Kopyahan (Sanaysay)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Chico, Ria Liza G.

Topic: Pangongopya
Title: Sistema ng Estudyante sa Paaralan

Walang bata ang hindi nagdaan sa pangongopya. Kahit ang inyong mga lola o kahit sino man sa pamilya nyo
ay naranasan na ring kumopya, kahit isang beses. Ngunit naisip ba natin kung tama ba ito? Naisip ba natin kung
sasaya ba tayo kung mataas ang ating nakuha ngunit hindi natin pinaghirapan? O ang makakuha tayo ng mababa
ngunit alam natin sa sarili natin na pinagsikapan natin ito? Kapag ba kumopya tayo ay matututo tayo? Hindi ba mas
ating natatandaan ito kung alam natin ang ating pagkakamali? Iyan ang mga katanungan na dapat nating iniisip kung
tayo ay mangongopya.
Ikumpara mo man ang panahon noon sa panahon ngayon, sabihin mo man na mas matalino ang mga
estudyante noon kaysa sa ngayon, lahat ng mga iyan ay nagdaan at ng pangongopya. Sa panahon noon, lahat nagaaral, dahil nga sa wala silang teknolohiya noon, mas marami silang alam kaysa sa atin dahil nakakapagbasa sila ng
libro. Samantalang tayo ay isang search mo lang sa google ay lalabas na lahat ng kailangan mo, kaya pili lang ang
mga nababasa at napag-aaralan mo. Kaya masasabi nating mas matalino ang mga estudyante noon. Pero hindi ibig
sabihin noon ay hindi na sila nangopya. Bata pa lang ay marunong na tayong mangopya. Kaya napakaimposible na
may taong hindi pa nangongopya sa buong talambuhay nya.
Pero hindi ang katalinuhan ng bawat isa ang ating pag-uusapan, kopyahan ang ating pag-uusapan. Sa
henerasyon ngayon, mas lalong lumalala ang pagkokopyahan. Kahit sa mga pagsusulit ay nagkokopya na rin. Yung
tipong iisipin ng guro lahat nag-iisip dahil lahat ay nakayuko, ngunit nakatingin lang pala sila sa likod ng kaklase
nila na may hawak na papel o kaya inaaksyon ang sagot. Kung minsan, akala ng guro na nagbabasa ang estudyante
kaya nakataas ang papel nito, ngunit hindi pa rin, nakataas ito para makita ng kaniyang kaklase sa kaniyang likod
ang sagot. Grabe ang teamwork ngayon ng mga estudyante. Dati bata ka lang nangongopya, hanggang sa ikaw ay
mag ika-walong grado ka, pati takdang aralin ay kinokopya na rin. Lalo naman pagdating mo na ng ika-sampung
grado, hanggang pagsusulit ay nagkokopyahan na rin.
Ngunit hindi natin alam na nakakasama pala ito ng sobra sa atin. Tayo ay nagiging palaasa sa iba, na
maaaring makuha natin hanggang pagtanda. Hindi na tayo nag-iisip at nag-aaral gabi-gabi dahil lagi nating itinatatak
sa utak natin na mayroon tayong kaklase na matalino, mayroon tayong kaklase na nag-aral o mayroon tayong kaklase
na GC o grade conscious, na pwede nating pagkopyahan o kuhanan ng sagot. O di kaya naman ay sa kaibigan.
Itatakda mo na sa bawat isa sa inyo kung ano ang inyong aaralin, sya sa parts, ikaw sa definition, sya sa
characteristics, para kahit papaano ay nababawas sa aaralin, na totoo rin naman. Mas konti at maiksing panahon
lamang ang ilalaan mo sa pag-aaral at maaari mo ng gawin ang lahat ng gusto mo pang gawin sa mga natitirang oras
sa iyong buong isang araw.

Lahat naman tayo ay may karapatang magsaya at sumaya at magpasaya. Pero napapansin ko, at ayon sa
karanasan ko, ay kaya nagagawa naming mangopya ay dahil sa gusto naming maging masaya, ayaw naming
nabubuhos lamang ang buong kabataan namin sa puro na lang pag-aaral. Dahil kung makapagpagawa sila ng takda
ay akala mo sila na lang ang kailangan naming intindihin. Kaya ginagawa namin ang pinakamaiksing pamamaraan
para lang may magawa naman kaming ikasasaya namin. Hindi ko naman sinasabing hindi masaya ang mag-aral, oo,
masayang mag-aral lalo na kung kasama ang kaibigan.
Ngunit habang tumatagal ay nakakasawa na rin, yung tipong sampu ang subjects nyo at lahat ng subjects na
iyon ay may takda na ipapasa sa Lunes at Martes lamang. Oo, alam kong sasabihin nila na time management, pero
ano nga ba ulit ang pinaparating nito? Pag-ubusan na naman natin ng panahon ang pag-aaral? Nakakalungkot isipin
na kapag nasa bahay ka, parang walang nasa paligid mo, wala yung nanay mo, wala yung kapatid mo, wala lahat,
dahil ang focus mo ay nasa pag-aaral lang. Alam ko naman na para ito sa kinabukasan namin, pero lahat ba ng iyon
ay kailangan namin? Kapag ba kami ay bumili sa tindahan ay tatanungin ba kami ng tinder na Sagutin mo muna ito
bago ka makabili, i-simplify mo ito, x2+4x-3x+4+2=6.?
Pero masakit din naman ang masabihan ng hindi mo deserve ang marka mo. Sapagkat may kaklase ako na
nasa top ngunit lahat naman ng ginawa nya ay galing sa mga kaibigan nya na kinokopyahan nya. Kaya maraming
may galit sa kanya, dahil sa halos lahat kami ay nagpapakahirap tapos siya ay isang tawag lang sa kaibigan nya ang
bibigyan na sya ng sagot at makakasama pa sya sa top.
Masgugustuhin ko pa rin talaga ang mabuhay noon kaysa ngayon, dahil mas konti lang ang pag-aaral noon at
may natutuhan sila at mas matalino dahil sa wala silang teknolohiya at napipilitan silang basahin ang buong libro
para lang maintindihan ang lesson. Sabihin mo man na pwede man natin na gayahin ang pagbabasa ng libro ay iba pa
rin, sapagkat ito na ang nakasanayan natin. At hindi tulad sa panahon ngayon na pinahaba-haba pa ang level ng pagaaral ngunit puro naman kopyahan at wala pa ring natututuhan ang mga estudyante.
Ngayon, kaya mo na bang sagutin ang mga katanungan sa umpisa? Kailangan mong mag-isip. Nagsabi rin
ako ng dahilan kung bakit nangongopya ang tao at nagsabi rin ako kung ano ang pwedeng patunguhan ng
pangongopya sa ating pagtanda, kung ano ang mga maaaring tumatak sa ating isip. Alam nating mali, pero nagagawa
lang naman natin ito depende sa karanasan na ating nararanasan. Ngunit tayo ay may sariling utak, sariling pag-iisip,
sariling pang-unawa, at tayo lang ang makakapagdesisyon na kung anong landas ang ating tatahakin. May positibo
ngunit ay negatibong epekto ito sa atin. Kailangan pa rin nating mag-aral kahit papaano. Huwag din tayong
masyadong palaasa sa iba, dahil maaaring hangang pagtanda natin ay nakadepende pa rin tayo sa ibang tao. Ang
simpleng pangongopya sa paaralan ay maaaring magdulot sa pag-asa sa iba para lamang sa ating sariling interes o
sariling kapakanan.

You might also like