Professional Documents
Culture Documents
Timog Silangan
Timog Silangan
Sukat
4,523,000 km
Populasyon
568,300,000
Densidad
Mga Bansa
11
Mga
Teritoryo
13
GDP
GDP per
capita
Mga Wika
Afro-Asiatic: Arabic
Austro-Asiatic: Khmer,Vietnamese,Nicobarese
Austronesian:Buginese, Malay,Tetum, Tagalog,Cebuano, Ilokano,Hiligaynon, Bikol,WarayWaray,Kapampangan,Pangasinan,Javanese,Sundanese, Madura
Dravidian: Tamil,Malayalam, Telugu
Indo-European:English, Portuguese,Spanish, Bengali,Hindi, Punjabi
Sino-Tibetan:Burmese, Mandarin,Cantonese, Min,Taiwanese (Min Nan),Lan-Nang
Tai-Kadai: Thai, Lao
and many others
Time Zones
Ang Timog Silangang Asya (Ingles: Southeast Asia, na kadalasang pinapaikli bilang SEA) ay
isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang nasa katimugang Tsina,
silangan ng Indiya at hilaga ng Australya.
Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano,
at ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa
kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar,Thailand, at ang Vietnam; ang
populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-Burmano, mga Tai, at mga Austroasiatiko; ang
pinakamalaking relihiyon ay Budhismo, na sinundan ng Islam, at Kristiyanismo. Ang mga bansang
nasa karagatan ay binubuo ng Brunei,Silangang Timor,[1], Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at
ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang
mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan
ng Kristiyanismo.
Mga nilalaman
[itago]
1 Pagkakahati
1.1 Pampolitika
1.2 Heograpikal
2 Kasaysayan
3 Kalakalan at Kolonisasyon
3.1 Tsina
4 Ekonomiya
5 Demograpiya
5.1 Relihiyon
6 Mga Bansa
7 Tingnan din
8 Talasangguniaan
ay ang tahanan ng isa sa dalawang templong alay sa Brahma sa daigdig. Ang Angkor Wat ay tanyag
ding templong Hindu sa Cambodia.
Ang Emperyong Majapahit ay isang Indiyanong Kaharian na matatagupuan sa silangang Java mula
noong 1693 hanggang 1500. Ang pinakadakilang pinuno nito ay si Hayam Wuruk, na namuno mula
1350 hanggang 1389 na nagmarka ng karurukan ng emperyo nang sakupin nito ang iba pang mga
kaharian sa katimugan ng Tangway ng Malay, Borneo, Sumatra, Bali at ang Pilipinas. Ang kabuuan
din ng Pilipinas ay nagbibigay din ng pagkilala sa sa emperyo
Ang mga Cholas ay nagpamalas sa mga aktibidad sa karagatan, sa parehong aspeto ng
sandatahan at pangangalakal. Ang kanilang pagsalakay sa Kedah at sa Srivijaya, at ang kanilang
patuloy na ugnayang pangkalakalan (commercial) sa Emperyong Tsino, ay ang nagbigay daan sa
kanila upang maimpluwensiyahan ang katutubong kultura. Karamihan sa mga natitirang halimbawa
ng mga impluwensiyang kultural na Hindu na makikita ngayon sa kalakhang Timog Silangang Asya
ay dulot ng mga paglalakbay ng mga Chola.[5]