Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

10 Labors of Hercules

Sampung trabaho/gawain ni Hercules (Heracles)


Nagsimula ang lahat ng ito nang nagkaroon ng asawa si Hercules. Sa
simulay masaya ang kanilang pagsasama at nagkaroon pa ng mga ilang
anak ngunit nagbago ang lahat dahil nawala sa tamang pagiisip si Hercules
at napatay niya ang kaniyang pamilya, at ang may kagagawan nito ay ang
diyosang si Hera Pagkatapos ng malagim na krimen ni Hercules ay ninanais
niyang linisin ang kaniyang pagkatao. Dahil dito, humingi siya ng tulong kay
Oracle. Sinabi ni Oracle na pagsilbihan niya ang haring Eurystheus ng 12
taon at sa loob ng 12 na taon ay nagawa niya ang lahat ng kaniyang gawain.
Nemean Lion
Ang unang gawaing iniatas kay Hercules ay kailangan niyang dalhan ang
Hari ng balat ng mabangis na Leong sumusupil sa mga burol ng Nemea.
Habang naghahanda si Hercules ay napunta siya sa bayan ng Cleonae at
doon siya nanatili, sa bahay ng isang mahirap na si Molorchus. Nang inialok
ni Molorchus na magsakripisiyo ng hayop upang dasalan (para sa ligtas na
lion hunting), sabi lamang ni Hercules ay maghintay ng 30 araw. ***. Nang
nakarating si Hercules sa Nemea at nagsimulang hanapin ang leon ay
napagtanto niyang walang silbi ang mga panang kaniyang nadala. Dinala
niya ang kaniyang palu-palo at pumunta na sa leon. Napunta si Hercules sa
harap ng isang kweba na may dalawang pasukan. Tinakpan ni Hercules ang
isang pasukan at dumeretso sa kabila. Nang nakasalubong ang mabangis na
hayop ay isinal niya ito hanggang mamatay. Bumalik si Hercules sa Cleonae,
dala dala ang bangkay ng hayop, at nakasalubong si Molorchus. ***. Nang
nakabalik si Hercules sa Mycenae, namangha ang Hari sapagkat nagawa ni
Hercules ang imposible. Dahil ditto, kinatakutan ng Hari si Hercules at
ipinagbawal siyang makapasok sa bayan. Ang hari rin ay nagkaroon ng
malaking banga na gawa sa bronse na magsisilbing taguan niya kung
kinakailangan. Pagkatapos ay iniatas ng Hari ang kaniyang tagapagpahayag
na ihatid ang susunod niyang utos kay Hercules.
Ang pangalawang gawain ni Hercules ay ang pagpatay niya sa Haydra ng
Lerna. May mga haydra na bumabangon at sumusupil sa kabukiran na
nagmumula sa mga bana na malapit sa Lerna. (haydra ay mayroong 9 na ulo
at nakamamatay na venom)**. Naghanda si Hercules sa paghahanap sa
Haydra at sa oras na ito ay hindi siya nagiisa sapagkat kasama niya ang
kaniyang pamangkin na si iolaus. Silang dalawa ay naglakbay patungo Lerna
at sa may batis ng Amymone ay nakita nila ang Haydra. Sa simula ay
pinaalis niya ang hayop sa kuweba nito. Nang nakalas ito ay agad niyang
inatake ngunit hindi iyon ganoon kadali. Nahuli sa paa si Hercules ng Haydra
at hindi siya makatakas. Ginamit ni Hercules ang palu-palo upang pangatake
sa kalaban ngunit nang pagpalo niya sa isang ulo ng haydra ay naging
dalawa ito. Mas malala pay may kasama ang Haydra at ito ay isang

malaking alimasag na sinusubukang kagatin ang nahuling paa ni Hercules.


Tinawag ni Hercules si iolaus upang tulungan siya sa sitwasyong napasukan
niya. Sinubukan muli ni Hercules ang pagpalo sa ulo ng kalaban, at habang
ginagawa niya yun ay tinatapatan ni iolaus ng apoy ang mga litid upang
hindi tumubo ang panibagong ulo. Nang isang ulo na lamang ang natitira ay
pinugot ito ni Hercules. Pagkatapos ng tagumpay ni Hercules ay hindi siya
napahanga. Hindi niya isinama sa bilang ang gawain ni Hercules na ito
sapagkat tinulungan siya ng kaniyang pamangkin. Marami paring suporta sa
ginawa ni Hercules pero para kay Pausanias ay hindi ito ganoon kamangha
mangha sapagkat tila ahas lamang ng tubig ang kaniyang nakalaban.

You might also like