Proyekto Sa Filipino 07 ELEM

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mga Bugtong

Walang dipresiya ang mga paa,


Lumpo parin sa tuwi-tuwina.

May sunong. May kilik,


May salakab sa puwit.

Sagot: Mesa

Sagot: Mais

Lagi syang kinukwentuhan,


Hindi naman nakikipagsagutan.

Sa bahay ko isinuksok,
Sa gubat ko binunot.

Sagot: Mikropono

Sagot: Itak

Hindi akin, hindi iyo,


Ari ng lahat ng tao.

Baboy ko sa marungko,
Balahiboy pako.

Sagot: Mundo

Sagot: Langka

Tubig sa ining ining,


Hindi mahipan ng hangin.

Tubig na pinagpala,
Walang makakakuha kundi
Munting bata.

Sagot: Niyog
Sagot: Gatas ng ina
Binatak ko ang baging,
Bumuka ang tabing.
Sagot: Payong

Nang maliit ay luntian, ang


lasa ay may kaasiman, nang
tumanda ay naging ginituan,
ang tamis ay di malilimutan.
Sagot: Mangga

Sawikain

1. Anak-dalita - mahirap
2.

Alilang-kanin - utusang walang


sweldo,pagkain lang

3.

Balik-harap - pabuti sa harap,taksil sa likuran

4.

Bungang-tulog - panaginip

5.

Dalawa ang bibig - mabunganga,madaldal

6. Kusang palo - sariling sipag


7. Magaan ang kamay - madaling
manontuk,manapok,manakit
8. Kidlat sa bilis - napakbilis
9. di makabasag pinggan - mahinhin
10. nakahiga sa salapi/pera - mayaman
11. nagbibilang ng poste -- walang trabaho

Salawikain

1. Ang pera ay buhay, kung wala kang pera para


ka na ring patay.
2. Ang taong masayahin ay may pusong hindi
masakitin.
3. Ang malapit sa kalinisan ay malayo sa
karamdaman.
4. Kung ikaw ay may kasamahan na madali kang
maunawaan siya ang iyong kaibigan.
5. Ang mahirap ay nananatiling dukha kung siya
ay nananatiling walang tiyaga.
6. Kung kahirapay sa iyo umiikot kabaitan may
huwag ng pagdamot upang suwertey sayoy
sumulpot.
7. Alila man o alipin, siya ay tao rin hindi dapat
dustain, kundi dapat mahalin.
8. Ang kasalatan sa buhay ay maaring isang
sagabal, ngunit isang sagabal na
mapagtatagumpayan.
9. Ibig umakyat sa bundok ay walang kukong
kakamot.
10. Hindi lahat ng makikinang ay ginto, Sapagkat
may sariling kinang din ang tanso.

Kawikaan
1. "Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga
lingkod ay masasama."
2. " Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala: nguni't siyang
nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan."
3. "Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa
unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba."
4. "Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't
pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid".
5. "Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang
karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa
Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang
karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang
unawa".
6. " Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila
nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran".
7. "Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo
siyang parang kayamanang natatago. Kung magkagayo'y iyong
mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan
mo ang kaalaman ng Dios".
8. "Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang
manalig sa iyong sariling kaunawaan:"
9. "Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga
unang bunga ng lahat mong ani: Sa gayo'y mapupuno ang iyong
mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan
ng bagong alak".
10.
" Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa
kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin".

Tugmang Bayan

Ako'y naglalakad papuntang


Kalumpit,
Ako'y nakarinig ng huni ng pipit,
Ang wika sa akin, ako raw ay
umawit,
Ang aawitin ko'y buhay na
matahimik.
Ako'y naglalakad papuntang
Obando
Ako'y nakaraan, 'sang bigkis na
tubo,
Inurung-urung ats saka ko tinakbo,
Regede-regedeng nakapangos ako.
Ako'y naglalakad sa dakong
Malabon,
Ako'y nakakita isang balong hipon,
Ang ginawa ko po ay aking nilusong,
Kaya't lahat-lahat ng hipon,
nagsitalon.
Ako'y naglalakad sa dakong Arayat,
Nakapulot ako ng tablang malapad,
Ito'y ginawa kong 'sang kabayong
payat,
Agad kong sinakyan, ito'y
kumaripas.
Ako'y naglalakad sa dakong
Bulacan,
Nahuli kong hayop, niknik ang
pangalan,
Aking iniuwi at aking kinatay,
Ang nakuhang langis, siyam na
tapayan.
Ako'y naglalakad sa dako ng Tondo,
Ako'y nakasalubong 'sang tropang
sundalo,
Inurung-urungan ko bago ko
pinuwego,
Pung! Pung!... walang natira kundi
isang kabo.

Akoy naglalakad sa tabi ng


dagat.
Akoynakapulot ng sang boteng
alak.
Iniuwi ko sa amin, ininom kong
lahat.
Nakatulog akong maghapon
magdamag

Ibig ko ng kaibigan kung siya'y


maunawain
Sa aking pagkukulang sa salita't
gawain
Ayoko ng kaibigan na tila balimbing
Dalawa ang mukha; mapanira't
taksil
Ibig ko ng talino kung sa kabutihan
Sa paglikha ng bagay para sa
sandaigdigan
Ayoko ng talino kung magwawasak
naman
Ng mabuting aral mula sa
Maykapal.
Ibig ko ng perang gagastahin
Sa mga kailangang dapat na unahin
Ayoko ng pera kung ako'y hihilahin
Sa gawaing lisya't pagsisinungaling.

Kasabihan
1. "Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman, at hindi niya
idinadagdag ang kapanglawan."
2. "Isang paglilibang sa mangmang ang paggawa ng kasamaan: at
gayon ang karunungan sa taong naguunawa."
3. "Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga
kaarawan: nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti."
4. "Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: nguni't ang hintay ng
masama ay poot."
5. "Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng
katuwiran, nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya."
6. " Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa:
nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan."
7. " Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay
magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay
mapapariwara."
8. "Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa
kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang
maminsan-minsan."
9. "Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang:
nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon."
10."Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang
kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli."

Kuwentong Bayan

Ang Sayaw ng Mandirigma


Noong unang-unang panahon ay mababa lamang ang kalangitan. Napakababa nito na
kayang abutin ng mga tao.
Dahil sa lapit na ito ng langit, ang kahilingan ng mga tao ay agad na naririnig ng mga
diyos sa kalangitan at kaagad na ipinagkakaloob sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit
sadyang inilapit ng mga diyos ang langit sa mundo. Ang nais nila ay matulungan ang
mga tao. Sa ganitong kalagayan, maligaya ang mga tao. Wala silang gagawin kung
hindi humingi at agad namang ipagkakaloob sa kanila.
Hindi nagtagal, umabuso ang mga tao. Naging tamad na sila. Ayaw na nilang
magtrabaho at iniaasa na lamang sa mga diyos ang kanilang panga-ngailangan. Dahil
dito, nagalit ang mga diyos kaya binago nila ang kanilang panuntunan. Patuloy pa rin
nilang pangangalagaan at pagbibigyan ang mga tao sa kanilang kahilingan ngunit
paghihirapan muna nila ito. Kailangan nilang magtrabaho bago nila makamtan ang
anumang nais nila.
Mula noon, hindi na naging madali ang pamumuhay ng mga tao. Nagsimula na silang
gumawa sa bukid sa ilalim ng init ng araw o buhos ng ulan. Ang pagtatanim at pagaani ay kanilang pinagtutulungan.
Pagkatapos ng anihan, sila ay nagkakaroon ng mga pagdiriwang bilang pasasalamat
sa masaganang ani. Naghahanda sila ng maraming pagkain at inumin. Ang
kasayahang ito ay inaabot ng isang buong linggo. Masaya ang lahat, lalo na ang mga
magsasaka, dahil makapagpapahinga sila ng ilang buwan habang marami pa silang
pagkain.
Isang araw ay inihayag ni Abing, pinuno ng tribu, na magkakaroon sila ng
marangyang pagdiriwang dahil sa higit na masaganang ani. Tulad ng inaasahan,
nagkaroon ng malaking kasayahan ang buong nayon. Bumaha ang napakaraming
pagkain at inumin.
Matapos magpasalamat sa mga diyos, nagsimula ang pagdiriwang. Pinagpistahan ng
mga dumalong panauhin ang masasarap na pagkain at inumin. Matapos ito ay
inanyayahan ng pinuno na manood ang lahat sa ipakikitang sayaw ng mga
mandirigma bilang parangal sa pagpapanatili nila ng katahimikan sa kanilang lugar.
Gayon na lamang ang tuwa ng mga tao nang magsimulang sumayaw ang mga
mandirigma na buong husay na iwinawasiwas ang kanilang mga sibat. Sinabayan sila
ng mga panauhin sa pag-indak sa tugtog habang pumapalakpak. Isang mandirigmang
napakahusay humawak ng sibat ang labis na hinangaan ng mga manonood. Bigla
silang natahimik habang pinanonood ang kakaibang husay nito sa pagsayaw at
paghawak ng sibat. Dahil sa kalasingan at nakikitang paghanga ng tao sa kanya,
marahan itong umikot paitaas at ikinumpas ang kanyang sibat nang napakataas.

Napasigaw ang lahat! Nakalimutan ba ng mandirigma na mababa


lamang ang langit? Hindi lamang niya natusok ang mga ulap, nasugatan
din niya ang isa sa mga nanonood na diyos!
Nagalit ang ibang mga diyos sa pangyayaring ito. Nang gabi ring
iyon, ipinasya nilang itaas ang langit mula sa lupa.
Simula noon, ang panalangin ng mga tao ay naglalakbay muna ng
napakalayo bago marinig ng mga diyos at ito ay ipagkaloob sa
kanila. Patuloy pa ring pinangangalagaan ang mga tao ng mga diyos
sa
langit ngunit ang binibigyan lamang nila ng grasya ay iyong mga
karapat-dapat. At kung ibigay man ang hinihiling nila, ito ay
karaniwang hindi kaagad. Nagtatagal muna bago ito ipagkaloob.
Nangyari ito dahil lamang sa walang ingat na pagsasayaw ng isang
mandirigmang nakatusok sa ulap at nakasugat sa isa sa mga diyos.

Pabula

Ang Mayabang na Tutubi


Isang
dalawang
ano

araw, sa mahabang sanga ng puno ay may


magkaibigang tutubi. Ito ay sila Bebot at Bebet,
kaya ang lalaruin natin ngayong araw na ito,
maganda pa naman ang sikat ng araw tanong ni
Bebot sa kanyang kaibigan. Alam ko na sabi
naman ni Bebet pabilisan tayo ng lipad pag sino

ang nauna sa punong iyon siya ang mananalo. Sumbat pa nito. Sige!
Pasigaw na sabi ni Bebot dito tayo magsisimula habol pa nito.
Umpisahan na natin ang pabilisan sagot ng dalawa. Pagkaraan
ng ilang sigundo naghanda na ang dalawa naunang nakalipad si
Bebet halos pantay lang sila. Pagdating sa bandang itaas ay na
napapagod na ang dalawa. Ako ang mauuna sabi ni Bebet. Hindi! Ako
sabi naman ni Bebot. Nagalit si Bebet kaya dinumbo niya si Bebot.
Ha! Ha! Ha! Ha! Buti nga sayo sigaw ni Bebet sa kaibigan. Madaya!
Sabi naman ni Bebot, sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay biglang
natuluan ang kanyang pakpak ng tubig kaya bumagal ito, umikot ikot

siya patungo sa maagos na ilog, Tulong!!! Tulong!!! Kaibigan


mahuhulog ako sa ilog.
Si Bebet yon ah! Kailangan ko siyang tulungan. Nahulog na ito at
naagos na siya, buti na lang hinawakan ni bebot ang kamay ni Bebet.
Ngunit huli na ang lahat, hindi na kayang umahon ni Bebet sa tubig
kayat kasama sa agos ng tubig si Bebet.

Alamat

Alamat ng Tandang
Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga
datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang barangay. Alam
ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang
hindi matuloy ang alinmang digmaan. Sa dami ng mamamayan at
barangay at suliranin nila na isinasangguni ay nakakalimutan na niya
ang ilang obligasyon.
Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya.
Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng pagkain, o
oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang
bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema.
Pinakamahirap na Gawain ng Sundalong Orasan ang paggising nang
napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay laging
napakaaga niyang gumising pero kapag napapakuwento siya sa mga
kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.
Mapagpasensya ang bathala niya. Lagi itong pinagbibigyan ang
Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho ay dinadagdagan ni
Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa
pamilya. Ngunit sa kabila nito ay nagiging pabaya pa rin siya sa
tungkulin.
Dahil sa kapabayaang ito dalawang malalaking barangay ang
natuloy ang digmaan dahil hindi nagising si Sidapa upang magpayo.
Ipinatawag niya ang sundalo na lasing na lasing. Marami ang
namatay dahil sa kanyang kapabayaan. Bilang parusa , magiging
isang hayop ito na walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing
nagmamadaling araw.
Sa isang kisapmata ang Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit.
Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga kamay
at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay tumilaok itong

parang nanggigising. Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng


tahanan ni Sidapa ang Sundalong
Orasan na magmula
noon ay tinatawag na Tandang. Ang
Tandang na
tumitilaok sa madaling araw ang
nagpapaalalang siya ang unang
tagagising
ng sandaigdigan.

You might also like