Aralin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mala-masusing Banghay Aralin

Sa Ika-7 baitang sa Filipino

I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, Ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Naayos ng mag-aaral ang kwento ayon sa pagkakasunod-sunod;
B. Nakakalikha ang mga mag-aaral nang sariling kwento tungkol sa
kanilang karanasan; At
C. Naipapaliwanag ng mag-aarl ang layunin ng may akda sa kwento;
II. Paksang-aralin: Maikling Kwento: Walang Panginoon ni:Deograsias A. Del
Rosario
Sanggunian:
http://www.answers.com/Q/Buod_ng_maikling_kwentong_Walang_Panginoon
Kagamitan: Manila paper, pen
III. Tukoy Alam:
Ano ang maikling kwento, at ano-ano ang mga bahagi nito.
IV. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan na pagmamalupit sa alagang hayop,magkasintahan,
at magkaibigan
V. Pagtatalakay:
Ipapabasa ang Maikling Kwento na pinamagatang Walang Panginoon sa mga
mag-aaral.
WALANG PANGINOON
Ni Deogracias A. Rosario
Ito ay kwento ng isang lalaki na pinagkaitang mahalin ang isang babae
pinaghiwalay sila ni Don Teong ang ama ni Anita. Sa loob, loob niya,
tinitimpi niya lahat ng galit na idinudulot ni Don Teong sa kanyang pamilya.
Pagkat hindi lamang simpleng pang aalipin ang pagpapahirap sa kanila kundi
ang kaniyang dangal at pagkatao.
Sila ay pinagbabayad ng buwis sa lupang kanilang sinasaka bagamat
ang sabiy itoy pag-aari ng kanilang ninuno. Dahil sa wala silang kakayahan
upang maipagtanggol ang kanilang karapatan, napilitan silang bayaran ang
sarili nilang pag-aari. Na siyang ikinamatay ng ama ni Marcos, gayundin sa
tiyuhin niyang nagsilbi sa lugar ni Don Teong. Siya ay lubhang nalulungkot
pagkat patago ang pag-iibigan nila ni Anita. Ito ay nalaman rin ni Don Teong
at sinaktan si Anita hanggang sa mamatay. Hindi pa man humuhupa ang galit
niyay naroon na ang kautusan ng pamahalaan na sila na ay pinapaalis sa
kanilang tahanan. Ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at
pawis sa maghapong pagbubukid.
Dahil sa sobrang galit ni Marcos kay Don Teong gumawa siya ng paraan
para makaganti at kanyang ginamit ang kanyang kalabaw upang mapatay si Don
Teong. Araw- araw niyang pinapahirapan ang kanyang kalabaw at siyay
nakasuot ng damit na katulad na katulad ng kay Don Teong hanggang isang araw
ng si Don Teong ay mamasyal sa bukid bigla siyang sinuwag ng kalabaw at dun
namtay na si Don Teong.

Katanungan:
Sino-sino ang tauhan sa kwento?
Ano ang katangian ng pangunahing tauhan
Ano ang aral na mapupulot sa kwento

VI. Pagpapahalaga:
Ang kwentong ito ay di nalalayo sa kinalalaglakan ng ating bansa sa
panahon ngayon. Bagamat nagsisitaasan na ang bantayog nitong mga may kaya,
hindi pa rin sila kuntento. Kinakapkapan pa rin ang butas na bulsa ng mga
mahihirap at pinangangahasan ang mga maralita hanggang silay mailubog.
Ngunit marapat tandaan na bawat panimula ay may katapusan at di
mananaig ang kasamaan sa kabutihan. Maaring ang pagkamatay ni Don Teong ay
makatarungan pagkat kahit sinong may paghuhusgang pantay at makatarungan,
bukas palad at naaayon sa tunay na hatol, ang kamatayan ay di pa sapat para
sa taong tulad niya.
Ating itanim sa isipan ang salitang binitawan ng ating pambansang
bayani, walang alipin, kung walang magpapa-alipin.
VII. Gawain:
Pangkatin ang klase sa apat na pangkat at isasadula ang mga kaganapang
mali sa panahon ngayon.
VIII. Paglalahat:
Tungkol sa Maikling Kwento na tinalakay ano ang mga nangyari sa mga
sumusunod:
A.Ang kwento ay may limang bahagi:
1. Panimula
2. Saglit na kasiglaan
3. Tunggalian
4. Kasukdulan
5. Kakalasan
B.Ano ang aral na mapupulot sa kwento na nangyayari sa totoong buhay.
IX. Paglalapat:
Gumawa ng Repleksyon tungkol sa kwentong Walang Panginoon
X. Kasunduan:
Basahin at unawain ang kwentong Tata Selo ni Rogelio Sikat, at mag
bigay ng reaksyon na ibabahagi nyo sa susunod na pagkikita.

University of the Cordilleras

Kolehiyo ng Edukasyon

Panguro

FIL 106-Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang Antas ng Edukasyon

TThS 5:25-6:50

Marso ika-28, 2015

Ipinasa ni:
Meriales, Charlie

SUMMARY:
Pamagat: Walang Panginoon
Ang seleksiyong ito ay nagpapakita ng katatagan at pagiging makatao. Lahat tayoy ayaw maging alipin,
kung kayat nararapat na walang sinuman ang dapat magpapa-alipin.
IV.
Buod:
Ito ay kwento ng isang lalaki na pinagkaitang mahalin ang isang babae pinaghiwalay sila ni don teong ang
ama ni anita. Sa loob loob niya, tinitimpi niya lahat ng galit na idinudulot ni Don Teong sa kanyang
pamilya. Pagkat hindi lamang simpleng pang aalipin ang pagpapahirap sa kanila kundi ang kaniang
dangal at pagkatao.
Sila ay pinagbabayad ng buwis sa lupang kanilang sinasaka bagaman ang sabiy itoy pag-aari ng
kanilang ninuno. Dahil sa wala silang kakayahan upang maipagtanggol ang kanilang karapatan, napilita
silang bayaran ang sarili nilang pag-aari. Na siya naming ikinamatay ng ama ni Marcos, gayundin sa
tiyuhin niyang nagsilbi sa lugar ni Don Teong. Siya ay lubhang nalulungkot pagkat patago ang pag-iibigan
nila ni Anita. Ito ay nalaman rin ni Don Teong at sinaktan si Anita hanggang sa mamatay. Hindi pa man
humuhupa ang galit niyay naroon na ang kautusan ng pamahalaan na sila na ay pinapaalis sa kanilang
tahanan. Ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid.
Dahil sa obrang galit ni Marcos kay Don Teong gumawa siya ng paraan para makaganti at
kanyang ginamit ang kanyang kalabaw upang mapatay si Don Teong. Araw- araw niyang pinapahirapan
ang kanyang kalabaw at siyay nakasuot ng dmit na katulad na katulad ng kay Don Teong hanggang isang
araw ng si don teong ay mamasyal sa bukid bigla siyang sinuwag ng kalabaw at dun namtay na si Don
Teong.
V.
Teoryang Pampanitikan: Realismo
Dahil ang layunin ng panitikan ito ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may- akda sa lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ng pamilyang humaharap sa ganoong pangyayari.
Ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang- alang ng may- akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng
kanyang sinulat.
VI.
Reaksyon:
Sa Tauhan:
Marcos- Siya ang taong may matinding pagsubok at masalimuot na karanasan sa buhay dahil lamang sa
iisang tao. Nagdulot ng pagkamatay ng kayang ama at tiyuhin, karapatan at minamahal o iniirog.
Pagkat siya ay nabibilang sa mababang uri ng mamamayan, ganon na lamang ang pang- aalipin ni Don
Teong sa kanya.Nagkapatong- patong ang kanyang hinanakit buhat sa matandang ito hanggang sa siyay
naglasik ng damdamin. Alam ng kanyang ina ang nararamdaman ni Marcos kayat gayon na lamang ang
pag pigil nito. Alam din naman ni Marcos ang kalungkutan at pag-aalala ng kanyang ina kayat sinikap
niyang maging kalmado sa harap ng kanyang ina. Itinatago niya sa kanyang sarili ang mga himagsik na
pinaplano upang matigil na ang lahat.
At nangyari nga ito. Siyay nakapag higanti gamit ang kanyang matalinong kaisipan. Napatay niya si Don
Teong ng hindi nadudungisan ang kanyang kamay.
Sa Kabuuan:
Ang kuwentong ito ay di nalalayo sa kinalalaglakan ng ating bansa sa panahon ngayon. Bagamat
nagsisitaasan na ang bantayog nitong mga may kaya, hindi pa rin sila kuntento. Kinakapkapan pa rin ang
butas na bulsa ng mga mahihirap at pinangangahasan ang mga maralita hanggang silay mailubog.
Ngunit marapat tandaan na bawat panimula ay may katapusan at di mananaig ang kasamaan sa
kabutihan. Maaring ang pagkamatay ni Don Teong ay makatarunan pagkat kahit sinong may
paghuhusgang pantay at makatarungan, bukas palad at naaayon sa tunay na hatol, ang kamatayan ay di
pa sapat para sa taong tulad niya.
Ating itanim sa isipan ang salitang binitawan ng ating pambansang bayani, walang alipin kung walang
magpapa-alipin.

You might also like