Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

(PARA SA IKA-APAT NA BAITANG)


I. Mga Layunin
Natutukoy ang angkop na panghalip na pakuol o paari ayon sa kailanan at panauhan nito
Nasasabi ang kahalagahan ng pagtukoy ng kailanan ng panghalip panao at paari ayon sa kalianan at
panauhan nito sa paikipagtalastasan
Nagagawa ng sanaysay gamit ng mga pangalip panao at paari ayon sa kailanan at panauhan nito
Pagpapahalaga: Paggamit ng wastong panghalip tungo sa maayos na pakikipagtalastasan sa kapwa.
II. Paksang - Aralin
Paksa: Kailanan at Panauhan ng Panghalip Panao at Paari
Sanggunian: Guryon : Pagsulong sa Komunikasyon 4 (pahina 184 - 185)
Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation (Kailanan ng Panghalip Panao at Paari), Kartolina at Manila
Paper, White Board Marker at Quiz Sheets
Methodolohiyang Panturo: Methodolohiyang Deduktibo
III. Mga Pamamaraan
Gawaing Guro

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
- Lahat tayo ay tumayo para sa ating panalangin.
2. Pagbati
- Magandang umaga, mga mag-aaral!
3. Pagtukoy sa mga lumiban
- Sino ang lumiban sa araw na ito?
4. Balik - Aral
- Bago natin simulan an gating aralin ngayong
umaga, natandaan nyo ba ang natutunan niyo sa
Panghalip Panao at Paari?
- Anong panghalip na naghahalili sa ngalan ng
tao?
- Tama! Anong panghalip na tumutukoy sa
anumang bagay na pagmamayari ng tao?
- Tama! Bigyan natin ng Ang Galing, Galing!
Palakpak sa mga sumagot.
5. Pagganyak
- Mga bata, mayroon akong isang video na nais
ong panoorin at ipapaanta ko sa inyo patungkol sa
komunidad. Pagkatapos, mayrong mga katanungan
na iyng sasagutin mamaya. Handa na ba kayo mga
bata?
- Ang guro ay ipapalabas ang video clip patungkol
sa komunidad.
- Nagustuhan niyo ba ang video na iyong
pinanood?
- Anu-ano ang mga panghaip ang nabangit sa
video?
- Tama! Anong uri panghalp ang ako, ikaw at tayo
na nabanggit sa video?
- Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak
B. Panlinang na Gawain
1. Palalahad
- Mayroon akong isang dialog na iyong babasahin.
Mamaya, mayroon akong itatanong patungkol sa

Gawain ng mga Mag-Aaral

- Sasabayan nito ang kanilang guro sa panalangin.


- Magandang umaga din po guro.
- Ang kalihim ng klase ang syang magsasabi kung
sino ang lumiban sa kanlang klase.
- Opo, guro
- Panghalip Panao po guro.
- Panghalip Paari po guro.

- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,


Galing! na Palakpak
- Opo, Guro.

- Ang mga mag-aaral ay papanoorin at ikakanta


ang kanta na nasa video.
- Opo, Guro.
- Ako, Ikaw at tayo ang mga panghali na
nabangit po guro.
- Panghaip na Panao po guro
- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Galing! na Palakpak

- Opo, Guro

mga nasabig dialog. Naintindihan niyo ba ang ating


gagawin mga bata?
- Ang mga babae ay gagapmpanan ang pahayag ni
May at ang mga lalake ay gagamanan ang pahayag
ni Sam. Handa na ba kayo mga bata?
May: Sam, sa akin ba ang kwaderno na ito?
Sam: Oo, May. Nakita ko lang sa upuan mo.
Magkakroon ba tayo ng maikling pagsusulit sa
Filipino ngayon?
May: Oo naman kaya magreview ka para
makakuha ka ng mataas na iskor sa Filipino.
Sam: Oo, sige. Sana makakuha tayo ng mataas na
iskor mamaya.
- Mula sa dialog na nasa pisara, bilugan ang mga
panghalip na nabangit. Sinong makapagtukoy ng
panghalip sa unang pangungusap (hanggang sa ikaapat na pangungusap)?

- Batay sa dialog, sino ang kausap ni May?


- Tama! Sino kaya ang tinutukoy ng panghalip na
tayo?
- Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak
2. Pagtalakay
- Mga bata, naniniwala ba kayo na may mga ibatibang gamit ang mga panghalip batay sa kinakausap
at sa dami ng iyong kinakausap?
- Tama! Ang guro ay tatalakayin ang kahulugan
ng mga salitang Panauhan at Kailanan sa panghalip.
- Narito ang isang tsart ng mga panghalip ayon sa
panauhan at kalian nito. Tatalakayin ng guro ang
mga ibat-ibang panghalip ayon sa panauhan at
kailanan nito.
PANGHALIP NA PANAO
PANAUHAN
KAILANAN
Una
Ikalawa Ikatlo
Isahan
ako, ko
ikaw, ka, siya
mo
Dalawahan
kami, tayo kayo
sila
Maramihan
kami, tayo kayo
sila
- Magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap
sa unang panauhan kahit sa anong kalian ito
kabilang.
- Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikalawang panauhan kahit sa
anong kalianan ito kabilang.
- Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikatlong panauhan kahit sa
anong kalian ito kabilang.
- Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak
PANGHALIP NA PAARI
KAILANAN
PANAUHAN

- Opo, Guro

- Ang mga natawag na mag-aaral ay pupunta sa


pisara at tukuyin ang mga pangahalip mula sa
dialog na binasa.
MGA KASAGUTAN:
May: Sam, sa akin ba ang kwaderno na ito?
Sam: Oo, May. Nakita ko lang sa upuan mo.
Magkakroon ba tayo ng maikling pagsusulit sa
Filipino ngayon?
May: Oo naman kaya magreview ka para
makakuha ka ng mataas na iskor sa Filipino.
Sam: Oo, sige. Sana makakuha tayo ng mataas na
iskor mamaya.
- Si Sam po guro.
- Sina May at Sam po guro.
- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Galing! na Palakpak.
- Opo, Guro

- Kami ay pupunta sa Skyranch.

- Kayo ay maglilinis mamaya sa klase

Isahan
Dalawahan
Maramihan

Una
akin
atin
atin, amin

Ikalawa
iyo
inyo
inyo

Ikatlo
kanya
kanila - Siya ay kasali sa Mini Orchestra sa paaralan.
kanila

- Magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap


sa unang panauhan kahit sa anong kalianan ito
kabilang.
- Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikalawang panauhan kahit sa
anong kalian ito kabilang.
- Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikatlong panauhan kahit sa
anong kalian ito kabilang.
- Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
- Ano ang natutunan niyo sa ating aralin ngayong
araw?
- Tama! Anong mga kailanan ng panghalip?
- Tama! Anong naman ang mga panauhan ng
panghalip?
- Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak
2. Paglalapat
- Narito ang limang pangungusap sa pisara.
Ngayon, tukuyin ang kailanan at panauhan ng
panghalip na naasalungguhit sa mga sumusunod na
pangungusap.
1. Sa amin ba ang mga prutas na nakasilid sa
basket? sabi ni Rosa kasama ang kanyang mga
kaibigan.
2. Sabihin mo kung sino ang nagtapon ng kanilang
mga kalat sa hindi tamang tapunan. sabi ng G.
Fernandez kay Rudy.
3. Tayo ang nagwagi sa patimpalak ng sabayang
pagbigkas. sabi ni Bb. Amelia sa kanyang mga
mag-aaral.
4. Ako ang nagsauli ng pitaka kay Alice.
5. Sumama sina George at Anna sa pagsasanay ng
kanilang coach sa volleyball.
- Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak
3. Pagpapahalaga
- Bakit kaya natin kinakailangang alamin ang
panauhan at kailanan ng panghalip?

- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,


Galing! na Palakpak.

- Sa atin ang pagkaing binigay ni Bb. Daisy.

- Ang inyong mga aklat ay ibigay kina John at


Peter pagkatapos ng klase.
- Sa kanya ang cell phone na hawak mo kaninang
umaga.
- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Galing! na Palakpak.

- Ang mga Kailanan at Panauhan ng mga


Panghalip na Panao at Paari po.
- Isahan, Dalawahan at Maramihan po.
- Una, Ikalawa at Ikatlong panauhan po.
- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Galing! na Palakpak.

MGA KASAGUTAN:
1. Unang panauhan, Maramihan
2. Ikalawang panauhan, Isahan
3. Ikatlong panauhan, Dalawahan/Maramihan
4. Unang panauhan, Isahan
5. Ikatlong panauhan, Dalawahan/Maramihan

- Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang


Ang Galing! Gaing! na palakpak

- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,

Galing! na Palakpak.
- Dahil po magiging tama at mainaw ang ating
sinasabi kapag may kausap o tayo.
- Dahil po mas maganda kung alam natin gamitin
ang mga angkop na panghalip depende sa
panauhan at kailanan nito para mas malinaw ang
nais natin iparating na mensahe o kapag may
kausap po tayo.
- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Galing! na Palakpak.
IV. Pagtataya
Panuto: Ikahon ang panghalip sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa unang patlang ang kailanan ng
panghalip at isulat sa ikalawang patlang ang panauhan ng panghalip na nakakahon.
KAILANAN

PANAUHAN
1. Siya ang pangulo sa klase.
2. Sa inyo ba ang mga gamit pantahi? sabi ni Clarissa
3. Ako lang ang nagaos ng mga upuan kanina. sabi ni Jed.
4. Sana ikaw ang Top 1 sa ating klase. sabi ni Liza kay Gina.
5. Tayong lahat ay nagtutulungan para sa ikakabuti ng lahat
6. Kayo lamang ang bukod tanging may kusang loob na gawin
ang lahat ng gawain sa klase.
7. Sila lang ba ang sasama ng Field Trip sa Maynila? tanong ng
guro.
8. Sa kanila an lahat ng mga papel na ating ginamit sa pagsulat ng
sanaysay.
9. Ako lang ba ang hindi tapos sa gawain? tanong ni Ford sa
klase.
10. Sabihin mo sa magulang mo na kailangan nilang pumunta sa
ating pagpupulong sa darating na Lunes. bilin ni Gng. Lara kay Jun.

V. Takdang-Aralin
Sa isang buong papel, sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa pagsasama ng inyong pamilya.
Sundin ang mga panuntunan na dapat sundin sa paggawa ng maikling sanaysay:

Ang sanaysay ay may tatlong talata lamang at sundin ang mga panuntunan sa paggawa ng
maikling sanaysay.
Hindi lalampas sa 100 na salita at hindi kukulang sa 50 na salita ang kabuuang sanaysay.
Ang kabuuang sulat kamay ng sanaysay ay cursive.
Gamitin ang mga panghalip na panao at paari batay sa kailanan at panauhan nito.
Ipasa ang nagawang sanaysay bukas, sa oras ng ating klase.

BATAYAN SA PAGBIGAY NG ISKOR:

MGA BATAYAN

PUNTOS

Organisasyon ng mga ideya


Pagkagawa sa Kabuuang Sanaysay
Kalinisan at Kaayusan sa Pagsulat
Tamang Paggamit ng mga Panghalip
Pagsumite ng Sanaysay sa Itinakdang Araw at Oras

15
10
10

KABUUANG PUNTOS

10
5
________________
50

You might also like