Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pananaw Sosyolohikal

Sa pananaw na ito makikita ang ugnayan ng panitikan at ng lipunan. Ang akda ay iniluwal sa
isang partikular na panahong kinamalayan ng manunulat. Sa pagsusuri ay hindi sapat na
tingnan lang ang akda kundi gayundin ang lipunan kung saan nagkahugis ang kaisipan at mga
karanasan ng manunulat upang ganap na maunawaan ang mensaheng taglay ng kanyang
akda.
Sa pagsusuri gamit ang pananaw sosyolohikal ay nararapat ding pag-aralan ang kasaysayan
sapagkat masasalamin nito ang kalagayang inilahad sa akda. Ang akdang "Tata Selo" ay
inilathala noong 1963, ang panahon kung kailan sinimulan ang repormang panlupa o Agrarian
Reform sa ating bansa. Gayunpama'y sinasabing hindi ito tunay na reporma sapagkat hindi
naman nagkamit ng ginhawa ang mga magsasaka at sa halip ito ay naging kasangkapang
pampulitikang nagamit ng ilang pulitiko upang sila'y maluklok sa pwesto.
Angkop suriin ang kuwentong "Tata Selo" gamit ang pananaw na ito sapagkat sinasalamin nito
ang kabiguan sa pagpapatupad ng dapat sana'y tunay na repormang panlupa. Ipinakita sa akda
ang kaapihang dinanas ng isang dukha at mangmang na magsasaka sa kamay ng kabesang
nagmamay-ari ng malalawak na lupaing nagtangkang umagaw sa lupang minana pa niya sa
kanyang mga ninuno at naglugso pa sa puri ng kanyang kaisa-isang anak. Sa kabuuan ng
kuwento ay ipinakita ang kalupitan at kawalang katarungan ng isang bulok na sistem sa kaawaawang biktima. Tanging ang isang mahirap na batang magsasaka ang naging karamay ni Tata
Selo sa panahon ng kanyang kasawian subalit katulad din ng totoong lagay ng ating lipunan, sa
mundo ng mga makapangyarihan at mayayaman, ang dukha at mangmang na tulad niya ay
walang boses upang ipagtanggol ang isa pang mahirap at mangmang ding biktimang tulad ni
Tata Selo.
Sanggunian: Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan (Ikawalang Edisyon)
Mga Awtor:
Ailen G. Baisa-Julian
Nestor S. Lontoc
Mary Grace G. del Rosario
Awtor-Koordineytor:
Alma M. Dayag

You might also like