L

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

L

Nagising akong takot na takot at hindi ko alam kung bakit. Madilim. Kinakagat ako ng
dilim. Wala akong makita kahit pilit kong ibuka ang aking mga mata. Hubot hubad ang aking
katawan. Basang-basa ang likod ko sa malamig na pawis. Basa na rin ang kamang hinihigaan
ko, kamang sa sobrang lambot ay parang nilalamon ang aking likod. Hindi ko maigalaw ang
katawan ko. Para akong paralisado. Nanggaling ba ako sa isang masamang panaginip? Hindi
ko alam. Wala akong matandaan.
Hanggang sa makarinig ako ng mga yabag sa labas ng pinto. Alam ko na, nasa kuwarto
ako, ngunit di ko sigurado kung bakit ako nakahiga sa kamang ito. Pinipilit kong gumalaw,
ngunit hindi ko pa rin makontrol ang aking katawan.
Bumukas ang pinto. Sigurado akong may pumasok ngunit hindi ako makalingon. Narinig
kong lumakad siya papunta sa kung nasaan ang aking bintana. Hinawi niya ang kurtina at
bahagyang pumasok ang mapusyaw na liwanag. Mukhang kauumpisa pa lang ng gabi.
Tumambad sa harapan ko ang nakatalikod at hubot hubad na babae. Maliit siya at
natatakpan ng itim na buhok ang kanyang balikat. Maganda ang katawan niya. Maliit ang
kurbado niyang baywang habang sinasalo ng mapipintog niyang hita ang matambok niyang
balakang. Tila uminit ang hangin kasabay ng pag-init ng aking katawan.
Si L. Nakilala ko agad siya pagharap niya. Siya ang pinakamagandang babaeng nakita
ko sa buong buhay ko. Gusto ko sanang tanungin kung anong ginagawa niya sa kuwarto ko
ngunit hindi ko mabuksan ang aking bibig. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin mabasa ang
ekspresyon sa mukha niya. Basta alam kong si L iyon, hindi ako maaaring magkamali.
Ang mga mata mong tila masisiglang dahon na lagi kong ninanakawan ng tingin tuwing
makakasalubong kita sa opisina. Ang mga matang ni minsay hindi nangmata sa akin porket
mababa ang ranggo ko at hindi mahusay na empleyado sa opisina. Hindi kita binibitiwan ng
tingin hanggat hindi ka iiwas ng tingin, dahil nangungusap ang mga mata mo na parang
1

sinasabing gusto mo rin akong laging nakikita, at kung hindi lang natin kailangang magpatuloy
sa araw-araw na gawain, wala na rin akong ibang gustong gawin kundi tingnan ka.
Kaya naman nang makita kong tinitingnan mo siya, hindi ko napigil ang sarili kong
maluha sa inggit at galit. May kakaiba sa tingin mong iyon sa kanya, iba sa kung paano mo ako
tinitingnan kapag nasasalubong kita, at gusto ko ring maranasan iyon. Gagawin ko ang lahat
tingnan mo lang ako nang ganoon.
At sa wakas, narito ka na ngayon sa aking kuwarto. Marahan kang lumakad palapit sa
akin, sa hindi ko maigalaw at nakahigang katawan na nananabik nat nag-iinit na madampian ng
balat mo. Sumampa ka sa kama. Dumagundong ang dibdib ko. Dinilaan mo ang daliri sa aking
kaliwang paa, dinilaan mo paakyat hanggang sa binti. Nakikiliti ako at parang kinukuryente sa
lapat ng mainit mong dila sa aking balat. At ngayong nasa hita ka na, hinihintay kong iakyat mo
pa hanggang sa umabot sa parteng pinakagusto kong madilaan mo. Nang malapit ka na doon,
gusto kong hawakan ang ulo mo upang makita ko ang magaganda mong mata. Ngunit hindi ako
makagalaw, gusto kong magpumiglas ngunit hindi ako makagalaw. Umaakyat ang pagdila mo
sa tiyan ko at unti-unti kang pumapatong sa akin. Nang nasa dibdib ka na, nararamdaman ko
na rin ang dibdib mo sa katawan ko. Mas mabigat ka sa inakala ko. Hindi ako makagalaw, gusto
kong makawala. Gusto kitang hawakan at gantihan habang ginagawa mo sa akin ito. Nang
nasa leeg ka na, naaamoy ko ang buhok mong parang bagong pitas na kahel. Hinahalikan mo
ako, ngunit hindi ako makasagot ng halik. Nanatiling sarado ang bibig ko. Gusto kong buksan
ang mga labi ko at espadahin ang dila mong sumusugod sa bibig ko. Ngunit di ko magawa.
Hindi ko maintindihan bakit hindi ako makagalaw.
Hindi ka gagalaw hanggat di ko sinasabing gumalaw ka, sabi mo. Lalo akong nalibugan
nang makita ko ang mata mong nakatitig sa akin. Ngayon ko lang nakita ang mga mata mo
nang ganyan kalapit. Kay ganda nga talaga. Ngunit bakit ka lumuluha? Umiiyak ka ba? Hindi
mo ba gusto itong ginagawa natin? Hindi mo ba ako gusto, L?

Umangat ka nang kaunti at naramdaman kong unti-unting pumapasok ang ari ko sa ari
mo. L, nababaliw na ako sa sarap. Nakatitig ka pa rin sa akin. Lumuluha. Hindi ko maintindihan
kung bakit ka lumuluha. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makagalaw. Gusto kong
sagutin ang mga bayo mo habang nasa taas kita, ngunit hindi ako makagalaw.
May gusto ka bang sabihin, tanong mo. Ang sarap-sarap mo, sabi ko. Lalo kang lumuha.
Tumigil ka sa pagbayo. Hindi ko alam kung saan mo nakuha iyang balisong sa kanang
kamay mo. Bakit ka may hawak na balisong, sa isip ko. Huwag kang gagalaw, sabi mo.
Dahan-dahan mong tinungkab ang aking mga mata. Unti-unti akong binawian ng
paningin. Hindi ako nakagalaw. Hindi nagawang lumaban ng katawan ko. Hinila mo rin ang dila
ko at pinutol mo mula sa likod ng bibig. Hindi ko na nakita kung gaano kapula ang dugong
umagos mula sa aking mukha. Hindi ko alam kung bakit wala akong naramdamang sakit. Hindi
ko maintindihan. Nanghihina ako. Pagod na pagod na ako.
Nagising akong takot na takot at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung nasaan
ako. Wala akong makita.

Wala akong makita kahit pilit kong ibuka ang aking mga mata.

Pawang kadiliman. Hubot hubad ang aking katawan. Giniginaw ako. Malamig ang kama.
Malamig ang hanging mukhang galing sa aircon at nakatapat sa akin. Ngunit pinagpapawisan
ako. Basang-basa ang likod at mga palad. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko maliban sa
aking kanang braso at kamay. Nanggaling ba ako sa isang masamang panaginip? Hindi ko
alam. Wala akong matandaan.
Hanggang sa makarinig ako ng mga yabag sa labas ng pinto. Alam ko na, nasa kuwarto
ako, ngunit di ko sigurado kung bakit ako nakahiga sa kamang ito. Pinipilit kong gumalaw,
ngunit hindi ko pa rin makontrol ang aking katawan maliban sa aking kanang braso at kamay.
Bumukas ang pinto. Mabagal at sigurado ang mga hakbang ng pumasok. Narinig kong
naglalakad siya papunta sa kung nasaan ang aking bintana. Hinawi niya ang kurtina ngunit wala
akong naaninag ni katiting na liwanag. Nanatiling madilim kahit mulat ang aking mga mata.
Humakbang siya palapit sa akin at narinig kong tumigil sa bandang kaliwa. Inangat ko ang
3

aking brasot kamay at inapuhap siya, ngunit wala akong naapuhap kundi hangin.
Nararamdaman kong malapit lang siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay.
Si L. Sigurado akong kamay iyon ni L. Siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa
buong buhay ko. Gusto ko sanang tanungin kung anong ginagawa niya sa kuwarto ko ngunit
hindi ko mabuksan ang aking bibig. Hindi ako makapagsalita. Ngunit sigurado akong sa kanya
ang kamay na iyon.
Ang kamay mo na nagpabatid sa akin kung gaano ka kasipag sa mga gawaing bahay,
gayong hindi pa rin naman nawawala ang natural na lambot at kinis. Kamay na sadya kong
dinadampian kapag may ibinibigay ako sayong gamit sa opisina. Kamay na gusto kong
alalayan sa pagsakay mo sa jeep nang minsang makasabay kita umuwi isang hapon. Kamay na
pinapangarap kong hawakan upang maramdaman nating hindi tayo nag-iisa.
Kaya naman nang makita kong hawak mo ang kamay niya, nanigas ang aking brasot
kamay sa inggit at galit. Nanginig ang aking laman. May kakaiba sa hawak mong iyon sa kanya,
na parang sigurado at panatag ka noong hawak mo iyon. Malaki at matatag ang kamay niya,
napapatunayan ko iyon tuwing binabatukan niya ako matapos lokohing timang at tanga sa
harap ng nagtatawanan nating mga kasamahan sa trabaho. Napatunayan ko rin iyon nang
abangan niya ako sa exit sa likod ng building at biglang sapakin sa mukha, dahil nakita niyang
may mga litrato mo ako sa kompyuter ko. Napatunayan ko ang mga iyon, ngunit kaya pa rin
kitang ingatan kahit ganito lang ako. L, hindi mo ba iyon naramdaman nang may isang gabing
hinawakan kita sa kamay nang dumaan ka sa tapat ng tinitirhan kong apartment? Nasasaktan
ako bakit mo ako hinahatak saan mo ako dadalhin, sabi mo sa akin noon. Hindi mo ba
nararamdaman ang init ng mga palad ko lagi kitang binabantayan kaya kitang buhayin at
pasayahin L sumama ka lang sa akin mahalin mo lang ako, sabi ko. Gusto ko lang maranasan
kung paano mo siya hinawakan. Gagawin ko ang lahat hawakan mo lang ako nang ganoon.
At sa wakas, narito ka na ngayon sa aking kuwarto. Nagulat ako nang itali mo ang
kaliwang kamay ko, pagkatapos ang magkabilang paa. Hindi ako makagalaw. Huwag ka mag4

alala, hindi kita sasaktan, sabi mo. Hinawakan mo muli ang kanang kamay ko. Parehong
pawisan ang palad natin. Sumampa ka sa akin. Dumagundong ang dibdib ko sa pananabik.
Dahan-dahan mong pinadulas ang ari ko sa loob ng ari mo. Nababaliw ako sa sarap. Habang
sinasakyan mo ako, iginiya mo ang kamay ko sa kanang dibdib mo, pagkatapos ay sa kaliwang
dibdib mo. Gusto kong maramdaman ang tibok ng puso mo, naisip ko. Ngunit wala akong
naramdaman ni isang pintig.
Hindi ka gagalaw hanggat di ko sinasabing gumalaw ka, sabi mo. Lalo akong nalibugan
nang halikan mo ako habang nasa taas ka. Ngunit bakit basa ang mukha mo? Umiiyak ka ba?
Hindi mo ba gusto itong ginagawa natin? Hindi mo ba ako gusto? Hindi ko maintindihan kung
bakit hindi ako makagalaw. Gusto kitang tanungin, ngunit hindi ako makapagsalita. Hindi ko
maramdaman ang aking dila.
May gusto ka bang sabihin, tanong mo. Ang sarap-sarap mo, biglang naisagot ko. Lalo
kang lumuha.
Bumilis ang pagbayo mo. Walang kapaguran. Hinawakan mo muli ang kamay ko at
sinubo ang daliri ko. Ilang sandali pa, dahan-dahan mo akong iginiya papunta sa iyong tinggil.
Ginamit mo ang daliri ko upang laruin ang tinggil mo habang binabayo mo ako. Naisip ko, gusto
ko matapos ka. Gusto ko matapos ka dahil sa akin. Gusto kitang lumigaya. Gusto ko sabay
tayong lumigaya.
Nararamdaman kong malapit na akong matapos, nang biglang humigpit ang kapit mo sa
kamay ko at may matalas na bagay na humihiwa sa daliri ko. Mabagal ang paghiwa, at
damang-dama ko ang pagsayad ng bakal sa laman kong walang laban sa talim. Pilit
nagpupumiglas ang kamay ko ngunit mas malakas ka sa akin. Tila kay bigat ng aking kamay at
braso. Parang nakakadena sa higpit ng hawak mo. Wala akong magawa. Hindi ko
maramdaman ang ibang parte ng aking katawan. Sukdulan ang sakit sa aking mga daliri. Halos
masiraan ako ng ulo nang maramdaman kong winawakwak mo ang aking buto. Pinutol mo ang
hintuturo ko, hanggang sa isinunod mo ang iba ko pang daliri. Sa sobrang sakit, gusto kong
5

sumigaw, magpumiglas, gumanti, o umiyak man lang. Ngunit wala akong magawa. Tila sabay
na nandoon ako at wala sa aking katawan. Tila sabay na totoo at hindi totoo ang
nararamdaman kong sakit.
Nagising akong takot na takot at hindi ko alam kung bakit. Mababaw ang aking mga
hinga. Masakit ang aking mga mata at wala akong makita. Hindi ko maigalaw ang aking
katawan. Hindi ko maramdaman ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hubot
hubad ang aking katawan. Malamig ang malambot na kamang tila lumalamon sa likod ko.
Giniginaw ako ngunit pinagpapawisan. Nanggaling ba ako sa isang masamang panaginip?
Hindi ko alam. Wala akong matandaan.
Hanggang sa makarinig ako ng mga yabag sa labas ng pinto. Alam ko na, nasa kuwarto
ako, ngunit di ko sigurado kung bakit ako nakahiga sa kamang ito. Pinipilit kong gumalaw,
ngunit hindi ko pa rin makontrol ang aking katawan. Kinabahan ako. Kumabog ang dibdib ko at
naramdaman kong sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Bumukas ang pinto. Mabagal at sigurado ang mga hakbang ng pumasok. Mabilis ang
tibok ng puso ko. Narinig kong naglalakad siya papunta sa kung nasaan ang aking bintana.
Hinawi niya ang kurtina. Malalim na ang gabi. Walang buwan at mga bituin. Wala rin kahit ulap.
Sa tabi ng aking bintana, isang hubot hubad na babae. Nakatingin siya sa labas. Nakdungaw
sa kawalan.
Kinilabutan ako nang humarap siya sa akin. Walang siyang mga mata. Lamog ang
mukha na parang ilang ulit binuntalan. Maraming pasa at paso sa kanyang balingkinitang
katawan. Kumakatas ang dugo mula sa putol niyang mga daliri at tumutulo sa sahig. Ilang saglit
pa, nakilala ko siya. Si L, ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. Ang
nag-iisang babaeng minahal ko.
Kaya naman nang malaman kong mahal mo siya, nawasak ang mundo ko, L. Patawarin
mo ako dahil hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko. Inabangan ko siya sa exit sa likod ng
building kung saan niya ako sinapak at tinakot dati. Sinigurado kong walang makakakita at
6

binigwasan ko siya sa likod ng ulo. Sinaksak ko ng balisong ang hita at binusalan ang bibig.
Hindi ko siya balak patayin, maniwala ka, L. Gusto ko lang ipadama sa kanya kahit kaunti ang
lahat ng sakit na naramdaman ko. Kinaladkad ko siya papunta sa archive room. Itinali ko siya
sa upuan. Nang magkamalay siya, sinubukan ko siyang kausapin ngunit wala siyang ibang
ginawa kundi magmakaawa para sa buhay niya. Ito ba ang gusto mong lalaki, L? Nasaan ang
dating yabang at angas kapag tinutuya niya ako sa harap ng iba? Nasaan ang matibay na
kamaong ipinangsapak niya sa mukha ko noon? Nagdidilim ang paningin ko sa tuwing maaalala
ko ang mga araw na iyon. Hindi ko matingnan ang mukha niya nang hindi nanginginig ang aking
laman. Hinubaran ko siya at binugbog. Binugbog ko siya nang binugbog. Gusto ko siyang
lamugin gamit ang sarili kong mga kamao ngunit pakiramdam koy hindi siya nasasaktan sa
mga suntok ko. Tama na tama na, sabi niya ngunit naiinis ako dahil kahit wala na siyang
kalaban-laban ay parang hindi ko pa rin siya nasasaktan. Mas malakas pa rin siya sa akin. Mas
matibay pa rin siya sa akin. At malamang na minahal mo siya dahil sa mga katangiang ito. Ang
mga katangiang kailanman ay hindi ako magkakaroon. Dahil mahina ako, lampa, laging niloloko
hindi lang sa opisina kundi kahit noong bata pa lang ako. Ako na laging pinakahuli, pinakabobo,
at pinakapanget. Na imbis na tulungan ay lagi pang tinutuya. Wasak ang mundong kinalakihan
ko, L, ngunit nagkaroon ako ng kaunting pag-asa nang makita at makilala kita. Para kaming
bata na sabay umiiyak gawa ng magkaibang sakit. Pinakawalan ko siya ngunit sa sobrang hina
ay bumagsak siya sa sahig. Nagmamakaawa pa rin siya, L. Huwag mo akong patayin parang
awa mo na, sabi niya. Hinawakan ko ang ari niya. Ginamit mo na ba ito kay L, sabi ko. Hindi
hindi wala pang nangyayari sa amin maniwala ka parang awa mo na, sabi niya. Sinungaling ka,
sabi ko sa kanya at pinutol ko ng balisong ang ari niya. Halos maubos ang lahat ng lakas niya
sa pagsigaw dahil sa sakit. Kainin mo kung hindi papatayin kita, sabi ko.Kinain niya ang sarili
niyang ari ngunit hindi maubos-ubos ang luha niya. Wala siyang tigil sa pagmamakaawa.
Patawarin mo ako L dahil ayokong-ayoko ng nagmamakaawa. Dahil ni minsan wala namang
naawa sa akin. Bumalik sa akin lahat ng pagkakataong nagmakaawa ako pati na sa taong ito.
7

Hindi na ako magmamakaawa kahit kailan. Hindi na ako naniniwala sa awa. Nanginig ang
laman ko. Sinaksak ko siya sa leeg. Sinaksak ko siya hanggang sa tumigil siyang huminga.
Sa wakas, narito ka na ngayon sa aking kuwarto, mahal. Ngunit bakit ganyan ang
kalagayan mo? Lumakad ka palapit sa akin. Hinawakan mo ang aking mukha at unti-unti akong
nanghina. Inihiga mo ako sa kama at sumampa ka sa akin. Wala kang mga mata ngunit
tumutulo ang iyong luha. Sabay akong natatakot at nananabik. Nakipagtalik ka sa akin. Malamig
ang iyong kalooban. Ipinatong mo ang walang daliri mong kamay sa kaliwang dibdib ko. Hindi
ko namalayang dinukot mo na ang puso ko pag-angat ng iyong kamay. Kompleto na muli ang
iyong mga daliri. Pagtingin ko sa mukha mo, nandoon na ang mga mata mo. Unti-unti mong
kinain at inubos ang puso ko habang lumuluha. Kay lungkot ng iyong mukha, mahal.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot. Iyon ang pinakamalungkot na gabi ng buhay ko.
Nagising akong takot na takot at hindi ko alam kung bakit. Tumayo ako at lumapit sa
bintana. Hinawi ko ang kurtina. Umaga na naman. Parang labo-labong banda ang pinaghalong
tunog ng busina, garalgal ng makina, kahulan ng aso, at sigawan ng kapitbahay. Mayamaya,
lalabas na naman ako ng apartment para makipag-unahan sa mga taong makasakay ng jeep.
Hahabulin ang alas-otso upang hindi mahuli at makaltasan ng suweldo. Sa daan baka may
makasalubong akong taong binubugbog, dinudukutan, o pinagsasamantalahan. Tutuloy sa
paglalakad nang walang tinitingnan kahit may nakikita. Sa opisina, makikipag-usap sa mga tao
at huhusgahan sa kung gaano karami ang kaya kong ibenta sa isang araw. Ngingiti. Tatawa.
Makikipagbiruan.

Makikipagbolahan.

Makikipag-gaguhan.

Magkukunwaring

walang

nararamdaman. Sa pag-uwi, maraming mabubuo at wawasaking tanong sa isipan.


Mayamaya, may matatagpuang dalawang bangkay.
May kumuyom sa aking dibdib. Wala ka na rito. Wala na rin ako.

Eugene Soyosa

You might also like