Balintuna NG Makabagong Panahon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BALINTUNA NG MAKABAGONG PANAHON

Marami tayong matataas ng gusali,


ngunit maiksing pagtitimpi.
malalapad na daanan o lansangan,
ngunit makikipot na pananaw na nagbabanggaan.
Malalaki at magagandang tahanan,
ngunit salat sa pagmamahalan
maraming mabibiling pagkain at gamut,
ngunit mabibigat ang mga dumarating na sakit at salot.
Napataas at nagkaroon ng buhay ng kalidad,
ngunit bumaba naman ang ating moralidad.
makabagong gadgets upang makipag-ugnayan
ngunit di mabilang ang hiwalayan.
maraming nakakamtang kalayaan
ngunit kulang sa pananagutan.
maraming oportunidad at pagkakataon
ngunit sobrang pang-aabuso sa kanya kanyang panahon.
Madalas, gumagawa ang tao ng labag sa moralidad
hindi dahil sa hindi niya alam ang kalidad
ng mabuti at masama, ng tama at mali,
kundi dahil sa katigasan ng pusong ayaw ikanduli
ang katotohanang mayroong mga panuntunan
dapat tayong sundan.
Ito ay isang pagpipilit na tao ang may kalayaan
kung ano ang mabuti at masama ay siyang pagpasiyahan.
Upang marating ang huli nating dapat kahantungan,
pagiging kaisa ng Diyos sa kaligayahang walang-hanggan,
kailangang mamuhay tayo ayon sa moralidad,
ayon sa tama at mabuting pagkilos ng taong may dignidad,
batas-kalikasang moral ay hindi mga pabigat
kundi gabay tungo sa ating tunay na kaligayahang salat.
Huwag tayong magsawa sa pagsisikap na mamuhay
ayon dito sa lahat ng pangyayari ng pang-araw-araw na buhay.

You might also like