Huling Silay Kay Maestro

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Huling Silay kay Maestro

ni Louise Vincent Amante


Ipinuprusisyon namin ang Mahal na Panginoon
At naroon ang Maestro, sumambit ng Deo Gracias.
Nakaupo siya sa wheelchair, isang Biyernes Santo, hapon.
Kamiy nagrorosaryo at siya namay di makakumpas.
Pinahina sya ng sakit, kataway di umaayon
Pag-ibig sa Poong Mahal ang nagsilibi niyang lakas.
Ipinuprusisyon namin ang Mahal na Panginoon
At naroon ang Maestro, sumambit ng Deo Gracias.
Tumapat sa balintataw ng Maestro, ating Poon.
Tuwat ligaya sa mukha ng Diyos kanyang namalas
Samantalang humahapon sa pugad ang mga ibon
At malamyos, mabini ang ihip ng hanging banayad.
Ipinuprusisyon namin ang Mahal na Panginoon
At naroon ang Maestro, sumambit ng Deo Gracias.
09/23/2012

You might also like