinebenta na street foods dito at kung ito ay maaaring may epekto sa kalusugan ng mga estudyante
ng unibersidad. Ang pananaliksik na ito ay maaari rin magbigay ideya sa mga taong gustong magnegosyo na
may maliit na puhunan lamang, ukol sa kung ano ang magiging patok sa mga mamimili at kung saan sila
maaring magtayo ng maliit na bilihan ng street foods na tinutukoy sa pananaliksik.

F. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang balangkas ng pananaliksik ay magsisimula sa kasaysayan ng pagkain na inilalako hanggang sa mahati ito
sa dalawang uri, ang mga street foods at fast foods. Ang pananaliksik ay bubuuin ng parehong masama at
mabuting epekto ng mga street foods at fast foods sa mga tao. Ang mga epektong masamat mabuti ay iikot
sa Pilipinas, sa tao nito, lalong-lalo na ang mga estudyante ng UST, at ang huli ay ang gobyerno. Ang mga
epektong mabutit masama ng parehong street foods at fast foods ay maisasangguni mula sa mga katunugan
ng mga estudyante tungkol sa epekto nito sa kanilang badyet, kalusugan at uri ng pamumuhay bilang mga
Pilipino.

G. METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay magsisimula sa pagbibigay ng mga sarbey sa 40 na estudyante mula UST ng
pangalawang semestre taong 2008-2009. Ang sarbey ay bubuuin ng tanong na kung ano ang mas matimbang
sa kanila, ang street foods sa mga kalye Dapitan, Lacson, Espana, at P.Noval sa labas ng UST o ang mga fast
food restaurants sa multi-deck carpark sa loob ng UST. Sunod ay ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa
mga street foods na ibinebenta sa labas ng UST. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng internet, ng library, at
mga interbyu para sa mga impormasyon at datos ukol sa mga streetfoods. Ang impormasyon tungkol sa mga
ito ay bubuuin ng presyo at iba pang impormasyon tungkol sa mga nabibiling street foods sa mga kalye
Dapitan, Espana, Lacson, at P.Noval at impormasyon tulad ng kung paano buuin at lutuin ang mga nasabing

street foods, ang kalamangan ng pagiging malay sa mga street foods, presyo ng mga ito, at ang kaalaman at
kilos ng gobyerno natin ukol sa mga ito. Ang mga nakalap na datos at impormasyon mula sa mga sarbey at
interbyu sa mga nagbebenta ay susuriin at gagawa ng konklusyon kung ano nga ba ang mas kinikilingan at
bakit kinikilingan ng mga estudyante ng UST, ang street foods sa mga kalye tulad ng Dapitan, Lacson,
P.Noval, at Espana ng unibersidad o ang mga fast food restaurants sa multi-deck carpark sa loob ng UST.

Ito ang magiging sarbey na ipamimigay sa mga estudyante ng UST ng 2nd semestre taong 2008-2009

Kami po ay sina Bjorn Cruz at Joseph Javellana ng 1LAM ng UST College of Commerce and Business
Administration. Kami po ay gumagawa ng pananaliksik ukol sa street foods sa labas ng UST. Ang inyong
pagsagot sa aming sarbey ay magiging malaking tulong sa aming pananaliksik. Maraming salamat po!

(Lagyan ng tsek ang piniling sagot)

1. Kumakain ka ba ng street foods?


(Kung OO, sagutan hanggang #4, kung HINDI sagutan ang bilang 5 lamang)

( ) OO naman ( ) HINDO noh

2. Bakit ka kumakain ng street foods?

( ) Presyo ( ) Lasa ( ) Sulit ( ) Iba pa ______

3. Ano ang mga street foods na madalas mong bilihin (Maaaring madami ang sagot)?

( ) Isaw ( ) Kwek-Kwek ( ) Siomai ( ) Fishball ( ) Iba pa ______

4. Mas gugustuhin mo ba na kumain ng street food kaysa sa fast food?


( ) YES! ( ) No

5. Bakit ka kumakain ng street food?

( ) Presyo ( ) Lasa ( ) Sulit ( ) Iba pa ______

H. LIMITASYON / DELIMITASYON
Ang pagtutuunan ng pansin sa pananaliksik ay ang mga street foods na binebenta sa mga kalye sa paligid ng
UST tulad ng mga nasa kalye Dapitan, P.Noval, Lacson, at Espana. Maaaring mabanggit ang ibang klase ng
street foods ngunit ang pagbabalingan lamang ng pansin ng pananaliksik na ito ay ang mga partikular na
streetfoods na matatagpuan sa mga nabanggit na kalye sa paligid ng UST. Ang magiging saklaw ng
pananaliksik tungkol sa street foods na partikular na ibinebenta sa mga kalye Dapitan, Espana, Lacson, at
P.Noval at ang epekto nito sa kalusugan ng tao, ang mga gawain ng gobyerno para at laban dito, at kung
bakit ito ang pinipiling kainin ng mga estudyante ng UST ng pangalawang semestre ng taong 2008-2009 kaysa
sa mga pagkain sa mga fast food restaurants sa mulit-deck carpark sa loob ng UST.

Bibigyan pansin din ng pananaliksik na ito ang mga fast food restaurants sa multi-deck carpark sa loob ng
UST. Ang kalamangan at kakulangan ng fast food restaurants sa mga streetfoods na binebenta sa paligid ng
UST. Maaaring masabi ang mga kilalang fast food restaurants ngunit ang mga ito ay ang mga nasa loob lamang
ng UST. Mababanggit na rin sa pananaliksik na ito kung bakit ang ibang estudyante ng UST ay mga fast food
restaurants lang ang tinatangkilik. Masasama na rin dito ang epekto ng mga pagkain ng fast food restaurants
sa kalusugan at sa pagbabadyet ng estudyante ng UST.

I. DALOY NG PAG-AARAL

1. Ang unang kabanata ay iikot sa paksa at suliranin ng pananaliksik, kung bakit ang street foods sa kalye
Dapitan, Lacson, P.Noval, at Espana ang mas patok at binibili ng mga estudyante ng UST kaysa sa mga
pagkain sa mga fast food restaurants sa multi-deck carpark sa loob ng UST. Kasama na rin dito ang mga rebyu
at pag-aaral ng ibang tao ukol sa paksa ng aming pananaliksik.
2. Ang ikalawang kabanata ng pananaliksik ay bubuuin ng kasaysayan ng mga street foods mula sa ibatibang parte ng mundo hanggang sa ating bansa.
3. Ang ikatlong kabanata ng pananaliksik ay bubuuin ng ibat-ibang klase ng street foods na ibinebenta sa
Pilipinas.
4. Ang ikaapat na kabanata ng pananaliksik ay bubuuin ng pinagkaiba ng mga street foods sa mga kalye
Dapitan, Espana, Lacson, at P.Nocal at ng mga pagkain na binebenta sa fast food restaurants sa multi-deck
carpark sa loob ng UST.
5. Ang ikalimang kabanata ng pananaliksik ay bubuuin ng mga rason kung bakit mas kinahihiligang bilihin ng
mga kabataan ang street foods kaysa sa mga pagkain sa fast food restaurants.
6. Ang ikaanim na kabanata ng pananaliksik bubuuin ng kalamangan at pagkalugi sa pagkain ng mga street
foods at ng mga pagkain sa mga fast food restaurants.
7. Ang ikapitong kabanata ng pananaliksik ay bubuuin ng reaksiyon at kilos ng gobyerno para at laban sa mga
street foods.

8. Ang ikawalong kabanata ng pananaliksik ay bubuuin ng konklusyon ng pananaliksik.


9. Ang ikasiyam na kabanata ng pananaliksik ay bubuuin ng mga rekomendasyon tungkol sa panukalang
pahayag ng pananaliksik.
10. Ang huling kabanata ng pananaliksik ay bubuuin ng mga sanggunian at pinagkuhanan ng mga datos at
impormasyon ukol sa pananaliksik.

II. Sawsaw dito, Hipan doon

Ang napiling paksa para sa pananaliksik ay ang mga street foods na ibinebenta sa paligid ng UST. Kasama sa
pananaliksik na ito ang mga tipo ng street foods na patok sa mga estudyante ng UST, kung saang kalye sa
paligid ng UST ibinebenta ang mga ito, at kung alin ang pinakapatok sa mga street foods na ito. Ang
kahalagahan ng pananaliksik na ito ay para makapagbigay ng impormasyon ukol sa mga kinahihiligan na
street foods ng mga estudyante ng UST at kung bakit ito ang mas pinipili ng mga estudyante kaysa sa mga
fast food restaurants sa loob ng unibersidad. Kasama na rin ang pag-alam ng kasaysayan, epekto sa
kalusugan, kalamangan at kakulangan sa pagkain at pagbili ng mga streetfoods. Isasama rin kung ano ang
mga komento at reaksiyon ng gobyerno ukol sa mga streetfoods.

Ano nga ba ang street food? Ayon sa obserbasyon at karanasan ng mga mananaliksik, ito ay mga pagkaing
madaling lutuin at kainin dahil ito ay madalas na ipiniprito o iniihaw lang at maaaring kainin ng nakatayo o
nakaupo. Ito rin ang mga pagkaing ibinebenta sa bawat sulok at kanto ng mga eskinita at kalye sa ating
bansa.

Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, ang street foods ay nagsimula sa Greece dahil sa ito ang
naging isa sa mga madaling uri ng paghahanap-buhay sa kanila. Nang umusbong ang merkantilismo, ang mga
mangangalakal ng Greece ay kumalat mula sa bayan nila hanggang sa mga bansa ng Europa at sa ilang bahagi
ng Asya. Walang tiyak na batayan kung saan talaga nanggaling ang mga street foods na natutuhan nating
kalakihan. Ayon sa kasaysayan at ilang mga blog, ito raw ay nagsimula sa pangangalakal ng mga Tsino, Hapon,
at Arabo sa ating bansa. Dahil sa ang mga sinaunang Pilipino ay sanay sa pagkain at pagluto ng kung ano ang
mahuli nila tulad ng mga hayop at laman-dagat, sila ay naging masugid at sinubukan ang pagluluto ng
kanilang mga nahuli na may mga panimpla at panlasa mula sa mga dayuhang mangangalakal.

May 2 klase ng street food na kinalakihan na nating mga Pilipino. Ang unang klase ay ang mga street foods na
hindi exotic. Ito yung mga burger, hotdog, kakanin at kung ano pang mga pagkain na maaring makita sa mga
fast food restaurants. Ang isang klase ng street foods ay ang mga exotic at madalas na makikitang inilalako
pag sasapit na ang dapit-hapon. Ang halimbawa ng mga exotic na street foods ay ang isaw, kwek-kwek,
balut, adobong mani, fishball, squidball, kikiam, siomai at marami pang iba.

Ang ilang mga fast food restaurants naman katulad ng Jollibee ay nagsimula rin sa pagbebenta ng streetfoods
at lumago na lamang. Ang tanging pinagkaiba ng mga streetfoods na naging fastfood ay ang kanilang pagiging
malinis at pinagmulan. Tulad ng mga burger at hotdog sandwiches, ito ay mga street foods na ipinakilala sa
atin ng mga mangangalakal mula ibang bansa at sinubukang ilako ng ilang Pilipino hanggang sa naging sentro
ng mga nangungunang fast food restaurants ang mga ito.

Magsimula tayo sa kung ano nga ba ang mga kilala at patok na street foods sa ating bansa. Unahin natin ang
pinakapatok na isaw. Ayon sa blog ni Excel V. Dyquiangco, ang isaw raw ay ginagawa sa papamgitan ng
paglilinis muna ng mga nakuhang bituka ng baboy at manok, nilalagyan ng pampalasa tulad ng BBQ sauce o
kayay ketchup, at tinutuhog sa mga BBQ sticks. Ang proseso ng pagluluto ng isaw ay ang pag-iihaw.
nilalagyan ng kaunting mantika ang mga ito habang iniihaw para mas maluto ang loob nito. Madaming uri ng
sawsawan ang isinasabay sa isaw at ang pinakapatok ay ang suka na may kasamang sibuyas at sili. Ngunit
ayon naman sa artikulo na ginawa ni Prof. Ma. Patricia V. Avanza, Ph.D ng Food Science and Nutrition
Department ng UP College of Home Economics sa Diliman, Quezon City, ang pagluluto at paglilinis daw ng
mga bituka ng manok at baboy na ginagawang isaw ay di sigurado. Sa simpleng paghuhugas lang ng mga ito,
hindi natatanggal ang mga naiwang mikrobyo mula sa mga ito. Ang mapait na lasa na minsan na natitikman
sa pagkain ng isaw ay maaaring mga dumi na hindi nalinis sa isaw. Ngunit sa murang halaga ng mula 2-5 piso
bawat stick, sino pa nga bang estudyante ang makaiisip na maaring dumi na naiwan ang kanilang nakakain?

Ang isa naman sa mga popular at kilalang-kilala sa bawat sulok at kanto ng mga esikinitat kalye ng mga
siyudad sa Pilipinas ay ang fishball. Madalas na kasama sa paglalako nito ang squidball at kikiam. Ang fishball
ay binubuo ng karne ng isda na minasa at ginawang korteng barya. Ang pagluto nito ay paprito at
nagkakahalaga lamang ng 50 sentimos kada piraso. At sa dami ng klase ng mga pwedeng sawsawan nito, ang
estudyante ay talagang aasa sa pantawid gutom na ito. Ngunit sa pagkain ng fishball lalo na sa mga nilalako
maaaring makakuha ng sakit ang estudyante. Dahil sa sawsawan, naipapasa ang mga sakit mula sa mga
gumamit na nito.

Ang sunod na popular na street food lalong-lalo na sa kalye Dapitan sa likod ng UST ay ang siomai at kwekkwek. Ang siomai ay ginagawa sa pamamagitan ng pag steam ng minasa na karne ng baboy o baka na
nakabalot sa spring roll. Ang pagkain nito ay sinasabayan ng pritong bawang na may kasamang sili,
binubudburan ng katas ng kalamansi at toyo. Ang kwek-kwek naman ay ang pagbabalot ng binalatan na itlog
ng pugo sa harina at food coloring na madalas ay kulay kahel at ipiniprito. Ang pagkain nito ay madalas na
sinasabayan ng suka bilang sawsawan. Itong 2 street food na ito ang patok sa mga kalye sa paligid ng UST.
Nagkakahalaga ang mga ito ng mula 2.50 - 3 piso kada piraso.

Ang isa pa sa mga paboritong street food ng pamilyang Pilipino ay ang balut. Ito ay ang 1 araw na gulang ng

itlog ng pato. Inilalaga ito at sinasabayan ng pagbudbod ng asin at pagbabad sa suka sa pagkain nito.

Ngunit ang pagkain ba ng mga street food na ito ay mabuti para sa kalusugan? Maaaring mabuti ito para sa
mga estudyanteng nagtitipid at nagbabadyet ng kanilang pera ngunit may mga epekto rin ang araw-araw na
pagkain nito sa ating kalusugan. Tulad nga ng nabanggit ni Prof. Ma. Patricia V. Avanza, Ph.D, ang mga
pagkaing katulad ng isaw ay di tuwirang nalilinis at may mga pagkakataong ang maaaring makain ng
mamimili ay ang mga naiwan at natirang dumi ng bituka ng manok o ng baboy. Ang isa pa ay maaaring
magkapasa-pasahan ng sakit sa papamagitan ng sawsawan ng mga street foods na ito. Halimbawa, kung ang
isang taong may Hepatitis o ano mang sakit na nakahahawa, at siya ay kumain ng fishball o isaw at isinawsaw
ang mga ito sa iisang lalagyanan ng sawsawan, maaaring maipasa niya ang kaniyang sakit sa mga susunod na
gagamit ng sawsawan ng fishball at ng isaw. Ang isa naman ay ang pagkakaluto. Ayon din kay Prof. Ma.
Patricia V. Avanza, Ph.D, ang pagkakaluto ng mga streetfoods tulad ng isaw ay di sapat upang mapatay ang
mga naiwang mikrobyo sa nasabing streetfood. Ang pagii-steam ng siomai ay maaaring di sapat din para
maluto ang karne na nasa siomai. At dahil madalas na ang naglalako ng mga street foods ay nagtitipid sa
mantika na ginagamit, maaaring ilang linggo na niyang ginagamit ang iisang mantika sa pagluto ng kaniyang
binebenta na mga street foods. Ang tubig na ginagamit niya sa paglinis at paghugas ng kaniyang mga
ibinebenta na mga street foods ay maari rin na hindi malinis at maaaring may dalang mikrobyo na nag-uuwi
sa sakit sa tiyan at pagdudumi ng mamimili. Maaari rin na ang ibinebenta na street food ay matagal ng
nakatambak at matagal bago pa mailuto at maaaring itoy hampok na bago ibenta sa mga mamimili katulad
ng mga estudyante ng UST. Ngunit dahil sa malaking pagkakaiba ng mga ito sa mga pagkain na ibinebenta sa
mga fast food restaurants, ito ang mas kinagigiliwang bilhin ng mga estudyante.

Ang mga ibinebentang pagkain naman sa mga fast food restaurants ay siguradong nasubukan na ng
Department of Health at may pahintulot sila mula sa gobyerno na magbenta ng kanilang produkto. Ang
pinagkaiba nga lang ng mga pagkaing ito ay itoy siguradong malinis ngunit maaaring di sang-ayon sa panlasa
ng mamimili. Isa pang pinagkaiba nito mula sa mga street foods ay ang presyo nito. Malaki ang agwat ng
presyo ng mga pagkaing ibinebenta sa fast food restaurants kaysa sa mga patok na streetfoods na ibinebenta
sa mga kalye sa paligid ng UST.

Ano naman ang reaksiyon at ginagawang kilos ng gobyerno para at laban sa mga streetfoods na ito? Sa ilang
siyudad sa ating bansa, bawal ang paglalako at pagtitinda ng mga street foods sa tabi ng kalye dahil maaring
ito ay maging sanhi ng trapiko at kadumihan sa kalye. May ilan na naglalako katulad ng adobong mani, balut
at penoy na pinapayagan ng ilang awtoridad dahil sa sila rin ay nakikinabang sa mga ito. Sa mga eskinita ng
UST kung saan madaming nagbebenta ng mga street foods, maari silang magbenta rito kung sila ay di
nakaharang sa kalye at di nakaiistorbo sa trapiko. Isa pa ay dapat hindi sila nagbebenta sa sidewalk o daanan
ng tao sa tabi ng kalsada. Kung gugustuhin nila na magkaroon ng sariling tindahan para sa kanilang mga
inilalako na street foods, maaari silang magkaroon ng kanilang sariling tindahan kung ang paglalagyan na
lupa nito ay pag-aari talaga nila. At kailangan kumuha pa sila ng pahintulot mula sa gobyerno para sa
kanilang tindahan.

May ilang mga negosyanteng ang sentro ng kanilang negosyo ay ang mga streetfood. Katulad na lang ng Lime
88 mula sa blog ni Oliver Castro, na ang binebenta ng nasabing restaurant ay mga pangkaraniwan na street
foods na matatagpuan sa kalye. Ang piangkaiba nga lamang ay ang pagkakaluto at kalinisan ng mga ito mula
sa ordinaryong streetfood na inilalako at itinitinda sa kalye

Ayon sa mga nakalap na impormasyon at datos sa pamamagitan ng sarbey at interbyu ng mga mananaliksik,
napag-alaman nila na malaki ang agwat ng mga estudyanteng may gusto ng mga street foods kaysa sa mga
estudyanteng mas pipiliin ang mga pagkain sa fast food restaurants. Sa kanilang nakalap na impormasyon
mula sa kanilang mga sarbey, mas madami ngang estudyante ng UST ang mas may gusto ng mga street foods
kaysa sa mga fast food restaurants sa loob ng unibersidad. Isa sa maraming rason ng mga estudyanteng
sumagot ng sarbey ay dahil sa una, sulit at magaan sa bulsa ang mga nabibiling street foods.Pangalawa, mura
na nga, sulit pa sa panlasa ang mga ito. Pangatlo ay dahil sa minsan, mas masarap pa ang mga street foods
na nabibili kaysa sa mga fast food na may pagkamahal ang presyo. Mayroon din namang mga tumutol at
nagsabing mas gugustuhin nila ang mga pagkain na binebenta sa mga fast food restaurants tulad ng mga nasa
loob ng uniberidad. Isa sa mga rason nila ay ang kalinisan ng mga pagkaing ibinebenta sa labas ng unibersidad
ay di sigurado. Na maaaring may makuha silang sakit tulad ng Hepatitis, mga impeksyon sa loob at labas ng
katawan, at kung anu-ano pang sakit na nakahahawa. Ang ibang sagot naman ay dahil sa hindi sila sanay na
kumakain ng mga street foods dahil di nila ito nakalakihan. Isa pa ay dahil sa takot sila sa mga street foods

at ang ilan naman ay dahil sa ayaw ng kanilang mga magulang na kumakain sila ng street foods. May mga
sumagot din naman na kumakain sila ng street foods pero pinipili nila ang mga street foods na kanilang
kakainin. Tungkol naman sa mga sakit na maaaring makuha sa pagkain ng mga street foods, laganap ito sa
mga maduduming lugar na kadalasan ay nasa gitna ng squatters area. At ayon naman sa mga taga-benta ng
mga street foods sa labas ng UST, di naman daw sila tatagal ng pagbebenta roon kung may nabiktima na ng
sakit na malala galing sa kanilang mga ibinebentang pagkain. Isa na ring rason ay ang balita mula UST
hospital na paglaganap ng E.coli virus noong nakaraang taon sa kalye Concepcion sa may kalye Dapitan at
nagbigay ng pahintulot ang UST hospital na wag kumain o uminom ng tubig sa mga nakapaligid na bilihan ng
pagkain sa kalyeng ito.. Pero lahat-lahat, mas nangingibabaw pa rin ang streetfoods kaysa sa mga pagkain sa
mga fast food restaurants.

Ayon naman sa mga nainterbyu ng mananaliksik, katulad ng isang nagbebenta ng street food sa kalye
Dapitan, kahit mahirap ang pagbenta ng siomai, isaw, at kwek-kwek, masaya naman silang ginagawa ang mga
ito dahil daw ang mga estudyante ng UST ay tinatrato sila bilang tao at kinakaibigan sila kaya hindi nila
magawa na makapagbenta ng luma o sira o pangit ang lasa sa mga estudyanteng bumibili sa kanila. At hindi
nila tinataasan ang presyo ng kanilang bentahin para mas lumapit sa kanila ang mga estudyante. Isa pa ay
binebenta nila ang mga street food na alam nila na patok at madaling kainin ng mga estudyante.Ayon din sa
ibang estudyante at mismong nagbebenta, kung ikukumpara daw ang mga pagkain na ibinebenta sa fast food
restaurants, laking mura ng mga street foods kaysa sa mga ito dahil sa isang value meal ng isang fast food
restaurant, 5 o higit pa nung street food ang maaaring mabili sa ibabayad para sa value meal na
iyon.Halimbawa, ang value meal na nagkakahalaga ng 60 pesos, makabibili na ang estudyante ng 5 order ng
tig-3 siomai sa may Dapitan sa presyong iyon. At ang magiging sukli ay pwede pang ipangbili ng kanin kaya
laking sulit na lang iyon para sa mga estudyanteng kulang o sakto lang ang badyet para sa pagkain. Ito na rin
marahil ang isa sa mga rason kung bakit mas gusto ng mga estudyante ng UST ang mga street food kaysa sa
mga pagkain sa mga fast food restaurants. Ito na rin marahil ang isa sa mga rason kung bakit sila patuloy na
nagbebenta sa paligid ng UST; dahil kinagigiliwan ng mga estudyante hindi lang ang kanilang benta pati na rin
ang nagbebenta.

III. Nguya rito, Lunok doon

Batay sa lahat ng datos at impormasyon na nakalap mula sa mga sarbey at naging mga interbyu ng mga
mananaliksik sa mga estudyante ng UST ng pangalawang semestre ng taong 2008-2009 at mga nagbebenta ng
street foods sa mga kalye Dapitan, Espana, P.Noval, at Espana, talaga ngang mas gusto ng mga estudyante
ang pagbili ng mga street foods kaysa sa mga pagkain na nabibili sa mga fast food restaurants sa multi-deck
carpark sa loob ng UST. Madaming rason ang naging batayan kung bakit mas madaming estudyante ang may
gusto ng street foods sa mga nasabing kalye. Una, ang street foods ay masarap at sulit lang sa badyet. Hindi

rin lugi ang estudyante sa pagbili ng mga street foods dahil mas gusto nila ito dahil sa presyo ng isang value
meal sa fast food restaurant ay makabibili na siya ng 5 order ng street food na gusto niya tulad ng kwekkwek, isaw, siomai, at marami pang iba. Isa pa ay dahil parang tambayan na ang bilihan ng mga street foods
na ito, isang rason ay dahil mabait at madaling lapitan ang mga nagbebenta nito. Kahit na maraming rason
kung bakit ang iba ay di kumakain ng mga street foods tulad ng mga sakit na nakukuha roon (Hepatitis,
E.coli virus internal, infections), mas gusto pa rin ng mga estudyante ang mga street foods dahil sa kanyakanyang rason.

KONKLUSYON

Sa kanilang naging pananaliksik, madami rin ang mga maaaring matutunan. Katulad ng mga patok na pagkain
sa labas ng UST katulad ng mga nasa kalye Dapitan, P.Noval, Lacson, at Espana na pwede pa makainan ng
mga estudyante at masasabing malinis batay sa paniniwala ng iba pang mga estudyante, ang ibat-ibang
klase ng street foods na matatagpuan sa bansa at kung paano lutuin ang mga ito, ang mga kalamangan ng
pagbili at pagkain ng street foods at ng mga pagkain na nasa fast food restaurants, at ang mga maaaring
kagipitan sa pagkain ng parehong street foods at mga pagkain na nasa fast food restaurants. Ang mga
mananaliksik ay sang-ayon sa aming naging panukalang pahayag na ang mga estudyante ng UST ay mas
tumatangkilik sa mga street foods na mga nasa kalye Dapitan, P.Noval, Espana, at Lacson kaysa sa mga
pagkain sa fast food restaurants at commercial places sa multi-deck carpark sa loob ng UST. Una, dahil ang
mga mananaliksik bilang mga estudyante ng UST, ay naniniwala at mapapatunayan nila na ang laking mura ng
mga street foods na ibinebenta sa mga nasabing kalye kaysa sa mga pagkaing ibinebenta sa mga fast food
restaurants at commercial places sa multi-deck carpark sa loob ng UST. Pangalawa, mas sulit sa badyet ng
mga estudyante ang pagbili ng mga street foods at ang huli, ang mga street foods na ito ay madadaling
kainin at madaling dalahin kahit saan. Hindi naman tumututol ang mga mananaliksik sa pagkain sa mga fast
food restaurants at commercial places sa multi-deck carpark sa loob ng UST dahil una sa lahat, alam naman
ng mga mananaliksik na siguradong malinis ang mga pagkaing ibinebenta sa kanila. Ngunit, kung ilalaan ng
mga mananaliksik sa kanilang badyet ang araw-araw na pagkain ng mga binebenta sa mga fast food
restaurants, magigipit sila sa kanilang badyet. Samantalang kung sa mga street foods nila ilalaan ang
kanilang pera, mas makamumura sila at masisiyahan pa sa kanilang mabibiling street food. Kaya ang mga
mananaliksik, bilang estudyante, ang boto nila talaga ay nasa pagkaing inilalako sa kalsada tulad ng mga
nasa kalye Dapitan, P.Noval, Espana, Lacson palibot ng UST.

REKOMENDASYON

Ang pananaliksik ay para talaga sa mga estudyante ng UST dahil ang kaligiran ng paksa ng mga mananaliksik
ay ang mga kalye tulad ng kalye Dapitan, P.Noval, Espana, at Lacson at ang mga fast food restaurants at

commercial places multi-deck carpark sa loob ng UST. Ngunit, dahil sa ang paksa ay may kinalaman sa mga
street foods at sa buhay-estudyante, maaaring magamit din ito ng ibang estudyante sa ibang mga paaralan.
Minumungkahi ng mga mananaliksik ang mga kalamangan ng pagiging malay sa mga street foods tulad ng
pagiging budget-friendly nito sa mga estudyante. Hindi nila iminumungkahi na street foods na lang ang
bilihin ng mga estudyante kundi pinaaalam lang nila ang mga kalamangan ng pagbili ng mga ito kaysa sa mga
pagkain sa fast food restaurants.Ipinaaalam rin nila ang kalamangan ng pagbili ng mga pagkain mula sa mga
fast food restaurants. Isa pa ay ipinapaalam din nila ang mga maaaring makuhang negatibo mula sa mga
street foods na inilalako sa labas ng UST tulad ng mga nasa kalye Dapitan, P.Noval, Espana, Lacson at sa
ibat-ibang mga kalye pa sa Pilipinas. Ang naging pananaliksik na ito ay para ipaalam sa ibang mag-aaral ang
tungkol sa mga street foods na inilalako sa mga kalye tulad ng kalye Dapitan, P.Noval, Espana, at Lacson sa
labas UST at kung bakit ang mga estudyante ng UST ay mas tumatangkilik dito kaysa sa mga pagkain sa mga
fast food restaurants at commercial places sa multi-deck carpark sa loob ng UST.

SANGGUNIAN

Alejandro, G.R.,(1998),The Food of the Philippines, Singapore, P. editors

Cagahastian, David.DFA promotes Filipino Foods Overseas Manila Bulletin, 16 Oct. 2005

Charing, aling.(1972),Lutuing pilipino, National bookstore, Philippines

De leon, S.Y., Panlasigas, L.N.,(1980),Alternate Foods for the Growing Population

Draper, A.Street Food in Developing Countries: The potential for Micronutrient Fortification. Available
[online] April, 1996
http://www.mostproject.org/PDF/strfoods2.pdf
Feb, 16, 2009

Fernando, G.C.,(1976),The Culinary Culture of the Philippines, Philippines, GCF books

Hopkins, J.(2004),Symptoms and Remedies, New York, Black Dog and Leviathan Publishing

Jackson. Street Food in the Philippines. Available [online] Oct 19, 2008
http;//www.smoothertravels.com/street-food-in-the-philippines-353/
Feb 16, 2009

Kimball, J.W.,(1994)Biology,IOWA U.S.A., W.M.C. brown publishers

Punongbayan, Michael.Pinoy Favorites lechon, isaw, spaghetti, are most dangerous treats. Philippine Star:
1 June 2005

Remo, Amy.This ex-janitor built his fortune on isaw Philippine Daily inquirer: 20 July 2003

Simbre, Gigi. Philippine Street Foods: Love them of Hate them. Available [online] Nov 19, 2008
http://www.trifter.com/asia-&-pacific/philippines/philippine-street-foods-love-them-or-hate-them.351651
Feb 16, 2009

Snoek, Sydney.My Sari Sari Store. Available [online] april 2, 2007


http://my_sari_sari_store.typead.com/my_sari_sari_store/street_food/index.html
Feb 16, 2009

Tinker, I.(march 12, 1997), Street foods: Urban Food and Employment in Developing Countries,New
york,Dk publishing

Toninoname.Street Foods to Eat in the Philippines. Available [online] Jan 12, 2009
http://digg.com/food_drink/Street_foods_to_eat_in_the_philippines_filipino_foods
Feb 16, 2009

Winarno,F.G. & Allain,A.street foods in developing countries: lessons from asia available[online]
http://www.fao.org/docrep/u3550t/u3550t08.htm#TopOfPage
Feb 16, 2009

PASASALAMAT

Unang-unang pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat na


nagbigay ng pagkakataon sa lahat upang matikman ang kagandahan ng mundong kaniyang binuo. Ang pamilya
Cruz at pamilya Javellana para sa buong pusong pagsuporta, pinansiyal at emosiyonal, sa mga mananaliksik.
Pinasasalamatan din ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral ng UST sa kanilang pagtulong upang mabuo ang
pananaliksik na ito. Nagpapasalamat din ang mga mananaliksik kay Ma'am Beverly Siy, sa kaniyang suporta, sa
kaniyang mga turo, sa pagiging inspirasyon ng pananaliksik na ito at sa pagbigay ng pagkakataon sa mga
mananaliksik na magawa ang pananaliksik na ito. Pinasasalamatan din ng mga mananaliksik ang mga

manggagawang Pilipino, na araw-gabing nasa kalye upang makapagbenta ng mga street foods na patok sa
mga Pilipino. Ang UST library ay pinasasalamatan din ng mga mananaliksik dahil sa tulong at pagbibigay ng
mga impormasyon sa pamamagitan ng kanilang mga libro. Ang mga manunulat na may kinalaman sa pagiging
matagumpay ng pananaliksik na ito. Pinasasalamatan din ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral ng 1LAM ng
College of Commerce, kung wala sila, walang tutulong sa mga mananaliksik upang sagutan ang sarbey at pati
na rin sa kanilang suporta sa pagbuo ng pananaliksik na ito.
At sa huli, pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang kanilang mga dating alma mater, ang Ateneo de Manila
University at ang San Beda College Alabang, dahil sa kanila natutunan ng mga mananaliksik ang maging tao,
makipag kapwa-tao, at maging para sa tao.\

You might also like