Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco

Buod
Nobela ni Lazaro Francisco, ang Maganda pa ang Daigdig ay naglalahad sa buhay ni
Lino Rivera. Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal.
Nagbalik siya sa Pinyahan makaraan ang digmaan, at hinanap ang kaniyang anak na si
Ernesto. Makikilala niya si Kumander Hantik na hihimukin siyang sumama sa kilusan upang
wakasan ang bulok na sistemang agraryo. Tatanggi si Lino.
Darating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na lupain at
magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya
kay Bb. Sanchez. Darating ang sandali na masasangkot siya sa gulong, at pagbibintangang
pumatay sa isang lalaki. Mabibilanggo siya, ngunit makatatakas, kasama ang iba pang bilanggo,
at magbabalik sa kaniyang lalawigan. Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng
naaaping magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang
panginoong maylupa.
Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan.
Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao.
Mga Tauhan
1. Lino Rivera
Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal. May
isa siyang anak si Ernesto. Dati rin siyang sundalo ng Bataan.
2. Ms. Loreto Sanchez (Luring)
Isang Prinsipal at babaeng banal. Siya ang nag-alaga kay Ernesto habang nasa bukid
ang amang si Lino.May lihim na pag-ibig kay Lino
3. Padre Amando
Amain ni Ms. Sanchez. Nag-aari ng malalawak na lupain at magpapanukala ng
pagbabago.
4. Ernesto
Nag-iisang anak ni Ernesto. Inaalagaan ni Ms. Sanchez.
5. Kumander Hantik
Kasapi ng mga huk na hihimukin si Lino na makisapi sa kanilang samahan upang
wakasan ang bulok na sistemang agraryo.
6. Koronel Carlos Roda
Pinuno ng mga militar sa operasyon laban sa mga huk at pagpapasuko sa grupo nila
ni Lino. Mapagparaya sa pag-ibig niya kay Ms. Sanchez.
7. Don Tito
Isang makapangyarihang panginoong maylupa
8. Tisyo
Kanang-kamay ni Lino.

Teoryang Pampanitikan
Realismo
Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa
ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa
nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o
teksto sa lipunan.

Timawa ni Agustin Fabian


Buod
Si Andres ay nagtratrabaho habang nag-aaral sa isang unibersidad sa Amerika. Noong
namatay ang ama ay sumama sa isang kamag-anak na isang kusinero sa bapor. Anim na buwan
siyang nagtrabaho bilang tagahugas ng pinggan. Ang ilan sa mga naging trabaho niya ay isang
mangagawa sa California, tagahugas ng pinggan sa San Francisco, namimitas ng mansanas sa
Oregon at Washington, naglingkod sa salmonan sa Alaska at tagapatag ng bato ng daanan sa
Nevada. Naulila siya sa kanyang ina sa edad na 13 taong gulang. Isang magsasaka ang kanyang
ama. Sa isang pista ng bayan sumama si Andres sa ama upang tumulong sa isang malaking
handaan na gaganapin sa isang malaking bahay. Sinabihan siyang isang Timawa ng isang donya,
ang asawa ng may-ari ng lupaing kanilang sinasaka dahil kumakain na sila sa gayong hindi pa
natatapos kumain ang mga panauhin. Sabi ng kanyang ama, na ang timawa ay ay higit na pangit
kaysa sa isang gutom.
Ang timawa ay kahalintulad ng isang aso- sagpang ng sagpang. Nagsikap ang kanyang
ama upang makatapos siya ng pag-aaral ngunit di nagtagal ay namatay sa sakit na pulmonya ng
naulanan. Ang pagkwala ng kanyang ama ang nag-udyok sa kanya upang magtapos ng pag-aaral
at magtagumpay sa larangan ng medisina.
Mga Tauhan
Andres Talon- Isang Pilipinong mahirap na tinupad ang pangarap sa Amerika. Isang
kasama ang ama ni Andres
Alice at Bill- Katrabaho ni Andres sa ladies dorm sa Amerika
Teoryang Pampanitikan
Realismo
Pangunahing layunin ng realismo ang pagtalakay sa mga problemang panlipunan ng
isang tiyak na panahon at lugar. Sinisiyasat din nito ang mga sistema at pwersang panlipunan na
patuloy na nagpapahirap sa tao. Pinaguukolan ng pansin rito ang tunay na larawan ng mundong
ating ginagalawan.

Pinaglahuan ni Faustino Aguilar


Buod
Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni Luis Gatbuhay, na nagkataong lider
obrero, laban sa makapangyarihang si Don Nicanor. Kailangang ipaglaban ni Luis hindi lamang
ang usapin ng manggagawa kundi maging ang itinitibok ng kaniyang puso: si Danding. Gusto ni
Don Nicanor na makasal ang kaniyang anak na dalaga kay Rojalde. Si Don Nicanor ay sugapa sa
sugal, at naglustay ng malaking pera para matustusan ang kaniyang bisyo.
Nang malubog siya sa utang, naisip niyang ang tanging makapagliligtas sa kaniya ay si
Rojalde na handa namang tumulong upang mabayaran ni Don Nicanor ang mga utang. Ang
kapalit na kabayaran na nais ni Rojalde ay mapakasal kay Danding, na bukod sa maganda ay
nagtataglay ng mga katangiang ipaglalaban ng patayan ng sinumang lalaki. Ngunit hindi naging
madali ang lahat. Mahal ni Danding ang kasintahang si Luis. Kaya naman nang malaman ito ni
Rojalde ay umisip siya ng paraan para matanggal sa trabaho si Luis, maisakdal sa hukuman, at
tuluyang maibilanggo.
Nagngitngit si Luis at naghimagsik, gaya ng sugatang hayop. Nakasal si Danding kay
Rojalde, at may pitong buwan pa lamang ang nakalilipas ay nagsilang agad ng malusog na
sanggol. Ang sanggol ay hindi kahawig ni Rojalde kundi ni Luis. Nagwakas ang nobela nang
magtanim at masabugan ng bomba si Luis sa loob ng bilangguan. Nagdiwang din siya nang
tupukin ng dambuhalang sunog ang lungsod, at naiwan si Rojalde sa balkonahe habang
nasusunog paligid at ang tinitirhang bahay.
Mga Tauhan
Luis- Ang Kasintahan ni Danding, isang dukha lamang.
Danding- Kasintahan ni Luis, naipagkasundo ng magulang na ipakasal sa isang mayamang
lalaki.
Rojalde- Ang lalaking ipinag-kasundo kay Danding
Don Nicanor - Ama ni Danding
Teoryang Pampanitikan
Naturalismo
Binibigyang-diin sa teoryang ito, ang namana at pisikal na katangiang likas ng tao kaysa
katangiang moral o rasyunal.

Titser

You might also like