Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG LIPA
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO G10
Aralin: 1.6
Tulang Liriko
Yugto ng Pagkatuto:
Tuklasin
I. Kasanayan sa Pagkatuto
a. Nakapagsasagawa ng malayang talakayan upang pag-usapan ang katotohanan tungkol sa akda.
b. Natatalakau ang nilalaman ng binasa.
II. Nilalaman
A. Paksang-Aralin
Panitikan: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (mula sa Ehipto)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Mula sa Ingles na salin ni William Kelly Simpson
III. YUGTO NG PAGKATUTO
Pagganyak (picture prompts)
Pagpapakita ng mga larawang may kaugnayan sa bansang Ehipto
A. AKTIBITI
Gawain 1 ( Tsekan Mo)
Pagbasa ng mga mag-aaral sa mga kaisipan patungkol sa tulang liriko.
B. ANALISIS
Pagtalakay sa mga mahahalagang kaisipan tungkol sa tulang liriko
Mga Katanungan:
1. Ano ang tula?
2. Paano naiiba ang tula sa iba pang uri ng panitikan
3. Paano nagkakaiba-iba ang tula ayon sa kaanyuan nito?
C. ABSTRAKSYON
Gawain
(Pagpapabigkas)
Pipili ang mga guro ng mga mag-aaral na mahusay bumigkas ng tula
(Pagbabahaginan)
Pagkatapos bigkasin ang mga tula, magkakaroon ng pagbabahaginan ng mga mag-aaral tungkol sa
uri ng tula na pinakagusto nilang binabasa at sinusulat.
D. APLIKASYON
Pagsulat ng tula.
Pamantayan sa pagsulat ng tula:
Dalawang saknong
Apat na taludtod
Lalabindalawahing sukat
IV. Pagtataya
Isulat ang hinihingi sa mga sumusunod na bilang.
1. Sa anong salitang Latin nagbuhat ang salitang Pastoral na pumapaksa sa simpleng paraan ng pamumuhay
at pag-ibig?

a. Pasteur
b. Pastor
c. Pastora
d. Wala sa nabanggit
2. Isa itong tula ng pamamanglaw.
a. Oda
b. Elehiya
c. Soneto
d. Liriko
3. Ito ay tulang nagpapahayag ng papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin.
a. Awit
b. Dalit
c. Oda
d. Elehiya
4. Ito ay isa sa mga element ng tula na tumutukoy sa pantig sa bawat taludtod.
a. Tugma
b. Sukat
c. Kariktan
d. Aliw-iw
5. Elemento ng tula na tumutukoy sa di-malilimutang impresyon sa isipan ng mambabasa.
a. Sukat
b. Kariktan
c. Panimula
d. Tugma
V. Takdang-Aralin
Basahin ang tulang Ang Tinig ng Ligaw na Gansa at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino ang personang nagsasalita sa tula?
2. Paano mo ilalarawan ang kultura ng Ehipto ayon sa tula?
3. Paano mo iuugnay sa kulturang Pilipino ang kultura ng Ehipto?

You might also like