Mananaliksik Sa Hinaharap (PG 7-8)

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mananaliksik sa Hinaharap.

Magsisilbing gabay din ang pag-aaral na ito sa mga


sumusunod na magsasagawa ng pananaliksik na amy kinalaman sa mga istratehiya o
pamamaraan sa pagtuturo ng Panitikan. Sa pamamagitan ng mga resultag inilahad sa pagaaral na ito higit nilang mauunawaan ang kahalagahan ng masusing pagpili at paggamit
ng mga angkop na istratehiya sa pagtuturo at maari ring paghambingin ang mga datos
mula sa pag-aaral na ito sa mga datos na manggagaling sa kanilang isasagawang pagaaral.
Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsasaliksik sa mga mabibisang istratehiya
sa pagtuturo ng Panitikan sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Ito ay sumasaklaw lamang kung
gaano kabisa ang ibat ibang istratehiya sa ibat ibang antas ng pagkatuto ng mga magaaral.
Saklaw ng pag-aaral na ito ang tatlong pamantasan sa Pampanga, ang Holy Angel
University (H.A.U.), University of the Assumption (U.A) at Angeles University
Foundation (A.U.F.), ang lahat ng pamantasang nabanggit ay nagbibigay ng asignaturang
Panitikang Filipino sa semestreng ito. Ang mga naging respondente sa kabuuan ng pagaaral na ito ay isandaan at limamput (150) mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga naging
respondente mula sa H.A.U. ay limampu (50) at nabibilang sa kursong MassCom.
Samantala limampung (50) respondente naman ang nagmula sa U.A. na may kursong
Nursing. Mula sa A.U.F. ay limampung (50) respondente rin mula sa kursong Business
Management. Ang mag-aaral sa tatlong kursong nabanggit ang ginawan ng pag-aaral,

sapagkat sila ang nagkataon na nagkaklase sa araw na nagbigay ng talatanungan ang


mananaliksik.
Ang pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang Paraang Paglalarawan o
Desciptive Method. Ang mga pangunahing paraang ginamit sa pagtatala ng mga
mahahalagang datos ay sa pamamagitan ng matamang pagmamasid at pagababasa ng
mga kaugnay na kaisipan sa nasabing paksa. Ginamit sa pag-aaral na ito ang Paraang
Kwantiteytiv o tinatawag na Quantitative Reasearch Method. Ito ang ginagamit sa
mga survey, ibinabatay sa pormula, talahanayan, pagkuha ng porsyento o bahagdan, sa
pag-aanalisa nga mga datos, sa pagappatunay ng kaugnayan ng mga baryabol at
nangangailangan ng tinatawag na probability sampling.
Ang mananaliksik ay gumamit ng survey-kwestyoneyr o talatanugnan sa
pangangalap ng mga datos upang matuunan ang naturang suliranin. Isinagawa ang pagaaral na ito sa ikalawang semester ng taong akademiko 2007-2008.

You might also like