Gumanap: Zikki, Tabby, Blood Cells, Batang RBC, Batang WBC, Platelets, Nanay Ode, Mga Mikrobyo, Duglahi, Ugat-Gulat. Buod: Gustong-Gusto paglaruan ni Zikki ang gunting ng kanyang nanay sa pananahi. Ilang ulit na syang pinagbawalan na huwag itong paglalaruan dahil itoy matulis at matalim. Pero kung may natakot sa naganap, Ito ay ang mga blood cells sa loob ng katawan ni Zikki. Nakasilip silang lahat sa mga maninipis na kuko ni Zikki. Lahat ay kinakabahan. Mabilis na kumalat ang bulung-bulungan sa katawan ni Zikki. Bawat isay natakot, Paano kung masugatan si Zikki ng gunting, anong mangyayari sa kanila? Sa loob ng mga ugat ni Zikki nagsimula ng magpraktis ang mga blood cells. Maya-maya nahiwa ng kutsilyo si Zikki , mabilis ang pangyayari sa loob ng ugat ni Zikki. Kumapit si Duglahi kay Ugat-Gulat para hindi matangay ng daloy ng dugo. Marami sa RBC at WBC ang napunasan ng bulak na may alkohol at namatay. Agad sumugod ang mga platelets na naglabas ng malagkit na kemikal. Dahil sa lagkit agad silang nagkadikit-dikit.Hinarang nila ang mga blood cells, nasalo nila si Duglahi, Si bossing RBC, Si tsip WBC at ang kanyang pangkat. May mga Mikrobyong nakapasok sa ugat ni Zikki, Kinain ng mga WBC ang mikrobyo. Umatras ang ibang mikrobyo pero nahuli pa rin sila. Hindi na nga naghiwa-hiwalay ang mga platelets sa lugar ng sugat. Matapus gamutin si Zikki, hihintayin pa nila ang kanilang tatay kaya binalikan muna ni Nanay Ode ang kanyang pananahi. Aral: Wag maglaro ng matutulis na bagay para hindi masugatan.